feature,

Feature: Wer na u? Lunod na us!

9/04/2013 08:16:00 PM Media Center 0 Comments

Dearest Papa Herbz,

Noong mga panahon ng habagat, sa ami’y bumaha. Maraming gamit nami’y tinangay at nakuha. Pero nagtatanong pa rin kami: “Papa Herbz, may pasok ba?” Kung kalian magbibihis na, tsaka sasagot siya, “Suspendido po ang klase sa lahat ng antas.” Dapat lang! Kailangang aming problema’y malutas. Wala kaming tirahan, pagkain o kumot. Nakisisiksik sa evacuation centers, at mga klasrum na malamok. Nakatutulog nang nakatayo sa isang sulok.

Feeling ko talaga’y may galit ka sa aming mga taga-kyusi. Noong biyernes nag-suspinde ang buong NCR, bumabaha na sa buong Maynila pero may pasok pa rin kami?! Hindi naman po sa hindi ko gustong pumasok pero wala naman po kasi kaming hasang at palikpik para sisirin ang baha papuntang paaralan! Ayaw din naman po naming mabagsakan ng mga sanga ng punong nakalbo dahil sa habagat. Isa lang po ang nais kong itanong: Ganun na po ba ang tingin niyo sa aming mga taga-UP? Matatapang, matatalino, walang takot kahit kanino? May takot din naman po kami. Lalo na kung papapasukin kami sa paaralan. Hindi sa pagco-commute pero sa possible naming pagsugod sa baha.

Wala naman po akong problema sa mga bagay na ito. Ang tanong ko lang po ay: Nasaan kayo? Nasaan kayo noong mga panahong kami’y binabaha’t nag-iisip kung kami’y mabubuhay pa; kung makaliligtas sa delubyong nananalasa? Palagi ka na lang sa telebisyon nakikita o ‘di kaya’y sa radyo naririnig. Mapawi ang aming dusa kung sa amin kayo’y haharap. Mapapatunayang mahal mo ang Quezon City at mga taong nasalanta. Wer na u, Papa Herbz? Magpakita ka…

Isang mamamayan ng QC na
binaha’t nasalanta,
POTPOT

//ni Onyx Crowshaw

You Might Also Like

0 comments: