epilogue,

Literary: Isang Araw (Epilogue)

11/08/2011 08:30:00 PM Media Center 7 Comments

Ang kwentong ito ay ipinasa ng staff ng Media Center 1 2012 bilang kanilang creative writing project para sa unang semestre. Sama-sama nila itong binuo, sinulat, at pinaghirapan.

Sa kwentong ito, ang mga tauhan at mga pangyayari ay pawang kathang isip lamang. Hindi hango sa tunay na buhay o karanasan. Ang anumang pagkakahawig sa tunay na buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya. Walang bahagi ng kwentong ito ang maaring ilathala at gamitin sa anumang paraan nang walang pahintulot ng may-akda.


EPILOGUE

GRADUATION

*clap clap clap*

Sa wakas natapos rin ang speech ng guest speaker. Kakanta na ang VM. Kakanta na sina Ria.

Bakit ba di ko pa rin maalis ang tingin ko sa kanya? Kahit anim na buwan na ang nakalipas... kahit... Hay... Ewan!!!

Ilang beses ko siyang binalak kausapin ulit pero ayaw niya akong pansinin. Hindi pa rin ako makapaniwalang nasayang lang ang lahat ng pagkakataon ko...

♫ ♪ …Lumilipas ang panahon, kabiyak ng ating gunita… pana-panahon ang pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon? ♫ ♪

Maiibabalik ko nga ba ang kahapon? Hala!!! Sign na yata to?! Na’ko, na’ko!


♫ ♪ ….pana-panahon ang pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon? ♫ ♪

Teka, teka. Ba't nakatitig 'tong si Andrew sa akin? Nakakadistract naman 'yang Andrew na 'yan!

Wait. Teka. Sandali, sa akin ba nakatingin... o kay Zara? Hmmm... Baka kay Zara nga 'to nakatingin. Kalat na kaya sa buong UPIS na sila na raw. Walang nagcoconfirm kaya di ko rin alam. Kung sila man, e di okay! Hindi naman ako dapat ma-involve. Dapat nga maging masaya pa ako ‘no!

Hay na’ko. Ria, kumanta ka na lang. Wag ka nang magpapaapekto. Naka-move on ka na di ba?



“…Ngayon, sa ating pagtatapos, magsisimula ang panibagong kabanata sa ating mga buhay. Dala-dala natin ang mga alaala ng ating pagsasama; sa kasiyahan o kabiguan man, masaya akong kayo ang nakasama ko…”

Bigwasan ko kaya ‘tong Pao na ‘to. Ako ba pinapatamaan nito? Kasiyahan man o kabiguan.

Ang dami nang nangyari mula nung araw na ‘yun pero hanggang ngayon hindi pa rin niya ako kinakausap... Ba ‘yan? Hanggang ngayon ito pa rin ang iniisip ko. Siya pa rin ang iniisip ko. Bad trip.

Pero ito na talaga. Bago pa mahuli ang lahat, kahit anong mangyari, sasabihin ko na. *hingang malalim* Hahanap muna ako ng buwelo... Mamaya, pagkatapos ng lahat ng ‘to... Isang subok pa... Huling subok na...


“...sa 44 quarters, 22 semesters at sa labing-isang taon sa UPIS. Taos-puso akong nagpapasalamat. Hanggang sa muli nating pagkikita! Congratulations, batchmates!”

Shocks. Nakakaiyak naman ‘tong graduation speech ni Pao.

Ria, ano ba! Wag kang iiyak. Huhulas ang make up mo! Pero nakakaiyak naman kasi talagang magreminisce. This has been one of the greatest years – nakilala ko ang mga tunay kong kaibigan, medyo matataas naman din ang grades ko, first time kong magtalumpati, mag-thesis defense at... ma-brokenhearted. 

Hay... NO, RIA! Tapos na ‘yun. Bawal na ‘yun isipin.


 “Ma, Pa! Papicture!”

Na’ko patay, picture taking na. Andiyan na magulang niya. Halagot.

Paano ba ko makakasingit nito? Haaaay.. mag-aabang na nga lang ako sa labas.

“Uy Andrew! ‘Lika! Picture tayo!”

Timing talaga ‘to si Alex oh, sumusulpot pag badtrip ako.

 “De sige, di ako photogenic eh.”

“Sus, may paphotogenic-photogenic ka pang nalalaman! Picture lang! Remembrance ba!”

“O sige na nga, game!” Mapagbigyan na nga nang makalabas na.

Habang pinipicturan kami, dumaan si Ria sa harap namin at...

“Oi bes! Picture tayoooo!” sabi ni Alex, sabay hila sa kanya.

“Ha?” Nakita kong tumingin siya sa akin pero agad din niyang iniwas ang mga mata niya. “Ano... kayo na lang, aalis na kami eh.”

“’To naman! ‘Wag na maarte! ‘Lika na! O, Ma! Picturan mo kami ng mga bespren ko.” Pumagitna si Alex at inakbayan kami pareho.

“Thanks Ma! O ‘yan, Drew, kayo naman ni Ria. Ako kukuha.” Putek. Ayos talaga ‘tong  Alex na ‘to ah. Pero pwede naman... para makausap ko siya pagkatapos.

“Eh bes... kailangan ko na talaga umalis. May pupuntahan pa kami eh. Text na lang kita mamaya. Bye.”

Hindi na niya hinintay ang sagot ni Alex. Umalis na siya. Halakatalaga Andrew! Hay...

"Tingnan mo ‘yun. Allergic talaga sa ‘yo. Hahaha,” pang-aasar ni Alex. Binatukan ko nga. Nakakainis e.

Pero siguro hindi ko na nga talaga dapat ipagpilitan pa. Mga pangyayari na ang nagsasabi sa ’kin na huwag ko nang ituloy.

“Hahaha. Dre, saan ka na pupunta?" tanong ni Alex sa akin.

"Baka, diyan sa Alumni. Sa Choco Kiss. Niyaya ng nanay ni Zara si Mama e. O sige dre, sa grad ball na lang!”


GRAD BALL

3:00 pm

“Anak, gumising ka na. Magpapaayos ka pa! Pumapangit kapag sobra sa tulog.”

Ano ba ‘to si Mommy, mas excited pa yata sa akin! Eh wala namang nakaka-excite mamaya, kainan at sayawan lang naman! Ay, kainan lang pala.

“Opo, ito na. Babangon na po.”


5:00 pm

Nyar, 5 na pala. Putek. Buti na lang lalaki ako, ‘di masyado kailangan maaga. Tsaka wala naman akong susunduin eh.

Bakit nga ba ‘di ko siya niyaya? Oo nga pala. ‘Di nga pala ako pinapansin.

May date kaya siya? Meron ‘yun, malamang. Sa ganda niyang ‘yun!


6:30 pm

Wow! Ang ganda dito ha, in fairness sa SC. Worth it ang bayad. Winner!

“Uy, Pao! Congrats ha! Ang ganda ng venue. Hehe.”

“Salamat naman. Haha.”

“Nakita mo na ba si Alex?”

“Hindi eh, wala pa yata siya. Pero si Andrew, ayun o!”


Bakit kaya ako itinuro ni Pao? Ano na namang meron? Uy kausap niya si… Si Ria!

Ang ganda niya lalo ngayong gabi. Simple lang ‘yung ayos niya, nakalugay lang, walang kaartehan. Tapos ‘yung suot niya… Ah basta! Hay.

“O. ‘Yun naman na pala siya eh!” sabay turo ulit ni Pao sa akin. Ano ba talagang trip nito? Bibigwasan ko ‘to. Hala… Hala ka… Papalapit si Ria… Nakangiti pa… Anong…

“Uy! Ba’t ‘di ka nagrereply? Ano ka ba naman!” sigaw ni Ria.

Lumingon ako. Si Alex pala, nasa may likuran ko. Akala ko naman ako… Asa naman na kausapin pa niya ko…

“Eh, wala kong load e. Uy, si Andrew pala ‘to o. Uy, dre!” sabay apir sa akin. ‘Tong Alex na ‘to talaga.


Ang galing naman ng timing nitong si Alex. Buti na lang! Baka mag-feeling na naman kasi si Andrew na siya ‘yung hinahanap ko. Tss.

“Mga hijo’t hija, magsipasok na kayo at magsisimula na ang programa,” biglang sab ni Ma’am Balagtas.


8:57pm

“The dance floor is now open!”

Nagsisimula na silang magsayawan pero ‘di ako tumayo. Wala naman akong yayayain e. Baka tumanggi lang ulit. Kagaya nung prom... Hay...

“Uy, pwet. Ano na namang iniisip mo? Ang lalim ah, lalangoy na ko! Hahaha.” Ay, si Zara… Lagi niya talagang sinasabi ‘yun. Hindi na ako umimik. Tumingin na lang ako sa kanya.

“Biro lang, ‘oy. Sayaw na lang tayo,” sabi niya. “Tara na. Arte pa nito!”

“O. ito na nga e.” Pumunta na kami sa dance floor.

“Ano ba ‘to, parang lalaki kasayaw ko… Hahahaha!” banat ko kay Zara. Hala ka, babatukan pa ata ako...

“Bastusan ka ah! Putek, kala mo ah. Tingin ka sa kanan, may makikita ka… Hahaha...” sabay belat ni Zara.

Tumingin naman ako…

Nakita ko si Alex kasayaw si Ria. Nagngingitian sila. Ano ba ‘to. Alam ko naman na iba ‘yung gusto ni Alex pero bakit parang iba pa rin ‘yung dating…

“Tae ka ah! Pwet ka…” sabi ko kay Zara.

Natahimik siya bigla. “’Oy biro lang. Quits naman na tayo e. ‘To naman…” Ngumiti lang siya ng matipid.


“Uy Bes, tiningnan ka ni Andrew o! Gusto ka yatang isayaw.”

“Ha? Siya? Isasayaw ako? Hindi siguro,” sabay hampas ko kay Alex.

“Oo nga. Pustahan tayo.”

“Ano ba. Tigilan mo na nga ‘yang ka-a-Andrew mo, Bes.”

Pero napaisip ako du’n sa sinabi niya. Paano nga kaya kung isayaw niya ko? Ang sama ko naman kung hindi na naman ako papayag. Pero kasi, hindi ko alam sasabihin kapag nagsayaw kami. Ang awkward kaya!

Papayag na lang kaya ako? Baka ito na rin ang huli naming pagkikita. Ay teka teka, ang drama mo na, Ria! Hindi ka pa nga niyayaya!

“O Bes, ba’t natahimik ka?” tanong ni Alex sa akin. “Upo muna tayo? Tara du’n kila Grace.”

11:11pm

“Uy ‘teh, 11:11 na o! Wish tayo dali. Haha.” Kakagulat naman ‘to si Grace!

Wish? Ang wish ko ngayong gabi… sana... sana... Ayan.

“Okay na, nag-wish na ko. Sana magkatotoo.”

“Mukhang seryoso ‘yang wish mo ‘teh ah!”

Ngumiti lang ako. Hmm... after six months, tungkol sa kanya ulit ang 11:11 wish ko. 


11:30 pm

“Last three songs na, guys! Isayaw niyo na ang mga gusto niyong isayaw...”

Isa lang naman gusto kong makasayaw ngayong gabi eh. Ito na ‘yun eh. Ito na ‘yung pagkakataon ko. Ito na ‘yung huling pagkakataon ko.

Mamaya. Last dance para the best. Sana pumayag siya...


Last song na, wala na sigurong magyayaya sa 'kin. Asa pa ’ko sa wish-wish ko. Magtetext na ako kay Mommy. Magpapasundo na ako.

“Ria...”

Napatingin ako…

“...may I have this dance?”

Si Andrew?! Last dance na. Bakit ako ‘yung niyaya niya? Hindi ba dapat si... Teka...

Hindi na ko mag-iisip. Hindi na rin ako nakapagsalita. Inabot ko na lang ‘yung kamay ko. Bahala na...


Ang lamig ng kamay ni Ria. Pero siguro mas malamig ang mga kamay ko.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ‘yung pag-uusap namin..

“Kumusta ka?” sabi ko sa kanya.

“Ha, eh, okay naman…” sagot ni Ria. “Ikaw?”

“Okay lang… Tagal na nating ‘di nakapag-usap ah.” Hindi siya sumagot.

“Nung huli tayong nag-usap noong... noong isang araw na...” pagpapatuloy ko. “Naalala mo pa ba ‘yun? ‘Yung pinahiram mo ako ng sci-cal, tapos ‘yung sa…”

“Sssh...”

“...library. Nung nadulas ka tapos…”

“Sssssshhhhhh… Tama na…” Pinandidilatan na niya ako.

“Ha? Bakit? Ano?” Ano na namang nasabi ko…


Bakit kailangang ipaalala pa niya lahat ng nangyari nu’ng isang araw na ‘yun? Hindi ko tuloy alam irereact ko sa mga sinasabi niya. Okay na eh! Okay na ako. Okay na talaga. Tapos ano? Ibabalik niya lahat?

“Tama na. ‘Wag na nating balikan, puwede ba ‘yun? Tapos na ‘yun eh. Matagal na…” sabi ko.

“Pero Ria… nu’ng araw kasi na ‘yun... Nu’n nagsimula lahat... Kung bakit...”

Ang tagal niyang magpaliwanag. Parang nag-iisip siya. Kinakabahan ako. Lalo yatang nanlamig ‘yung mga kamay ko. Gusto ko ba talagang marinig ang sasabihin niya?

“Kung bakit ano?”

“Kung bakit lagi kitang sinusubukan kausapin kahit hindi mo na ko pinapansin. Kahit umaalis ka ‘pag dumadating ako... Kahit parang nalulungkot ka ‘pag nakikita ako...”

Huh? Napansin niya ‘yun lahat? Wala akong maisip na isagot.

“Tsaka kung bakit ganito ngayon...” pagpapatuloy niya.

“Bakit, ano ba ‘yung ‘ganito’ ngayon?”

“Kung bakit ikaw ang gusto kong kasayaw sa last dance... Wala ng iba...” 

Natahimik na ako. Wala na talaga akong naisagot. Naintindihan ko na. Napangiti na lang ako sa kanya.


Ang dami ko pang gustong itanong... mas marami akong gustong sabihin... pero hindi na ako nagsalita. Nararamdaman kong marami pang pagkakataon para du’n.

Nginitian ko rin siya. Hinigpitan ko pa lalo ang pagkakahawak sa kamay niya. Ayoko na siyang bitawan.


Panandalian akong pumikit. Hinihiling ko na sana... sana hindi ito panaginip... sana hindi na matapos ang kantang ‘to... sana pagdating ng bukas, ganito pa rin kami.

Naramdaman ko rin ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. Ayoko na... Ayoko nang bumitaw...

HINDI NA ITUTULOY. :)

You Might Also Like

7 comments:

  1. di ko alam kung bakit, pero naluha ako :<

    ReplyDelete
  2. asgasfagejhsgesfef

    ReplyDelete
  3. ang astig... :P kahit hindi na itutuloy astig pa rin kaso mas maganda sana kung itutuloy... :D

    ReplyDelete
  4. ano ba un. kahit di na itutuloy bitin pa rin. kayo na talaga da best. :D

    ReplyDelete
  5. Ayyyy ang taraaaaaaaaaaay :"""""""> saya nila ah. :3 yieeee kakiliiiiiiiiiiig!!!!

    ReplyDelete
  6. Sana naging sila. :)

    ReplyDelete
  7. Sayang naman hindi na itutuloy :( Nakakabitin naman. Pero okay lang, nakakakilig. Hahaha!

    ReplyDelete