barcode,
Scriptwriter:
Isang makinilya, isang papel
Ako ngayo’y magsusulat
Ng mga katagang nais na sayo’y bigkasin
Mga salitang matagal ko nang gustong sambitin
“Kaibigan man ang turing mo sa akin
Ika’y akin pa ring iibigin
Kung sasabihin mong wala akong pag-asa
Maluwag sa puso kong tatanggapin"
Direktor:
Sa isip ko’y binabalak nang magsabi sa iyo
Ngunit di pa handa ang puso kong ito
Naguguluhan pa ang puso’t isip ko
Kung anong dapat mangyayari, kung itutuloy ba ito
"Paulit-ulit na sa aking isipan
Ang puso ko ay akin nang tinitibayan
Akin nang aaminin sa iyo
Pero matatanggap mo pa ba ako?"
Aktor:
Litong-lito man ako
Naglakas loob akong lumapit sa iyo
Bigla akong napatigil pagkat napagtanto ko
Na hindi pa handa ang puso mo
Agad akong ngumiti
Kahit na di talaga ako mapakali
Aarte na lang ako na tulad ng dati
Na kaibigan pa rin ang turing ko sa’yo at walang nangyari
Pelikula:
Sa likod ng bawat pelikula
Ay isang kuwento ng ikaw at sana’y ako
May mga istoryang sadyang mauuwi sa trahedya
Wala tayong magagawa pagkat mapaglaro ang tadhana
Literary: Pagbuo ng Isang Pelikula

0 comments: