hanzvic dellomas,

Ruivivar, tumula sa Pag-iilaw 2017

12/11/2017 08:09:00 PM Media Center 0 Comments



Nagtanghal si Eunice Ruivivar sa “Pag-iilaw para sa Pasko 2017 at Konsiyerto sa Plaza” noong Biyernes, Nobyembre 24 sa UP Quezon Hall.

Inirepresenta ni Ruivivar ng 10-Narra ang UPIS sa pamamagitan ng pagbigkas sa akdang “Pasko Na!” ni Benigno Zamora. Matapos tumula ay nagpalipad si Ruivivar ng kalapati bilang hudyat ng pag-iilaw sa buong UP Diliman campus at kay Oble.

HUDYAT. Kasama ni Eunice Ruivivar sina UP President Danilo Concepcion, Chancellor Michael Tan, at Vice Chancellor Nestor Castro (kaliwa-kanan) sa pagpapalipad niya ng kalapati. Photo credits: Philippine Collegian.

Ang Pag-iilaw ay pormal na bahagi ng UP Diliman Year-End Program 2017 na may temang “UP Diliman: Paaralan, Palaruan”. Ito ang hudyat ng pagsisimula ng panahon ng Kapaskuhan sa buong unibersidad.

“Yung confidence ko talaga ‘yung sinanay ko since alam kong maraming tao ang manonood. Nakatulong din ‘yung previous experiences ko with monologues and class presentations dun sa mismong pagbibigkas ko ng tula,” pagbabahagi ni Ruivivar tungkol sa kaniyang naging mga paghahanda.

Maliban sa kaniya ay nagtanghal din ang UP Staff Chorale Society, UP Rondalla, UP Dance Company, UP Bikers at Skateboarders, si Bb. Marynor Madamesila, at ang bandang Sandwich. //ni Hanzvic Dellomas

You Might Also Like

0 comments: