collaboration,

Literary: Makabagong Diksyunaryo

10/16/2015 07:45:00 PM Media Center 0 Comments



Bekimon (Beki language)
Grupo ng mga salitang
May kahulugan
Na aming ginawa
Kaya kami lang ang nagkakaintindihan

Nyogi (Pogi)
Kami'y dito mahilig,
Marami nito sa tabi-tabi
Ngunit kailangang siguraduhing mabuti
Dahil baka ang iba'y kalahi rin namin
Tandaan, panahon ngayon ay sobra ng tricky

Merlat (Babae)
Mga mortal na kaaway namin
Sa lahat ng bagay-
Sa katalinuhan, kagandahan at sa kaseksihan
Kahit na matres lang naman ang lamang nila sa’min

Happy 3 in 1 plus 1 Happy Kaarawan (Masaya)
Emosyon na sa ami'y laging nangingibabaw
Mahilig kaming magpasaya at maging masaya
Dahil naniwala kaming hindi dapat sinisira ang buhay
Sa mga bagay na walang katuturan

Makrompal (Masaktan)
Sanay na sanay na kami
Sa araw araw na lang
Sa bawat salitang ibabato sa amin
Sa bawat matang titingin sa amin
At sa bawat panghuhusgang sinasabi sa amin

Bading/Shokla/Bakla/Eklavu/Shoding (Kami)
Hindi lalaki, hindi babae
Kami'y somewhere in the middle
Masaya kami sa aming pagkatao
Kaya't hiling sana namin
Diskriminasyon huwag kaming biktimahin

Tao (Tayo)
Lahat tayo
Babae, lalake o gitna
Iisa ang laban
Iisa ang hamon
Mabuhay ng tama
Huwag matakot na ilabas kung sino ka
Ang mahalaga ay masaya ka

You Might Also Like

0 comments: