news,
Makalipas ang dalawang taon, muling nagtanghal ang klase ng Filipino Drama (FD) noong Huwebes, Disyembre 7 sa Room 121 ng UPIS 7-12 Building.
Itinanghal ng unang klase ang produksyong “Ang Goldfish ni Prof. Dimaandal” ni Eljay Deldoc sa direksyon nina Aldous dela Peña at Danna Sumalabe. Una itong ipinalabas sa Virgin Labfest noong 2014 at nagkaroon ng re-run noong 2015.
Itinanghal naman ng ikalawang klase ang “Teroristang Labandera” ni Debbie Ann L. Tan sa direksyon nina Adrian Bornilla at Hannah Manalo. Ipinalabas ito sa Virgin Labfest noong 2007 at muli noong 2016.
Matapos ang pagpapatupad ng K-12 curriculum, ang Filipino Drama na noo’y elektib para sa Grado 10 ay binuksang muli para sa mga mag-aaral ng Grado 12. Ang huling batch na nagtanghal ng produksyon sa ilalim ng K-10 curriculum ay ang Batch 2015.
Magkakaroon ng pangalawang pagtatanghal ang klase sa darating na Huwebes, Disyembre 14, sa ganap na ika-2 n.h. Ang huling show ay bubuksan sa mga mag-aaral ng UPIS at sa mga non-UPIS.
Ang FD 2018 ang kauna-unahang klase ng Filipino Drama na hinati sa dalawang grupo bunsod ng dami ng mga mag-aaral nito. //ni Trisa de Ocampo
Filipino Drama, nagbalik sa entablado

MGA DAMIT NAMIN! Tampok sina Ana Suiza at Rad Pascual (L-R) sa isang kapana-panabik na bahagi ng "Teroristang Labandera". Photo Credit: Raymund Creencia. |

0 comments: