14 na tambayan,

Feature: 14 na Tambayan: Bird Cage

10/14/2013 07:00:00 PM Media Center 0 Comments

Bird Cage


Sa ating paglisan,
Ating balikan
Ang labing-apat na tambayan
Sa ating minamahal na paaralan

****

Noong Panahon ng Hapon… este panahon kung saan buo pa ang swan sa Swan Quad, madalas itong paglaruan ng mga estudyante. Napakagandang tingnan ang Swan Quad dahil sa naggagandahang estatwa ng swan, isama mo pa ang kulungan nito na tinatawag na Bird Cage.

Noon, ang Swan Quad, kasama ang Multipurpose Hall, ay lugar kung saan ginaganap ang prom ng mga estudyante. Pero dahil sa ulan, ang swan sa Swan Quad ay tuloy-tuloy na nasira.

Pero kahit nawawala na ang swan sa lugar na ito, Swan Quad pa rin ang tawag dito. Bukod sa pangalan ng lugar, ang natitirang alaala na lang ng Swan Quad ay ang Bird Cage. Dito tumatambay ang ibang estudyante upang kumain, mag-chismisan, mag-iyakan at iba pa.

 Dito, kitang kita nila ang napakagandang tanawin ng Swan Quad o Swan Garden. Isa rin itong tulay ng departamento ng English at departamento ng Practical Arts. O ‘di ba? Matagal nang bestfriends ang dalawang departamentong ito.

 Hindi rin mawawala ang mga vandal dito. Ang mga estudyante nga naman, pati semetong upuan ng Bird Cage, sinulatan.

Sayang na lang at hindi masasama ang Bird Cage sa bagong paaralan. Pero kung mga estudyante lang ang papipiliin, tiyak na isasama ang Bird Cage.



You Might Also Like

0 comments: