bella swan,
Kahit hindi na tama ang ginagawa mo
Habulan
Marami kang hinahanap, maraming pinapangarap.
Ang mga nais mong abutin, tunay na mahirap kamtin.
“Gustong gusto ko siya. Tulungan mo akong ipaalam sa kanya.”
Para hindi ka mangulit ng paulit-ulit,
Kahit sa tingin kong ang paghahabol mo’y di sulit,
Tinulungan pa rin kita
Dahil ika’y sa akin mahalaga.
Agawan
May kakaibang sigla sa’yong mukha.
Naupo ka sa aking tabi, halatang hindi ka mapakali.
“Gusto niya rin ako! Ako ang tinitibok ng kanyang puso!”
Kahit pakiramdam kong ako’y naagawan,
Mawawalan ng isang matalik na kaibigan,
Kailangan kong matuwa para sa’yo
Dahil dapat kaligayahan ko rin ang kaligayahan mo.
Kahit tumatagos ang sakit
Literary (Submission): Laro
Kampihan
Marami nang pinagdaanan ang ating pagkakaibigan.
Ngunit noon pa man kakampi mo na ako.
Kahit ikaw ang may kasalananKahit hindi na tama ang ginagawa mo
Basta sabihin mo lang sa akin ang totoo,
Kahit wala nang ibang naniniwala sa’yo,
Kakampi mo pa rin ako
Dahil magkaibigan tayo.
Habulan
Marami kang hinahanap, maraming pinapangarap.
Ang mga nais mong abutin, tunay na mahirap kamtin.
“Gustong gusto ko siya. Tulungan mo akong ipaalam sa kanya.”
Para hindi ka mangulit ng paulit-ulit,
Kahit sa tingin kong ang paghahabol mo’y di sulit,
Tinulungan pa rin kita
Dahil ika’y sa akin mahalaga.
Agawan
May kakaibang sigla sa’yong mukha.
Naupo ka sa aking tabi, halatang hindi ka mapakali.
“Gusto niya rin ako! Ako ang tinitibok ng kanyang puso!”
Kahit pakiramdam kong ako’y naagawan,
Mawawalan ng isang matalik na kaibigan,
Kailangan kong matuwa para sa’yo
Dahil dapat kaligayahan ko rin ang kaligayahan mo.
Taguan
Madalas pa rin tayong nagkikita pero palagi na siyang kasama
Sapagkat nagseselos siya sa kung anong meron tayo.
Nakangiti mong sinabi, “Walang kaso. Naiintindihan ko.”
Kahit tila di na ako makahinga sa galit
Makikitawa’t makikisama
Pilit itatago ang pagkadismaya
Dahil mali yatang maramdaman ito,
Magkaibigan lang kasi tayo.
Hanapan
Hindi ko akalaing maraming magbabago sa buhay na nakasanayan ko.
Kahit siya ang nasa aking tabi,
Ikaw pa rin ang mas gusto kong kakampi.
Kahit iyong sinasabi, “Narito lang naman ako palagi,”
Ang iyong pangungulit, pagtataray, pag-aalaga’t paglalambing,
Madalas ko pa ring hanap-hanapin.
Dapat ko na yatang tanggapin na higit pa sa kaibigan kung ika’y ituring.
Talunan
Marami akong pagkakataong pinalampas,
Ilang taon rin ang aking pinalipas.
Nang sigurado na ako sa nararamdaman ko
Nilakasan ko ang loob ko, nagdasal sa lahat ng santo
Bago ko buong pusong inamin sa’yo na
Ikaw ay iniibig ko. Kaso ang sagot mo,
“Palagay ko mas mabuti kung magkaibigan na lang tayo.”
0 comments: