filipino,
“CR lang, bro.”
Nagmamadali akong pumunta sa CR, dahil kaunti na lang, sasabog na talaga ‘yong pantog ko. Nagkataon naman ay nakasarado ito kaya napilitan akong dumiretso sa Varsity CR.
Juminggle ako ng bongga. Nailabas ko na yata lahat ng tubig sa aking goddess body.
Pagkatapos, narealize ko oily na ang feslak ko. Kaloka! Mukhang gurangers na fezz ko. Pano na pogi este ganda points ko sa aking papable-team mates. Hay… Naalala ko tuloy ang aking heavenly moments tuwing naliligo kaming magkakasama.
-----
“Rodrigo! Bro! Ligo na tayo! Malapit na magsimula ang klase! Tapos na ‘yong iba oh!”
Omg is this true? Maliligo kaming dalawa ni Antonio? Dreams really do come true!
“O’nga pare eh. Magmadali na tayo.”
Sa pag-abot ko ng sabon, nagkadaplis ang aming mga braso. Tumigil ang mundo ko. Nagkatitigan kami. Bumilis ang takbo ng aking heart. Dadamoves na ba ako? Pero bago pa man ako makapagdesisyon, biglang namatay ang lahat ng ilaw.
“Uy, wala namang ganyanan. Sino ba iyon? Aga aga nanttrip kaagad, ma-late pa tayo nyan. Badtrip.”
“Pare, ‘wag na lang natin pansinin.”
Nagbanlaw at nagbihis na kami. May kumalansing.
“Uy $?@!#! Pare! Ano yun?!” Napayakap kami sa isa’t isa. Jackpot itey! Can this day get any better?
“Ay. Susi ko lang pala. Hehe.” Kahiya itey.
Bumitaw na kami sa pagkakayakap. Kinikilig pa rin ako.
“Uh, eh, ano, bro, ‘lika na! Male-late na tayo oh!”
Lumabas na kami ng varsity CR na parang walang nangyari. Ang weird pa rin talaga, ang daming chenes na nangyari, Pero winner na rin, nayakap ko si crush!
-----
Ay, over na ata ako sa pagrereminisce. Magreretouch pa pala ako. Gagamit sana ako ng chapstick ngunit, subalit, datapwat, bagamat, nalaglag ito. Kaazar! Habang ginegetlak ko itey, may napansin akong mga paa sa isang cubicle. Kaloka! May kasama pala ako ditey, ‘di man lang nagsasalita!
“Hello? Who’s there?”
Walang sumasagot. Binuksan ko ang cubicle pero wala naman pa lang tao. Guni-guni ko lang siguro ‘yon. Hay, napapala ng mga nagde-daydream. Tatapusin ko na nga lang ‘tong pagreretouch ko.
Humarap ulit ako sa salamin nang biglang may dumaan sa aking likuran. It sent chills down my spine. Napaisip aketch, waley lang ‘yon.
Lumabas ako ng Varsity CR at kalmadong naglakad papuntang Dance Room. Waley lang, feel ko lang pumunta. Ngunit sa paglalakad ko, ramdam kong may sumusunod sa akin.
Nasight ko ang mga naipong trophies sa shelves. Ang dami na palang wins ng varsities dito. Nakita ko yung trophy ng team ko. First win namin ‘yon. Buong school ay nagpugay para sa amin. Oh well.
-----
“NANALO TAYO PARE! FIRST WIN!”
Naiiyak na si Antonio habang nagtatatalon sa tuwa. Inakbayan niya ako. Naluha na aketch ngunit ‘di lang dahil sa win ng team naming pero sa jackpot nanaman aketch!
-----
Natigil na naman ang aking pagrereminisce dahil sa malakas na kalabog ng pinto. Pagkatingin ko sa salamin, may babaeng nakatalikod. Ang chaka lang ng outfit ni ati. Halloween lang ang peg! Sinubukan kong kausapin ang misteryosong girlaloo.
“Teh anong lagay?” Sarap sabihin. Pero syempre, joke lang. Eto na, serious na. “Miss, okay ka lang?”
‘Di siya sumasagot. Deadmatologist lang. Tatapikin ko sana siya pero tumagos lang ang kamay ko sa kanyang balikat. Napanganga ako. Nag-ala-Lydia De Vega aketch at kumaripas ng takbo.
Nagpasiya akong tumigil muna sa may library dahil may nakita na akong kabatch ko. Tagal ko na siyang ‘di nakita ah. Nag-absent ata ng matagal.
“Leeeex! Guuurl! May chakabels akong ghost na nakita sa dance room! Halos tumigil na ang heart ko sa pagtibok nung narealize kong multo iyon! Oh my goodness gurl, naloloka pa rin talaga ako!”
Medyo ang gay ata ng pagkakasabi ko. Gosh, baka mabisto na ako. Yung multo kasi eh. Pero NR si girlaloo. Isa pang deadmatologist ito. Kalerkey. Pero bigla siyang nagsalita.
“Mauna na ako.”
AY! SUPLADA! Makabalik na nga sa Multi.
-----
“Mga bro! Ano ba yan, gano’n ba talaga yung si Lex? Ang taray pare. Parang di naman gano’n yun ah.”
Natulala silang lahat tas naghagalpakan dahil sa sinabi ko.
“Anong trip mo Rodrigo? Hahaha. Sama talaga ng ugali neto.”
“Ha? Anong trip? Totoo kasi! Kinausap ko siya pero inisnab lang ako. Probleman nun…”
“Sigurado kang si Lex yung nakausap mo?”
“Malamang!”
“Gago, wala na siya pare. Last week pa. Car crash ata?”
“ANO?”
Tumindig na naman ang aking balahibo. Na-wa poise ang outer Prince Charming at inner Cinderella ko. Nagblack-out na ag aking paningin at naramdaman ko na lang ang malamig na sahig na lumapat sa aking beautiful back… / ni Shupatembang Sponky Wonky (SSW)
Literary: Andyan na Siya……. CHOS
“Uy Igo, saan naman punta mo?”“CR lang, bro.”

0 comments: