abril mayo,
Nakaupo ako sa gitna ng silid-aralan at hinihintay na magsimula na ang pagsusulit. Marami akong iniisip at tila may riot sa aking utak. Dahil yata kulang ang tulog ko kagabi o talagang lutang lang ako ngayong araw. Unang subject kasi, tapos test agad.
“Get one and pass,” sabi ni Ma’am. Agad namang ipinasa sa akin ang test paper ko.
Kinuha ko na rin ang pencil case ko sa bag para kumuha ng panulat. Dala na rin siguro ng kaba kaya ko nakalimutang maglabas nito. Sa pagbubukas ko ng pencil case ko, nakakita ako ng lapis at ballpen. Lalo akong kinabahan at napaisip.
Ano kayang gagamitin ko sa dalawang ito?
Doon ba ko sa ballpeng tumatatak dahil sa ganda ng kalidad o doon sa lapis na ang labo ng sulat na baka ‘di pa mabasa ni Ma’am? Doon ba ako sa ballpeng dumudulas sa kamay ko dahil sa pawis kong kamay o doon sa lapis na kumakapit dahil gawa sa kahoy? Doon ba ako sa ballpeng hinding-hindi ko na mabubura dahil wala akong correction tape o dun sa lapis na sa daling mabura, pati yung papel ko mabubura? Ano ba naman ‘to? Ang hirap ng buhay! Hindi ko malaman kung anong pipiliin ko! Lapis o ballpen? Ballpen o lapis?
“Finished or not finished pass your papers.”
Ano raw? Wala akong nasagutan! Maluha-luha tuloy akong tumayo sa aking upuan at nang lalabas na ako sa silid…
“USE A PENCIL FOR ANSWERING THE TEST.”
Iyan ang sabi sa whiteboard.
At tuluyan na nga akong umiyak. / ni Abril Mayo
Literary: Lapis o Ballpen

0 comments: