chapter 5,

Punto de Vista (Chapter 5)

10/11/2013 08:45:00 PM Media Center 0 Comments

Ang Punto de Vista ay kuwentong binuo, sinulat at pinaghirapan ng Media Center 1 2014 staff bilang kanilang creative writing project ngayong semestre.

Ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang, hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kuwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.






Binalibag ni Xe ang pinto palabas ng office ni Ms. DiSi. OMG ‘bat ako kinakabahan?
“N, you’re next.” sabi ni Xe nang hindi tumitingin sa akin.

Ermagerd. Pinunasan ko ang pawis sa mukha ko bago pumasok sa loob. Pagpasok ko sa kwarto bigla na lang akong nag-freeze. Hala, hindi ko ‘to kaya. Tumigil ako sa pintuan nang tumingin si Ms. DiSi sa akin.

“Tuloy ka at umupo ka.”


Napapa-hyperventilate na ako sa utak ko pero pinipilit ko pa ring maging kalmado. Sinabi ni Ms. DiSi na ilagay ko ang mga kable sa katawan ko, sinuot ko ito habang nanginginig ang kamay ko.

“Ano ang pangalan, seksyon at student number mo?”

Wew, okay, simple lang ang tanong niya, N, sagot ka na dali, dali! “A-ako po si N ng class 10.4 AD, student number…” oh my goodness nakalimutan ko!!

“Student number #3014-0007” sinagot na ni Ms. DiSi para sa akin.

Kinagat ko ang labi ko, huhuhu, ayoko na rito, please, patapusin niyo na ito, “Opo… yan po student number ko…” pagkatapos ko sabihin, walang nangyari, tahimik lang ang lahat. Grabe ganito ba ang dinaanan nila Kr, Z at Xe? Paano nila kinaya? I can’t take it!


“So N, siguro naman alam mo na kung ano ang itatanong ko sa’yo,” bigla na lang sabi ni Ms. DiSi
“... Favorite color ko?” Ang harsh ng itsura ni Ms. DiSi. Grabe ha di puwedeng mag-joke?

Nanlisik ang mga mata ni Ms. DiSi, shucks ano na naman tatanungin nito? “Kamusta ka na, N?”
Nagulat ako sa tanong niya, “A...ano po? Hah?”
“Kamusta ka na?”
Akala ko ba tungkol ito kay O? Anyare? “Um.. okay naman po.. ano pong kinalaman nito sa isyu?”
“Wala,” sagot naman ni Ms. DiSi.
Eh parang ewan naman pala itong si Ms. DiSi, eh. Anong trip nito? Tahimik lang talaga ang kwarto. 

Pinaglaruan ko muna ang damit ko, paano ba naman kasi, tinititigan lang ako ni Ms. DiSi.

“Alam ba nila, N?”
Nagulat ako ulit sa boses niya. “Ah, pasensya na po… alam ang ano?”
“Na… iba ang mga preperensya mo,”
Ano ba na naman ang pinagsasabi nito?? “Hindi ko po kayo maintindihan…”

“N,” sabi niya, “do they know you’re gay?”
*****


“Ano ba yan, Z!!!”  isip ko sa sarili ko, halos maiyak na ako, ba’t ba naman kasi siya ganun? Ang kaibigan ay kaibigan, tapos lalaki pa siya! Hindi talaga keri, hinding hindi…

Pero bakit kasi ganyan siya? Paano ba naman, team captain ng Disk Battle Team, nakakaabot sa top ng klase, may itsura pa! Hindi maaari! Nasaan ang hustisya?
"Trip mo nga?" panunukso ni Kr kay Z. Luh, nasaan na ang usapan? Si O ba ‘to?  Hala. Ito na. Ano ba, Z? May gusto ka ba kay O?
"Pwede na... pwede na..." sagot naman ni Z.
Patay tayo diyan. 'Di ko alam pero bakit gano'n? Bakit ang sakit? Trip lang naman eh. Hindi pa gusto. Pero hindi, tropa 'to eh kaya sige bahala na. Kinantyawan ko na lang rin.

"Diyan nagsisimula yan eh! Haha!" sabi ni Kr, at bumalik ako sa real world "Alam ko na, Z!"
Tinaas ko ang kilay ko, ano na naman pauso nito ni Kr? “Ay, ano yan?”

"Tropa naman natin yun, at nagandahan ka sa kaniya. Guwapo ka naman, 'di ba? Hahahahaha!" sabi ni Kr.
"Oh, anong meron? Alam ko nang guwapo ako, matalino, loko lang. Ano ngayon?" Oo, Z, gwapo ka nga talaga… ugh… teka, connect the dots lang, nagagandahan si Z kay O… tapos sinasabi nito na bagay sila… hmm… ABA TEKA...

“Parang alam ko na! Haha," sabi ko, oh my gee sana mali, “boys talaga…”

Hinintay kong ma-gets ni Z ang nangyayari… hay, kung magkatuluyan nga si Z at si O baka mawala na yung kilig na nararamdaman ko… jusmiyomarimar. Sige, push natin ito, baka sakaling gumana nga.
~~*~~*~~
Oh. My. God. Sineryoso nga ni Z ang pustahan! Loko talaga yun! Bakit?!?! Bakit, Z, Bakit?!?

Tinitigan ko ang dalawa, nasa library kami ngayon, naghahanap ng mga articles para sa thesis sa English. Uulitin ko, research sa thesis ang dapat ginagawa, hindi research sa katabi. Grabe, ang lapit na nila kaagad umupo, parang ilang araw pa lang pagkatapos ng pustahan…
Ugh, di ko na kaya. Tumayo na ako at pinuntahan si Kr.

"Dude, dinaig mo pa yung sink hole sa lalim ng iniisip mo ah," biro ko sa kanya.
“Uy, N! Ikaw pala. Nakita mo ba si Z?” tanong niya sa akin.
“Ay hindi e. Ba’t sa akin mo hinahanap, kay O mo hanapin tutal...”
“Ha? Bakit ano bang meron dun sa dalawa? Sila na ba?”

“Sila agad-agad? Ano to sulit.com? Hanap. Usap. Deal?! Hindi naman sa sila agad. Para kayang buntot ni O si Z! Alam mo, may nase-sense ako eh. Baka tinotoo niya yung sinabi mo...” biro ko sa kanya, pero hindi eh. Hindi talaga. SILA NA TALAGA KAAGAD?? Confirmed? Huhubelles di kaya ng puso ko.

“Luh? Sinabi ko? Ano bang sinabi ko?”

“Duh! May iba pa ba? Baka yung napag-usapan sa overnight... Yari ka! Ikaw pasimuno! Tapos uma-amnesia girl ang arte mo. Ikaw ang dahilan, kaya wag ka nang magtaka!” Oo, Kr! Ikaw may kasalanan ng heartbreak ko! IKAW.

“Ha? Ako na naman, brad? Grabe to! Hindi ah! Bakit? Ikaw? Kasi naman eh!”
“Oh, chill lang bro! Galit agad. Pati ako nalelerky sayo!”
“Le…ler..lerky?  Hmmmmmm?”
“Una na pala ako, bye!” Kailangan ko mag-isip. Lechugas. Nakakaloka ka talaga Z, bakit ka kasi ganyan??? Bakit kita nagustuhan?? Tapos bakit si O ang gusto mo?

*****

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ms. DiSi, “H-aah? Ano po ‘yang sinasabi niyo?

“Hindi ‘yon importante ngayon, N,” Hindi importante? Hindi importante? Wala pa akong sinasabihan dito tapos ganyan lang reaksyon mo?!! “ang importante ay, may ginawa ka bang masama dahil dito?”

“Masama…? Hindi ako masama!”
*****

“Ito ang dapat sayo!” Sigaw ko habang hinagis ko ang disc ko sa pader. Bumalik sa akin ang disc at hinagis ko ulit, at ulit, at ulit. Sunud-sunod lang ang tira ko sa target ko hanggang hingal na hingal na ako.

“Pag ganyan ka sa UAAP, sure ako panalo na, champ na tayo.”
Tumalikod ako at nakita ko si Z, bumilis kaagad ang tibok ng puso ko. Oh my god, ayoko na, itigil na ‘to. Z! Umalis ka nga sa pagmumukha ko!!

“Hahaha salamat” na lang ang sinabi ko.

“Pero ayusin mo pa form mo, may mali sa footwork mo, kung ganyan ka gumalaw mahuhulog ka talaga, ganito oh” at pinakita sa akin ni Z ang tamang galaw. Siguro nakailang oras rin kami nag-eensayo lang. Hay naku, Z. Wag ka ganyan. Paano ako makaka-move on kaagad sa’yo kung palagi ka pa ring lumalapit?

Nagsimula kaming maglaro ng Disc Battle at mabilis naging intense ang laro.
“Is that all you’ve got, man?!” kantyaw ni Z sabay tawa.
Nako, mapakitaan nga ng N powers ‘tong isang ‘to.

“Aray!”

Ermaged! Nasaktan ko ba si Z? Nanlaki ang mata ko pero pagtingin ko ulit sa kanya tumatawa siya, “Ganyan!” sabi niya, “ganyan dapat at no doubt, magiging champion tayo this year”

Wag kang kiligin, wag kang kiligin, ‘yang pisngi mo, ‘wag muna mamula, paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko, “Hahaha, salamat, pero alam naman nating lahat ikaw magpapa-champion sa atin eh”
Tumawa siya at inayos niya ang bag niya, “Kaya nga tayo Disc Battle Team, diba? Kasi lahat tayo dapat nagtutulungan.”

Ang talino mo talaga, Z, haaaay, “tara, shower na tayo.”

Sa sinabi niya biglang namula ang mukha ko, “uhhh… sige mauna na ako” sabay takbo ko sa CR. Ayoko nga magsama kami sa CR, hindi, ‘wag, self-control lang. Sa bilis ng takbo ko parang pwede na akong mag-track and field eh.  

Ang ganda na ng varsity CR ngayon kumpara noon. Lahat ng mga toilet ay nagbabago ang height depende sa kung sino ang gagamit nito. Automatic pa ang pagflush! Mayroon na ring mga automatic na mop na magpupunas sa mga basang lugar, pero ang paborito ko talaga sa lahat ay ‘yung shower.
Sa tuwing maliligo ka mayroong automatic na maghihilod sa katawan mo. Ang mga shampoo at sabon ay nakakapsula na lamang para tipid espasyo. Nakakahumaling.

Pag-alis ko sa CR bigla kong nadaanan si Z. “Ang bilis mo naman, iiwanan mo na ako,” tawa niya. Pwede ba, wag ka na tatawa sa harap ko, “Ah, sorry, nagmamadali ako eh. May papasa pa akong article para sa MC”


Tumawa ulit siya, sabing ‘wag nga eeehh, “Ang galing mo naman, nababalanse mo ang lahat, o sige, bye”

“Bye, Z” KALMA,N. Kalma. Lang. Grabe, minsan ka lang ma-compliment ng crush...este kaibigan, mo. Hay nako! Sino pa ba niloloko ko? Matagal ko na tong nararamamdam pero di ko lang maamin sa sarili ko, gusto ko si Z!  Tuwing nandiyan siya, kumakabog ang dibdib ko. ‘Di ako mapakali. ‘Di ko alam ang gagawin ko. ‘Di ko alam kung saan ako pupunta. Ang alam ko lang, gusto kong magwala.

Akala ko noon, wala lang ‘yung mga nararamdaman ko. Akala ko lang pala iyon. May ibig pala itong sabihin.

Oo, bakla ako.
Gusto ko si Z.
Sa’kin lang dapat siya....

Gustong-gusto ko siya! Sasabihin ko sa kanya bukas!

“Uy, N,” nagulat na lang ako nung narinig ko ang pangalan ko, “nandito ako.”

Pumasok ako sa clinic at nakita ko si O, “Oh my gosh! O, ano nangyari sa’yo? Okay ka lang?”
Ngumiti siya sa akin, “ Heh, okay lang ako, sumakit lang ulo ko sa pagpupuyat kagabi”
“Phew. Mabuti naman at okay ka lang”

Tinitigan ko siya habang nakaupo siya sa kama,  sa braso niya may nakabikit na Electronic Aspirin sa tabi ng ulo niya. Tumingin ako sa paligid ko, grabe talaga itong clinic ng UPIS, hindi ito joke. Ito na ang pinaka malinis na kwarto sa buong school, sterilized ang lahat! Sa isang corner ng room nakita ko ang nag-iisang cabinet na naglalaman ng gamot at kung anu-anong device na nakakatulong sa sakit, sugat o ano man.

“Um.. N, nakita mo ba si Z?”
Napangiti ako sa sinabi ni O, “haha, oo! Kakadaan ko lang sa kanya. Nandoon siya sa Varsity CR”

“Bakit anong meron?” tanong ko naman.
“Ahh.. umm.. gusto ko lang siyang makita..”

Kumunot ang noo ko, kinikilig ba itong si O kay Z? Tahimik lang kaming dalawa… my gosh. Super awkward silence!

“N, may sasabihin ako sa’yo.  Puede?”
“Ano ‘yon, O?”
“Sikreto lang natin ito ah… pero… gusto ko ata si Z, eh”

Sa mga sinabi niya bigla na lang bumaliktad ang mundo ko. Si O? Gusto niya si Z? Hindi maaari! Hindi talaga! Wala na talaga akong chance kung si O kalaban ko! Wala!

“N? Bakit ‘di maaari?” bigla na lang sabi ni O.
“ Ay, out loud ko ba sinabi?” lumaki mata ko, hala,  ba’t kasi di ko masara ang bibig ko.
“Tingin mo N, may gusto rin kaya siya sa akin?”

Sumakit ang puso ko, O, oh my gosh please ‘wag, ‘wag ako ang tanungin mo. What do I say? Bakit kasi nawawala si Xe? Leche!

“Wala!” Bigla ko na lang sinabi, muntikan ko na ngang takpan ang bibig ko sa sinabi ko. Oh my God, bakit ko ‘yun sinabi? Pero whatever, this is my chance para back off na forever si O kay Z...

“Bakit naman, N?” nakita ko na nasaktan ko si O sa mga sinasabi ko. Hala! Hindi ko sinasadya! Pero this could be my only chance...

“Pinagpupustahan ka lang ni Z at ni Kr!” Ayan! Ngayon at alam niya ang totoo, hands-off na siya kay Z for sure!

Lumaki mata ni O, “A-ano?” Halata sa mukha niya ang pagkagulat.

“Ay basta, O! Basta mag-ingat ka!” At lumayo ka kay Z, akin siya. Agad-agad kong kinuha ang gamit ko at tumakbo palabas ng kwarto.
*******
“Ikaw ang nagsabi kay O na pinagpupustahan siya..”

“Naku! Hindi ko sinasadya ‘yun! Nadala lang ako ng emosyon!”

“Kumalma ka N”

Huminga ako ng malalim. Grabe, nakakailang oras na ba ako dito sa opisina ni Ms. DiSi. Wala na, claustrophobic na ako. Itigil na ito!!

“N tumingin ka sa akin,” tumingin ako kaagad kay Ms. DiSi,“ wala ka na bang ibang gustong sabihin?”


*******


Wow, porket may love life na ang mga tao iiwanan na ang mga kaibigan para sumama sa
Kai-bi-gan?

Inirapan ko si Prof. ABC, thanks talaga sir. Ginawa mo akong 5th wheel, thank you, thank you. Tumingin ako sa may computer nina Xe at Kr, yun oh, kwentuhan lang ang ginagawa. Kailan ba naman kasi makikita ng dalawa na meant to be sila?

Tumingin naman ako sa may computer ni Z… haay Z, pinaasa mo ako. Napaisip ako, sorry Z, hindi mo pala ako pinaasa, sadyang assuming lang talaga ako. Grabe, sobrang nakakahiya… ang sakit- sakit din. Pinanood ko si Z at si O, kinikiliti nila ang isa’t isa. Grrr... Nakakainis... Nakakairita...  Ang sakit sa mata. Ang harot lang?! Ano ba, pwede bang sa labas na klase nila gawin yun? Kung saan naman di ko sila makikita…


“Punyeta, nilalanggam na yung dalawa oh. Ang harot!”

Nagulat ang buong klase sa aking sinabi at napatitig sa akin.
Nag-init na talaga ang dugo ko. Bakit ba kasi lagi na lang silang magkasama?! Pwede namang ako! Bakit ba lagi na lang Z at O?! ‘Di ba pwedeng Z at N naman?!

Buti na lang, tumunog na ang bell. Oras na para lumipat sa susunod na klase. Agad-agad na akong gumorabels para maka-exit na sa eksena.


~~*~~*~~

“By the way N, ano yung sinasabi mong alam mo nung isang araw?” Sinabi sa akin ni Xe bigla, oh no, I’m trapped. Wag mo na alamin, Xe! Masasaktan ka lang.

“May alam ako… pero ayoko talagang sabihin eh,”
“Sabihin mo na kasi!” Sigaw naman ni Xe

“Ano ba naman yan, Xe?” Inis na inis na ako sa pangungulit niya. “May Kr ka na nga diyan eh, wag ka nang mangialam kay Z at O! Baka naman nagseselos ka… Kanino? Kay Z? O baka naman sa best frirend mong si O???”

“I HATE YOU! Ang sakit mo naman magsalita, pinagmumukha mo akong malandi!” Isinigaw niya habang iniirapan ako. Ano ba yan, ayoko na ‘pag ginaganyan na ako ni Xe, eh.

“Oh ano, galit ka na naman sa akin? Biro lang naman. Alam mo naman ako.” sabi ko sa kanya.
“Nag-over react lang ako. Ewan ko talaga N, eh. Bagay na bagay talaga silang dalawa pero may nararamdaman akong mali eh… you know?”

“Ganito kasi ‘yan Xe, makinig ka sa akin… Promise mo sa’kin secret lang natin to ah... May bet na nagaganap sa dalawang ‘yon!” mabagal kong sabi.

“Bet? Excuse me???” sagot niya naman kaagad.
“Yes, bet. As in, pustahan. Pinagpupustahan nila si O.” Gising, Xe! Hindi ‘to oras maging slow. Nakakainis.

“What?!?! But why?!?! Bakit kailangan nilang gawin sa bestfriend ko ‘yon?!?!”
“Bestfriend? Naks. Hanggang ngayon?” tumawa ako kasi araw-araw ko nakita ang mag-best friend, may sari-sariling boylaloo na. Iniwanan nila ako.

“Of course!”
“Kahit laging si Z na lang kasama niya?”
“Ang babaw ko naman kung binalewala ko lang ang friendship namin sa lalaking manloloko!”
“Chill, Xe. Eh why don’t you tell her?”
“Hay naku, sasabihin ko na sa kanya kaagad. Friends don’t let friends be cheated on.”

Hm, ayan. Alam na ni Xe. Tignan nga natin kung may mangyari. Ang landi na kasi ng mga tao…


*******


“Naiintindihan mo ba ang sitwasyon, N?”

Hindi na ako sumagot.

“Ayon sa lahat ng sinabi mo, malaki ang posibilidad na ikaw ang nagsulat ng hate letter…”

Pinabayaan ko lang siyang magsalita. “Tignan mo, na-out of place ka sa group dahil lahat sila nagkakarelasyon sa isa’t isa, pinili ni Z na lapitan si O, dumadaan ka sa isang identity crisis… malakas ang ebidensya na maaaring ikaw nga ang nagsulat ng mga iyon.”

Tinitigan ko lang ang pretty fingernails ko at ‘di pinansin si Ms. DiSi. Hindi ko na kayang sumagot pa ng mga tanong.

“Hindi mo na ba ako sasagutin?”

Tumingin na lang ako sa pintuan, hindi ko na talaga kaya. Pagod na ako. Palabasin niyo na ako dito. Narinig kong huminga ng malalim si Ms. DiSi, “Sige N, pwede ka nang umalis.”

At agad-agad akong tumayo at lumabas ng kuwarto.


You Might Also Like

0 comments: