filipino,

Literary: Cinema Love Story

1/15/2016 09:54:00 PM Media Center 0 Comments



Sa sinehan sa Trinoma
Ang naging una nating pagkikita
Ako’y nabighani sa iyong mukha
At naakit ng iyong kumikislap na mata
Sa pagpasok ng sinehan
Dali-dali kong hinanap ang iyong kinaroroonan
Nagbabaka-sakali na ika’y makatabi
O kahit matanaw ka lang kahit sandali
Pagkatapos ng pelikula
Ako’y umaasa na ikaw ay muling makita
Ngunit ako’y bigo na muli kang masilayan
Kaya’t malungkot akong umuwi, di ka mawala sa isipan
Buwan ang lumipas at ika’y muling nakita
Ang saya sa aking mukha ay di maipinta
Ako’y naglakas loob na at ika’y nilapitan
Upang hingiin ang iyong pangalan
Sa sinehan nagsimula ang ating pagkakaibigan
Di naglaon ito’y nauwi sa malalim na pagmamahalan
Pagmamahalan na di matatawaran
Ng dalawang pusong nagkakaintindihan
Kay sarap balik-balikan
Ang ating pinagsimulan
Hinding-hindi ko malilimutan ang una nating usapan:
“Sir, ticket niyo po nasaan?”

You Might Also Like

0 comments: