camping,

Mahigit 100 lider-isko, dumalo sa LC

7/27/2013 07:04:00 PM Media Center 0 Comments

Ang mga lider-isko ng UPIS sa isa sa mga session noong LC.
(c) Mika Mabalot
Humigit-kumulang 130 mag-aaral mula grado 3-10 ang lumahok sa ANDAM, ang Leadership Camp (LC) ngayong taon, na ginanap noong ika-12 at 13 ng Hulyo.

Sa pangunguna ng pamunuan ng Kamag-Aral (KA) 3-10, nilalayon nito na mabigyan ang mga Lider-Isko ng sapat na kaalaman, kasanayan, at kahandaan sa pamumuno. Bukod pa rito, hangad din ng gawaing ito na maipamalas ng mga kalahok ang kani-kanilang husay, talento, karanasan at abilidad.

Pagkatapos ng mga talk mula kina Prof. Vanessa Oyzon, college secretary ng UP College of Education (UP CED), Sir Gringo Corpuz, dating tagapayo ng KA, Shari Oliquino, dating pangulo ng KA, at Prof. Lorelei Vinluan, propesor sa UP CED), pinaglaanan ng malaking oras ang pagbuo ng Talaan ng mga Gawain ng lahat ng mga organisasyon para sa taong pang-akademiko 2013-2014 bilang output ng naturang camp.

Bilang pangwakas na programa pinangaralan na mga best camper sina Miguel Castro at Jibreel Fernandez. / ni Czarina Sikat

You Might Also Like

0 comments: