filipino,

Literary: Ikaw Ay Isa Lang...

1/12/2015 07:50:00 PM Media Center 0 Comments


Sa tuwing pupunta ako dito sa paraiso,
Ikaw ang naaalala ko
Lugar kung saan nagsimula ang ating relasyon
Relasyon na inanod na ng mga alon

Para kang buhangin
Inalon papalayo sa pampangin
Hindi ko man alam ang iyong pakinabang
Nag-iwan ka naman ng marka sa aking buhay

Para kang hangin
Nagpapagaan sa aking pakiramdam
Ngunit minsa'y nakasasakit na
Dahil sa lamig ng damdaming 'di maramdaman

Para kang dagat
Mahirap maunawaan
Pabago-bago ugali't damdamin
Minsang raragasa, minsang kalmadong alon

Para kang dagat
Dulot sa akin ay takot
Puno ng misteryo't sikreto
Dahil dito, ako'y napapasaya't napapaiyak mo

'Sing lalim na ng dagat ang ating pinagsamahan

You Might Also Like

0 comments: