collaboration,

Literary (Submission): Noon sa Ngayon

10/16/2015 09:46:00 PM Media Center 0 Comments



Lima. Limang taong pagsasama
Mga panahong punong-puno ng ligaya
Pag-iibigan natin ay puno ng kulay
Na siyang kumukumpleto sa aking buhay

Lima, limang taong pagmamahalan
Na tila pang habang panahon ang saya,
Ikaw na siyang tinadhana ang kumumpleto
Sa kulay ng aking buhay

Apat. Apat na araw na nagkaalitan
Alitang naging sanhi ng hiwalayan
Hindi ko mawari ang naging dahilan.
Ano ang aking nagawa?
Heto ako nanghihingi ng kasagutan.

Apat, apat na araw ang nasayang
At tila sa iba napunta ang puso mo sinta
Waring nagbago ang lahat at naglaho sa isang iglap.
Anong nangyari sa atin?
Katanungang hindi ko masasagot din

Tatlo. Tatlong buwan ang lumipas
Hindi pa rin makapaniwalang pagsasama'y nag wakas
Tatlong salitang nais sa iyong iparating,
Mga katagang 'Mahal. Pa rin. Kita."

Tatlo, tatlong buwan na ang nagdaan,
Hindi pa rin naghilom ang pusong winasak.
Ito lamang ang kayang sabihin,
"Ayoko na, patawad,"

Dalawa. Ikalawang pagkakataon ang aking hinihiling,
Umaasang ako'y mahal mo parin.
Maging isang mas mabuting tao,y aking sisikapin.
O aking mahal sana ako'y dinggin.

Dalawa, ikalawang pagkakataon ba'y karapat-dapat?
Ako ba'y aasang mahalin ulit o saktan muli?
Dahil tiwala ko'y iyo nang nasira,
O pagibig dapat ba siyang dinggin?

Isa.
Isang pag-ibig na nagturo sa akin
Kung papaano pahalagahan ang taong mamahalin.
Isang pagkakataon
Na magdudulot ng habambuhay na kasiyahan

You Might Also Like

0 comments: