cedric jacobo,

UPIS, nakibahagi sa PCRC

12/11/2017 08:14:00 PM Media Center 0 Comments


Lumahok ang ilang mag-aaral ng UPIS sa ikalawang Philippine College Radio Congress (PCRC) noong Nobyembre 28 at 29 sa Plaridel Hall, UP College of Mass Communication (CMC).

Dalawampung mag-aaral mula sa 12-Katarungan ang nakibahagi sa PCRC, isang proyekto ng UP Department of Broadcast Communication na nilalayong palalimin sa mga kalahok ang kanilang kaalaman at pagpapahalaga sa college radio.

Nagasagawa rito ng lecture workshops kung saan tinalakay ang mga paksang tulad ng Multimedia Ethics, Social Media Penetration, Gender Sensitivity, at The DZUP Story. Naging tagapagsalita ang mga propesyunal mula sa iba’t ibang sangay ng peryodismo na sina Prop. Rose Feliciano, Prop. Jane Vinculado, Bb. Ma. Amor Olaguer, Mr. Jerry Gracio, Bb. Cindy-Cruz Cabrera, Bb. Irma Mutuc, Atty. Roland Antonio Guia Jr., Prof. Jun Austria, at Dr. Elizabeth Enriquez.

“Marami ka talagang matututunan sa PCRC since ‘yung mga nagsasalita ay professionals and magagaling talaga. Sobra siyang makakatulong lalo na kung sa communications ‘yung gusto mong tahakin in the future. Pero marami rin ako natutunan na magagamit ko even though ‘di siya related sa course choices ko. Tulad ng advertising/branding, gender sensitivity, programming at marami pang iba,” pagbabahagi ni Julian Taloma, isa sa mga kalahok ng UPIS na kumuha rin ng kanyang internship sa CMC.

Nagkaroon naman ng pagtatanghal ang UP Streetdance Club bilang pagtatapos ng PCRC. //Ni Cedric Jacobo

UNANG PIRMA. Naghahanda at nagpaparehistro ang mga kalahok ng UPIS sa unang araw ng PCRC. Photo credits: DZUP


You Might Also Like

0 comments: