14 na tambayan,

Feature: 14 na Tambayan: Canteen

10/12/2013 07:00:00 PM Media Center 0 Comments


Canteen

Sa ating paglisan,
Ating balikan
Ang labing-apat na tambayan
Sa ating minamahal na paaralan

****
Nagugutom ka ba? Nauuhaw? Iilan lang ang puntahan ng mga estudyante ng UPIS para diyan…ang Canteen. Maraming pagkain, inumin at kung anu-ano pang panlaman- tiyan ang mahahanap dito. Pero, alam niyo ba kung ano ang Canteen noon?

Noong araw, ang Canteen ay isa lamang open field kung saan idinaraos ang mga work program. Ito ay tinaguriang Practicum Venue noon.

Pero nang dumating ang late 70's, ang Canteen ay kinuha ng PA Department at naging under ng Food Service University. Nalipat lamang ang Canteen sa UPIS nang ito’y mag-privatize. Pero kumpara noon, mas mura, masarap, maayos at dekalidad ang mga pagkain sa Canteen noon. Ayon nga kay Ma'am Flor: "Mga bata lang naman ang nagpapangalan sa mga lugar natin dito sa UPIS eh."


Nakalulungkot lang isipin na ang canteen ay mawawala na at magiging mall na. Ngunit mapapalitan naman ito ng mas malaki, presko at sana, mas murang paninda sa ating bagong eskwelahan. Mawawala na nga ang Canteen, ngunit ang mga alaala na nagawa natin dito ay mananatiling buhay at masarap balik-balikan.

You Might Also Like

0 comments: