chapter 4,

Punto de Vista (Chapter 4)

10/11/2013 08:14:00 PM Media Center 5 Comments

Ang Punto de Vista ay kuwentong binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 1 2014 staff bilang kanilang creative writing project ngayong semestre.

Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.






“Xe,” tawag sa akin ni Z pagkalabas niya sa opisina ni Ms. DiSi, “ikaw na ang sunod.”

Tumayo ako mula sa upuan ko, katabi ko si N at si Kr, malayong-malayo kay O, at inayos ko ang uniform ko. itinali ko ang buhok ko sa isang praktisadong galaw at dumiretso ako sa kwarto.

Pagpasok ko sa opisina ni Ms. DiSi nakita ko kaagad ang mga kable at lie detector. Hindi na ako umimik, diretso akong umupo sa upuan.  Bago pa man tumayo si Ms. Disi nagsalita ako, “Ma’am, let me put these on,” sabi ko nang abutin ko ang mga kable, “I do this all the time at home.” Pinabayaan niya na lang ako at idinikit ko ang mga kable sa katawan ko. Pagkatapos ko ito gawin tumingin ako kaagad sa kanya.

“Why am I here, Ma’am? I have no connection to anything”

Hindi na ako sinagot ni Ms. DiSi, halatang paulit-ulit na ito sinasabi sa kanya. “Sabihin mo ang pangalan, seksyon at student number mo.”

Tinitigan ko siya nang matagal bago ako sumagot, “I’m Xe from Class 10.4 AD, Student #3014-0054…” tuloy-tuloy lang ang pagsagot ko sa mga tanong niya.
“Ano ang relasyon mo kay O?”
“Best f--” napaisip ulit ako sa sagot ko, “she’s my friend.”
Napaisip si Ms. DiSi bago siya magtanong ulit, “Kailan mo napansin na may naiba kay Z at O?”

****
Nasa Computer Lab kaming barkada para sa susunod naming klase. Wala pa si sir kaya umupo muna ako sa isang tabi. Tatabihan ko sana si O pero naunahan na ako ni Z.  Itinaas ko ang kilay ko sa kanila pero di nila ako nakita.

Huminga na lang ako nang malalim at inilabas ko ang Apollo Aperture Device ko. Pinindot ko ang camera feature.  Naramdaman ko ang pag-connect ng wireless network sa paningin ko. Tumingin ako ulit kay Z at O, isinara ko ang mata ko at pagtingin ko sa AA Device nakita ko ang napaka high definition na picture nila. Natawa na lang ako sa hitsura nila sa picture. Sa tuwa ko, di ko napansin na tinabihan na pala ako ni Kr.

“Oy Xe! Anyare? Bakit parang kanina ka pa tahimik dyan ha?” Tanong niya sa akin.
“Ha? Wala…” paiwas kong sagot.
“Weh? Sure ka?”
“Kulit mo rin, ‘no? Hahaha, look at these two!” at ipinakita ko ang picture ni Z at O.  Tumawa si Kr, “Kita mo rin ba? Hahaha bagay sila ‘no?”

Nginitian ko si Kr, “As long as he takes care of her? Pag nalaman kong ineechos niyo siya sampal ang abot niyo!” Hindi si Kr agad tumawa sa biro ko pero ngumiti naman siya.
“Di ‘yun magagawa ni Z, ano ka ba?”

Bago pa man ako maksagot tinawag ako ni N sa kabilang dulo ng kwarto.
“Kr, let’s talk later” at umalis ako para kausapin si N.
“Hi N, kumusta?”
“Oh Xe! Wala naman, nag-rereview kasi ako para sa quiz mamaya kaya humiwalay muna ako. Ang ingay kasi nila eh. Hehe. Nakuha mo ba yung sinend ko kagabi?”

“I know right?” tawa ko, “yup. I got your report yesterday na. Uy! May papakita ako! Sobrang oh my god!!”

Si N bilang si N ay lalo pang lumapit sa akin, “ay ay ay! Ano bagong balita mo, ate!”
“Tignan mo ang dalawang ‘to, oh! Sparks everywhere!!!” ipinakita ko sa kanya ang napaka-sweet na picture ko ni Z at O. “Bagay sila, right?”

Akala ko maipagmamalaki ko na ang bagong chikka na nahanap ko pero nagsalita si N, “Sus, Ate! Ang tagal-tagal na niyan! May mas juicy pa akong alam kaysa diyan!”

“May tatalo pa sa dalawa nating kaibigan maging item? Aba, aba, what do you know, N? Spill!”
Ilang sandali pa’y tumawang malakas si N at sinabing,  “Wahahahahahaha! Bakit, jelly ka na di mo  alam, noh? Wahahahahaha x 100000. Okay lang yan, Xe!” Hindi matigil ang tawa ni N at may halo pang pang-aasar.


Ano ba naman ‘tong si N, hindi makausap nang matino. Ugh so irritating.

Hinampas ko si N nang medyo malakas. “Ouch ha! Joke lang yun, ito naman, ‘di mabiro.” Tugon ni N habang hinihimas ang kaniyang braso dahil sa lakas ng palo ko.

Dumating na si Prof. ABC, prof naming matagal na dito sa paaralan. Hindi pa advanced ang mga pasilidad ng paaralan ay nagtuturo na siya. Hindi pa rin natigil ang daldalan ng mga estudyante kahit na nasa harapan na si prof.

“Okay guys, settle down. Dahil kakatapos niyo lang ng isang project niyo, gusto ko munang namnamin ninyo yung aircon ng ating napakaganda at high-tech! Oh yung mga MAC desktops niyo, i-explore niyo muna nang malaman niyo paano ‘yan ginagamit.”

Nakakatamad gawin ang utos ni prof. Oh well, mas mabuti na ito kesa sa triple-trigo class…

“So guys, bago pala ang lahat, ibibigay ko na yung pairing ninyo. Pair, which means katulong sa seatworks and exercises. Okay, katulong ha, hindi ka-kopyahan. So ito yung mga pairing… ”
“… Z and O kayo ang pair”

Pinanood ko kung paano natuwa ang bestfriend ko sa balitang makakasama niya si Z.  Ngumiti ako, masaya para sa kaibigan ko. Tinitigan ko  si Sir ABC, hinihintay ang pair ko.
“Sana si Kr pair ko…” bigla ko na lang naisip.

“… Kr and Xe,  pair kayo” YESS! naisip ko na lang sa loob-loob ko.
Nakita kong maglakad si Kr papunta sa akin pero di ko mapigilan ang mata ko na tumingin kay N. Mukhang naiinis na naman siya, na-out na naman namin siya nang di sadya.

“Okay go turn on your computers at i-explore niyo muna. May isesend akong file sa mga computer ninyo mamaya-maya.”  

At bigla nanamang umingay ang klase.

*****

Nakita kong inaaral ni Ms. DiSi ang galaw ng katawan ko habang sinasabi ko lahat ng alam ko. I straightened my back, di na ako gumalaw.

Mabilisan lang pero nakita ko ang inis sa mata niya pero hindi ako naging handa sa sumunod na sinabi niya, “Kailan mo napansin na may relasyon na si Z at O?”

Agad akong sumagot, “What they had was not a relationship”

“Ba’t mo nasabi yan, Xe?”

“Kailan ba naman naging relasyon ang pinagpupustahan ka? At so-called friend mo pa ang nag-initiate?”

Hindi naapektuhan si Ms. DiSi sa mga sinabi ko, “Paano mo nalaman ang pustahan, Xe?”

*****
“Psh.”
“Oh, Kalma lang, sige, papangit ka!”
“No! Never! By the way N, ano yung sinasabi mong alam mo nung isang araw?”

At inamin ni N na meron nga siyang nalalaman tungkol sa bagay na ‘yun. Kinailangan ko pa siyang pilitin para sabihin ang mga bagay na iyon.

“Ano ba naman yan, Xe? May Kr ka na nga diyan eh bakit parang nagseselos ka kay Z at O???”
“I HATE YOU! Ang sakit mo naman magsalita, pinagmumukha mo akong malandi!” I shouted while glaring at him.

“Oh ano, galit ka na naman sa akin? Biro lang naman. Alam mo naman ako” mahinang sabi ni N sa tabi ko. Huminga ako nang malalim, “Nag-over react lang ako. Ewan ko talaga N, eh. Bagay na bagay talaga silang dalawa pero may nararamdaman akong mali eh… you know?”

“Ganito kasi ‘yan Xe, makinig ka sa akin… May bet na nagaganap sa dalawang ‘yon!”
“Bet? Excuse me???”
“Yes, bet. As in, pustahan. Pinagpupustahan nila si O.”
“What?!?! But why?!?! Bakit kailangan nilang gawin sa bestfriend ko ‘yon?!?!”
“Bestfriend? Naks. Hanggang ngayon? Wahahaha!”
“Of course!”
“Kahit laging si Z na lang kasama niya?”
“Ang babaw ko naman kung binalewala ko lang ang friendship namin sa lalaking manloloko!”
“Chill, Xe. Eh why don’t you tell her?”
“Hay naku, sasabihin ko na sa kanya kaagad. Friends don’t let friends be cheated on.”

Biglang narinig namin ang bell at kinuha ko na gamit ko para sa susunod na klase. Nakita kong lumabas si O sa kwarto at agad ko siyang hinabol.

“O! O! Wait lang, O!”
Malakas na ang sigaw ko pero hindi pa rin ako narinig ni O dahil may earphones pala itong suot at ka-share pa si Z sa music. Napasimangot ako ng onti nang sabihan ako ni N na ‘wag magmadali kahit na alam kong tama siya.

“Think before you act, Xe. ‘Wag kang padalos-dalos.” Payo ni N.
“Yes, yes. I think I need to find the right timing.”
“I think mas mabuti kung kakausapin mo si O kapag wala si Z.”
Tumungo nalang ako bilang sagot.

*****

Habang naglalakad kami ni N sa corridor  itinuro niya si Z at O na abalang-abalang magkulitan at parang walang paki sa mundo.

“Ano ba, hayaan mo nga lang sila. That happiness won’t last forever.” Sabi ko sabay irap.
“You’re so mean.”
“What? I’m just telling the truth. Kilala ko yang bestfriend ko, alam ko kung anong puwedeng mangyari once na malaman niyang pinagpustahan siya…”

Sinabihan ako ni N bago siya umalis na mayroong silang training ng 5pm at magkakaroon na rin ako ng pagkakataon upang kausapin si O. Pagkaalis naman ni N, naglakad lakad ako sa may computer science pavilion at doon ko nakita si O.

“O!!!”
Nagulat naman si O ng nakita niya na tumatakbo ako papunta sa kanya.

“Oh, Xe! Kamusta? Bakit madaling-madali ka?”
“Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng chance na makausap ka eh. I need to tell you something.”
“Ano iyon, Xe?”               

Kabadong-kabado naman ako. Napaisip tuloy ako kung dapat ko ba talagang sabihin kay O.

“O… tungkol sa inyo ni Z”
Nagulat si O, “Naku Xe, galit ka ba na mas kasama ko na si Z? Xe, hindi ko sinasadya. Sorry!”

Halos maiyak ako sa sinabi ni O. Masyado siyang mabait.

“O… hindi ito dahil doon. Okay na okay lang sa akin yan pero…”
“Pero ‘ano’, Xe?”

 “He doesn’t deserve you, O”
Nagulat si O sa sinabi ko pero bigla siya naging defensive, “Ano nanaman ang sinasabi mo, Xe? Ano, aagawin mo ba si Z sa akin eh may Kr ka na nga!”

Sa lahat ng pwedeng sabihin ni O hindi ko inakala ‘yun ang sasabihin niya, “bakit ba lahat ng tao sinasabi na aagawin ko si Z? Wala akong gusto sa baboy na ‘yun!”
 “Eh ano, Xe?”

Hindi ko na mapigilan ang susunod kong sinabi,“Pinagpupustahan ka lang O! He’s playing with you!”  Ayan. Sinabi ko na. Hindi ko na puwedeng balikan ang mga sinabi ko. Tahimik lang ang lahat. Pareho kaming hindi umiimik nang biglang magsaita si O.

“So what?”

Nawindang ako sa sinabi niya. “Anong sabi mo?”

“So what? I don’t care”
 “Naririnig mo ba ang sarili mo O? Sinasabi ko sayong pinaglalaruan ka like a doll tapos ganyan lang ang reaction mo?! What’s wrong with you?” Naluha na ako sa lahat ng pinagsasabi ko pero tuloy pa rin si O sa pagsagot.

 “Ayan ka na naman, eh! Lagi n’yo na lang tinitignan na hindi ko kaya. Matagal ko nang alam na pinagpustahan lang ako, Xe. In fact, mas madami pa akong alam kaysa sayo. Alam mo bang si Kr ang nagsimula ng pustahan?”
 “Ano? O don’t lie to me!”
Pero hindi niya na ako sinagot. Naramdaman ko na ang tumutulo kong luha pero wala akong ginawa para punasan ito.
 “O…” mahina kong sabi, pero wala. Wala na ang best friend ko.

*****

Tahimik lang sa opisina ni Ms. DiSi. Kakatapos ko lang sa kwento ko.

 “Xe…” mahinang sabi niya, “Ayon sa kwento mo, galit ka pa ba kay O?”

Hindi na ako nag-isip at agad-agad na akong sumagot, “Galit pa ako sa kanya… pero sino ba namang kaibigan ang hindi magagalit kung mas pinili niya ang boyfriend niya sa bestfriend niya.”

“Ayon sa sagot mo, Xe, maiisip talaga na ikaw ang nagsulat ng hate letter. Naiintindihan mo bang pwede kang masuspend sa gawain na ito?”

Inayos ko ang buhok ko sa sinabi niya, “Mas malungkot ako kaysa galit... kasi kahit napakabigat ng betrayal niya sa akin… she’s still my friend. Hindi ko magagawang magsulat ng ganyang letter.”
Lumapit sa akin si Ms. DiSi, “Xe, tingnan mo ako sa mata at sagutin mo ako… ikaw ba ang nagsulat ng hate letter?”

“…no”

ITUTULOY.




You Might Also Like

5 comments:

  1. Ganda ng chapter! :)

    ReplyDelete
  2. "Friends don’t let friends be cheated on.” Ang hirap ng role ni Xe as a bestfriend. Hayy

    ReplyDelete
  3. Ang love nga naman. Once na mafall ka na. Hindi ko ineexpect na matagal na rin palang alam ni O.

    ReplyDelete
  4. Love is blind ka naman. Diba, O?

    ReplyDelete
  5. “So what? I don’t care” BOOM

    ReplyDelete