alissa villareal,

Pagkumpiska ng ID, pansamantalang itinigil

7/11/2013 08:03:00 PM Media Center 0 Comments

Simula noong Martes, Hulyo 9, pansamantalang itinigil ng Kamag-Aral 3-10 (KA) ang pagkumpiska sa mga ID ng mga estudyanteng nahuhuli sa flag ceremony.

Dahil sa lumalaking bilang ng mga estudyanteng hindi dumadating sa oras ng flag ceremony, ipinatupad ng KA ang pagkumpiska ng mga ID nila simula noong Hunyo 25. Ayon sa pamunuan, isususpindi muna ang patakarang ito upang ayusin ang sistema ng pagpapatupad.

Ani Faye De Castro, pangulo ng KA 7-10, layunin nito na madisiplina ang mga mag-aaral sa tamang oras ng pagpasok sa paaralan. Isa rin itong paraan upang maitala at masolusyonan ang madalas na pagdating ng huli ng mga estudyante tuwing flag ceremony. Inaasahan ng KA na sa pamamagitan ng alituntuning ito ay mabawasan ang dami ng late comers. / nina Bea Cao, Joshua Paulino, at Alissa Villareal

You Might Also Like

0 comments: