Last Say
by Ma'am Cathy & Ma'am Roweng :)Mahirap. Matrabaho. Nakakastress. Nakakapagod.
'Yan siguro ang unang mga salitang papasok sa isip ng karamihan kapag mababanggit ang work program na Media Center. Hindi naman namin idedeny. Mapapatotohanan 'yan ng kahit sinong estudyanteng naging bahagi ng MC.
Ikaw ba naman ang mapiga ang utak kaiisip ng pwedeng isulat, mapagod kahahanap ng balita, magpapirma ng mga permit, mag-interview, magtawag, mag-picture, mag-layout, at magpaalala paulit-ulit na magsubmit na ng pending articles. Mahirap. Mahirap talaga.
Dalawang taon pa lamang kaming learning coordinators ng MC pero masasabi naming isa ito sa mga pinaka-challenging na subjects na aming naituro.
PERO... dahil sa pagka-haggard ng trabaho, ang mga staff na nahahawakan namin ang nagiging pinaka-bonded at pinakamasaya... :)
Kagaya ng MC1 2012.
Parang kailan lang nang pasulatin namin sila for diagnostics. 17 batang parang ayaw pang magsimulang magtrabaho. Parang napilitan lang pumasok. Hehe. Yung totoo? Akala namin puro pagsasaya lang ang gagawin nila.
Makukulit sila. Para kaming sirang plaka. Paulit-ulit sa pagpapaliwanag ng gagawin.
Mabagal rin sila kumilos minsan.
PERO...
Mahusay. Talagang mahusay ang diskarte at output nila. Kasi naman...
Creative. Tunay silang malikhain. Kitang-kita sa mga nai-publish na.
KAYA PARA SA AMIN...
1!
UNO SILA. Dahil talaga namang di matatawaran ang commitment nila sa trabaho. Isang bagay na dapat matutuhan ng mga susunod sa kanilang MC pipol.
Bukas, may bago nang MC staff. May bagong learning coordinators. May bagong mga balita, kwento, at tulang aabangan.
Ngunit, ang mga experiences namin ngayong sem--trabaho man o tawanan, brainstorming man o kulitan--hinding-hindi namin malilimutan.
Sa ngalan ng MC1 2012, nais naming magpasalamat sa inyong suporta sa "maiden voyage" ng MC blogsite. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ito magiging successful. Sana patuloy kayong maging bahagi ng balitaan at kwentuhan.
And so... dizizit! :)
Hanggang sa muli, guys!
5 comments: