collaboration,

Literary: Pana-panahon

10/16/2015 08:19:00 PM Media Center 0 Comments



Taon
Taun-taon palaging umaasa
Sana lang talaga’y maging kaklase kita
Taun-taon nagugulat ako
Tila biro ng tadhana, magkaseksyon ulit tayo

Buwan
Buwan-buwan hinihiling
Na sa bawat gawain ikaw at ikaw ang makapiling
Buwan-buwan hindi inaasahan
Na kung ako ay may kailangan, palagi kang nandyan

Linggo
Linggu-linggo sinasamantala
Mga sandaling makakausap ka
Linggu-linggo unti-unti
Di maitago, ngiti sa aking labi

Araw
Araw-araw pasulyap-sulyap
Sa bawat sandali hinahanap-hanap
Araw-araw nakikilala
Itong di maipaliwanag na saya

Oras
Oras,-oras ikaw ang tumatakbo
Dito sa isip kong gulong-gulo
Oras-oras at sa tuwina
Di namamalayang naiisip na kita

Minuto
Minu-minuto di mapakali
Pagtingin sa iyo’y gusto ng masabi
Minu-minuto napakagulo
Ikaw na nga yata ang laman ng puso ko

Segundo
Segu-segundo papalapit sa iyo
Nasambit sa wakas ang damdaming tinatago-tago
Segu-segundo papalapit sa iyo
Handa nang aminin ang pag-ibig ko

You Might Also Like

0 comments: