admin,

Digital Display, sinimulan ng gamitin sa UPIS

11/28/2014 07:59:00 PM Media Center 0 Comments

Ang Digital Display ay ikinabit sa Ramp area at ginagamit
para sa mga anunsiyo at balitang pampaaralan.
Unang ginamit ang 50-inch Digital Display sa pagbubukas ng Ikalawang Semestre sa UPIS 7-12.

Ayon kay Bb. Ross Kline Empleo, Information Officer ng UPIS, imunungkahi ang proyektong ito ng kumpanyang Digiplay Boracay sa pangunguna ng Chief Operating Officer na si G. Tos Vea, isang UPIS alumnus. Binanggit din niya na makakatulong ito na maiparating ng mas mabilis ang mga anunsiyo at balita ng paaralan.

Animnapung porsyento (60%) ng mga ipinapakita sa Digital Display ay mga anunsiyo, balita at iba pang impormasyon mula sa paaralan. Samantala, ang apatnapung porsyento (40%) naman ay mga TV commercial na dumaan at inaprubahan ng ORDP at APAP.

Ilan sa mga paaralang may parehong sistema ay Adamson University, Ateneo de Manila University, at De La Salle University. / nina Quiela Salazar at Nicole Rabang

You Might Also Like

0 comments: