Literary: Hanggang sa muli





Hulyo 1, 2010

Ako si Nimuel, ako ay walong taong gulang at kasalukuyang nasa grado tatlo. Kaarawan ko ngayong araw kaya gumawa ako ng talaarawan at ito ang unang araw rito.

Agosto 13, 2010

Umuwi si Tatay galing ibang bansa at pinasalubungan ako ng maraming laruan. Si Tatay ay isang pintor na lumilibot sa iba’t ibang bansa upang magpinta ng mga lugar. Sa tuwing siya ay umuuwi, binibigay niya sa akin ang libro na koleksyon ng kaniyang mga naipinta.

Agosto 30, 2010

Pauwi ako galing sa eskwelahan habang bitbit ang photo album na binigay ni Tatay nang may tumawag sa’kin. May nakilala akong isang batang babae sa ilalim ng napakalaking puno na napapaligiran ng mga bulaklak malapit sa eskwelahan. Mas matangkad siya sa akin, maikli ang buhok, payat, malaki ang mga mata at bibig na palaging nakangiti. Ang pangalan niya ay Mahalia, ipinakita ko rin sa kaniya ang hawak kong libro ng mga larawan na likha ni Tatay. Bilib na bilib siya at gandang-ganda sa mga larawang laman nito, at nagtanong kung mayroon pa ba akong iba. Agad akong tumango at ngumiti dahil masaya ako na ako ay may bagong kaibigan.

Setyembre 6, 2010

Araw-araw, sa tuwing umuuwi ako pagkagaling sa eskwelahan ay agad-agad akong pumupunta sa tagpuan namin ni Mahalia habang dala ang mga larawan na likha ni Tatay. Ngayong araw ay ipinakita ko sa kaniya ang ipinintang dalampasigan ni Tatay sa Miami. Napakalaki ng ngiti ni Mahalia habang pinagmamasdan ang kulay bughaw na dagat pati ang mga ibong lumilipad sa ibabaw nito.

Agosto 17, 2010

Matapos naming maglaro ni Mahalia ng habul-habulan ay ipinakita ko sa kaniya ang mga likha ni Tatay noong siya ay nasa China. Tuwang-tuwa siya nang makita niya ang kabundukan at ang malaking pader na nagsisilbing tulay sa mga mamamayan nito. Pagkatapos ay maghapon na kaming naglaro at nagkwentuhan.

Enero 6, 2011

Ngayong araw naman ay pinakita ko kay Mahalia ang palasyo na Taj Mahal sa India. Hindi siya makapaniwala na totoong lugar ang kaniyang nakikita dahil masyado raw itong maganda. Ilang sandali pa ay dumaan ang mga kaklase kong lalaki at nakita nila akong kausap si Mahalia. Inasar nila ako na may kalaro raw akong multo dahil wala naman akong kausap. Sigurado ako na sinabi lang nila yun para mang-asar dahil hindi naman multo si Mahalia.

Mayo 15, 2012

Pagkagaling sa eskwelahan ay agad akong dumiretso sa aming nakasanayang tagpuan ni Mahalia upang ipakita sa kaniya ang aking grado sa pagsasanay sa Math. Pagkalapit ni Mahalia ay namalayan ‘kong mas matangkad na pala ako sa kaniya. Inasar ko siya na batang napag-iwanan ng pagtangkad nang paulit-ulit habang nakabelat ang aking mukha, tawa ako nang tawa habang hinahabol niya ako paikot sa puno.

Hulyo 1, 2013

Kaarawan ko na naman pala, sa susunod na taon ay isa na akong ganap na mag-aaral sa hayskul. Gusto ko na talagang tumanda! Pagkatapos ng aking selebrasyon ay agad-agad akong dumiretso sa tambayan namin ni Mahalia. Binati niya ako ng maligayang kaarawan, at niregaluhan niya ako ng pulseras na gawa sa sanga ng puno at mga bulaklak. Nabanggit din niya na mayroon siyang tinatagong lihim noon pa at hinintay niya lang ang tamang oras upang sabihin ito. Ngayong malapit na akong mag-hayskul ay naniniwala siya na ako ay nasa tamang edad na upang malaman ito. Sinabi niya ang totoo na hindi siya tao, siya ay isang diwata na nakatira sa malaking punong ‘yon. Humalakhak ako sapagkat hindi ako naniniwala sa kaniyang mga sinabi, hanggang sa pinakita niya ang panuntunan niya bilang tagapagbantay ng puno. Hindi siya maaaring umalis o lumayo sa lugar kung saan naroon ang puno. Nanlaki ang aking mga mata sa aking mga nakita at narinig, pero dahil malapit na kaming magkaibigan, ako ay naniwala na lamang. Nabanggit din niya na hindi siya tumatanda at habang buhay na bata lang ang kaniyang anyo, at tanging mga indibidwal na inosente at may purong pagkatao lamang ang may kakayahang makakita sa kaniya at makaalam sa kanyang pag-iral. Doon ko naalala ang mga panahong inaasar ako ng aking mga kaklase na may kausap na multo. Buong araw kaming nag-usap tungkol sa kaniyang istorya at inabot na kami ng hapon. Umuwi ako nang may ngiti sa aking mukha dahil hindi ako makapaniwala na ako ay may kaibigang diwata.

Setyembre 9, 2013

Nagpinta ako kahapon ng tanawin na matatanaw mula sa balkonahe ng aming eskwelahan. Kita rito ang paglubog ng araw at ang kulay kahel na langit. Pinakita ko ito kay Mahalia kanina at siya ay naluha, nakaramdam siya ng pagkabilib at pagkainggit. Nainggit siya dahil hindi raw siya makakakita ng ganitong pangyayari sa buong buhay niya dahil sa kaniyang pagiging diwata. Nang makita ko ang mga luha sa mata ni Mahalia, agad ko itong pinunasan. Nangako ako na balang araw, ako ay magiging isang mahusay na pintor tulad ng aking ama at lilibutin ko ang buong mundo para magpinta ng iba’t ibang mga tanawin upang ipakita sa kaniya. Kung sakali namang ako’y maging okupado sa aking mga trabaho, gagawin ko pa rin ang lahat upang makabalik sa aming tagpuan tuwing aking kaarawan upang ipakita sa kaniya ang aking photo album. Sumandal sa akin si Mahalia habang pinagmamasdan namin ang paglubog ng araw.


Disyembre 16, 2013

Habang lumilipas ang panahon, ay paunti na nang paunti ang mga araw ng pagkikita namin ni Mahalia dahil okupado na ako sa mga gawain sa eskwelahan at minsan ay parang nakakalimutan ko na lang ito. Pumunta ako sa aming tagpuan ngayong araw upang humingi ng tawad, ngunit ngumiti lamang siya sa’kin. Naiintindihan daw niya na may sarili akong buhay na dapat asikasuhin at hindi naman daw siya aalis sa punong ‘yon. Kaya raw niyang maghintay kahit gaano pa ito katagal.

Hunyo 11, 2014

Dahil sa aking pagtatapos sa elementarya at pagkasabik sa pagsisimula ng buhay hayskul, ilang buwan ko nang hindi nabibisita si Mahalia sa aming tagpuan. Ngayong araw ay pumunta ako sa puno upang mangamusta. Napansin ko na kahit gaano katagal pa kaming hindi magkita o mag-usap, hindi pa rin nagbabago ang pakikitungo namin sa isa’t isa. Sa kalagitnaan ng aming pagkukuwentuhan ay dumaan ang aking mga kaklase na dating nang-asar sa amin. Inasar nila ako na may gusto raw ako sa multo at gumagawa raw ako ng mga pantasya sa aking isipan. Nahiya ako at hindi ako nakapagsalita dahil kahit kailan ay hindi pa ako nagkakagusto sa isang babae. Alam kong nang-aasar lang ang aking mga kaklase kaya hindi na lamang ako nagsalita at hinintay na lang silang makaalis.

Hulyo 1, 2014

Ngayong kaarawan ko ay umuwi si Tatay nang may dalang panibagong photo album ng kaniyang mga ipininta. Sa lahat ng larawan na nasa libro, ang paborito ko ay ang malaking puno na napapaligiran ng mga bulaklak na kaniyang ipininta noong siya ay nasa bansang Iceland. Ngunit ‘di ko maiwasang may maalala dito, para bang pamilyar at may kapareho itong lugar sa aking mga alaala. Oo nga pala, ganito ang itsura ng tagpuan namin ni Natalia—Natalia? Aaah ni Mahalia, bakit ko nga ba nakalimutan ‘yon? Gawa siguro ito ng aking pagtanda. Pupuntahan ko mamaya si Mahalia upang siya ay aking makamusta dahil ilang buwan ko na rin siyang hindi nakakausap. Dadalhin ko rin ang aking portfolio na puno ng aking mga ipinintang mga tanawin para ipakita sa kaniya dahil panigurado ay matutuwa ‘yon. Ano kaya ang ginagawa ni Mahalia ngayon?

Hulyo 1, 2014

Mahalia, Mahalia, MAHALIA! Kasalukuyan ko itong sinusulat sa aming bahay dahil unti-unti ko nang nakakalimutan ang mga alaala namin ni Mahalia. Nagsimula ito noong pauwi ako mula sa aking eskuwelahan at patungo sa aming tagpuan nang bigla akong napangiti at naisip kung gaano na kahalaga si Mahalia para sa akin. Parte lamang siya dati ng aking pagkabata ngunit ngayon ay isang malaking parte na siya ng aking buhay. Siya na ang laman ng aking isip at lagi kong inaabangan ang aming muling pagkikita, kahit nakakalimutan ko ito minsan. Nang nasa tagpuan na ako, nakita ko si Mahalia na nakatingala sa langit habang hinahangin ang buhok at hindi ko maiwasang mabighani sa kaniyang presensya. Para bang huminto ang oras, gusto kong angkinin ang mga segundo at pagmasdan na lamang habang buhay ang kaniyang pag-iral. Naalala ko bigla ang mga pang-aasar sa amin ng aking mga kaklase at napatanong ako sa aking sarili kung totoo nga bang gusto ko na talaga si Mahalia. Sa sandaling ‘yon, maniwala ka, bigla ko na lamang nakalimutan ang lahat ng alaala namin, ni hindi ko alam kung saan ako papunta at bakit ako nasa lugar na ‘yon. Umuwi na lamang ako sa bahay nang nakita ko ang talaarawang ito. Nabasa ko ang lahat ng alaala namin ni Mahalia at tila bumalik ang ilan dito sa aking isipan. Habang sinusulat ko ito ay unti-unti ko nang nakakalimutan si Mahalia, hindi ko maiwasang mapahagulgol na para bang bata na inagawan ng laruan. Pagkatapos nito ay tutungo ako sa aming tagpuan upang sabihin ang aking tunay na nararamdaman bago pa mahuli ang lahat, bago ko siya tuluyang makalimutan. Magpapasalamat ako sa lahat ng aming mga masasayang alaala at sa lahat ng aming pinagdaanan. Yayakapin ko siya at sasabihin ang lahat ng aking nais sabihin dahil sigurado ako na ito na ang huling araw na maaalala ko siya. Kung ang kasabay ng pagtanda ay ang pagkawala ng aking pagiging inosente, ayoko nang tumanda at mabuti pang maging musmos na lamang ako habang buhay.

Hulyo 1, 2014

Ako si Mahalia. Ilang oras na ang lumipas simula nang umalis si Nimuel sa aming tagpuan. Inamin niya ang kaniyang tunay na nararamdaman nang bigla na lamang niya akong nakalimutan. Tinanong niya bigla ang kaniyang sarili kung ano ang kaniyang ginagawa sa lugar na ‘to at kung bakit siya umiiyak. Naroon ako sa kaniyang tabi ngunit hindi niya na ako nakikita o naririnig. Kung ganito kasakit ang pagiging diwata ay mabuti pa na putulin ko na ang kahit anong koneksyon ko sa mga tao. Napansin ko itong talaarawan na nahulog sa bag ni Nimuel noong siya ay tumatakbo paalis, dahil siguro sa kaniyang pagmamadali na makauwi ngayong kaarawan niya ay hindi niya na ito napansin. Binasa ko ang mga laman nito at hindi naiwasang maluha. Puno ito ng mga alaala ni Nimuel simula noong siya ay bata pa. Narito ang aming unang pagkikita hanggang sa huli. Ilan dito ay ang aming mga pagsasama, paglalaro, at pagkukwentuhan na kaniya talagang pinapahalagahan. Itatago ko na lamang itong talaarawang ito kung sakaling magkita muli kami sa hinaharap. Hanggang sa muli, aking kaibigan.

Hulyo 1, 2015

Hunyo na naman at mahangin ang paligid, napakaganda ng araw na ito. Marahil ito ang paborito kong araw sapagkat ito ang kaarawan ni Nimuel. Ilang sandali ay may narinig akong tunog ng mga yapak na papalapit, at nasilayan ko si Nimuel. Laking gulat ko nang pumunta siya sa aming tagpuan upang tignan ang kaniyang portfolio, nanlaki ang aking mga mata dahil hindi ako mapakaniwala sa aking nakita. Hindi ko alam kung bakit, ngunit sigurado ako na dahil ito sa kaniyang pangako na ipapakita niya sa akin ang kaniyang mga ipinintang mga lugar at tanawin. Hindi man na niya ako naaalala, ngunit kita ko sa kaniyang mga mata na naroon pa rin ang pamilyar na ginhawa na kaniyang nadarama sa tuwing siya ay narito sa aming tagpuan. Nakangiti akong tinitignan ang kaniyang mga likha, at kita ko sa kaniyang mga mata kung gaano siya kasaya sa kaniyang ginagawa.

Hulyo 1, 2018

Taon-taon ay pumupunta rito si Nimuel para tignan ang kaniyang mga ipininta sa photobook, at palihim ko itong pinagmamasdan. Habang tumatagal ay nakikita ko ang mga pagbabago at paghahasa ni Nimuel sa kaniyang talento. Hindi ko maiwasang abangan ang araw na ito bawat taon, sapagkat hindi lamang ako nakakakita ng iba’t ibang mga lugar, kung ‘di dahil nakikita ko rin ang aking paboritong tao. Nagtapos ang araw nang may ngiti ako sa aking mukha at napaisip ako kung ano na naman kaya ang mga ipipinta ni Nimuel sa susunod na taon.

Hulyo 1, 2021

Ngayong araw ay may dala si Nimuel na panibagong portfolio kung saan puno ito ng mga paborito niyang tao na kaniyang pinapahalagahan. Nakita ko ang kaniyang mga magulang, malalapit na kaibigan, at marahil ay mga taong patuloy na gumabay sa kaniyang pagtanda. Napansin kong blangko ang dulong pahina nito - ngunit laking gulat ko nang magsimula siyang gumuhit gamit ang kaniyang lapis na dala. Ginuhit at ipininta niya ang aming tagpuan; isang malaking puno na napapaligiran ng berdeng mga damo at makukulay na mga bulaklak, habang lumulubog ang araw sa ibabaw nito. Hindi ko maiwasang maluha dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin kumukupas ang pamilyar na ginhawang nararamdaman ni Nimuel sa aming tagpuan—sa akin. Bagamat nakalimutan na niya ako at masakit ang pagpapaalam namin sa isa’t isa, naniniwala ako na habang buhay kong papahalagahan at itatago ang aming mga munting alaala. Napangiti na lamang ako habang iniisip ang aming mga susunod na pagkikita sa hinaharap.

Hanggang sa muli, Nimuel. Paalam.

Literary: Dreamer





I have a dream I long to see,
A distant light always with me.
It helps me cope with reality,
The image of my fantasy.

I run to reach my dream
To make it a reality already.
I go even faster, more excited than ever
But the light doesn’t seem to get any nearer.

I stop as I’m out of breath
And I look at the path ahead.
It’s not as simple as I thought it would be
Reaching my dream won’t come easily.

As I rest, I start to question,
Why do I even want to reach a mere illusion?
Running for miles and miles,
Is it really worth my while?

However, I did not come this far just to quit.
The journey ahead may be harsh and grim
But that’s just all a part of it.
The vision in my mind, I will never omit.

I began to run again at a steady pace
This time around I’ll go with grace.
Everything surrounding me may be dark,
But I have a fire burning bright in my heart.

I’ll climb the mountain
I’ll cross the stream
With no exact destination
I’ll reach my dream with determination.

Literary: Ventures of the lost





Familiar is the fear,
Deliberate, the dread
Tailing your tentative footsteps
Toward what lies ahead
And in your company
Is a wearisome query,
One that plagues the minds of many
And now rests heavy on your tongue—
At this journey’s end, what will you become?
To that, you’ve no answer;
And to this, we are all bound
Ceaselessly seeking what can never be found
Yet you surge forth, blindly
And of this, you’re unaware:
The resounding clarity
With which your heart sees,
Pushing worn and weary feet
In pursuit of fevered dreams—
Betrays a courage
Only few can hope to bear.


Literary: Himpapawid





Para sa aking minamahal,

Kumusta ka na? Nais ko lamang na malaman mo na naiisip pa rin kita. Nasanay kasi ako na lagi kang nasa aking tabi. Ngayon na wala ka rito, lagi kong naiisip kung ayos lang ba ang iyong kalagayan o ‘di kaya ay kung masaya ka ba diyan. ‘Wag mong kalimutan ang mga paalala ko sa‘yo ah! Makakalimutin ka kasi eh. Minsan nga naiisip ko baka pati ako ay nakalimutan mo na. Biro lamang, alam ko namang pinahahalagahan mo pa rin ako.

Nais ko ring magpasalamat dahil hindi mo ako iniwan noong mga panahong walang-wala ako. Salamat sa pag-aaruga mo sa akin. Salamat sa mga payo mo tungkol sa buhay. Salamat sa laging pagpapaalala sa akin na ako ay sapat. Maraming salamat sa lahat. Napakabait mong tao, mapagbigay at maalaga. Madalas kong hinahanap ang pakiramdam sa iyong piling. Ilang taon na rin kasi ang nakalipas noong huli kitang nakita, nakausap, at nahagkan. Subalit, kahit ilang taon na ‘yon, ramdam ko pa rin ang ‘yong mga yakap. Hinding-hindi ko makakalimutan ang iyong boses, lalo na ang iyong mga tawa tuwing ako ay nagbibiro.

Alam mo, lagi akong tumitingin sa langit. Tumitingin ako sa mga ulap habang nagbabakasakaling ikaw ay masilayan. Hindi ko pa rin mawari kung bakit kinailangan mong lumisan. Nang mawala ka sa‘kin, gumuho ang aking mundo. Nawala ang pinakamamahal ko. Lumipas ang panahon at natutunan ko na ring tanggapin ang iyong pagkawala. Hindi dahil gusto ko, kundi dahil kailangan ko. Para sa akin.

Naalala ko pa dati ang pangako mo, “Ikaw at ako, laban sa mundo. Tayo hanggang dulo.” Kasama kita sa pagplano at pagbuo ng mga pangarap ko at pangarap natin. Kasabay kita sa paglipad patungo sa ating inaasam na destinasyon. Sabay nating hinarap ang mga kalamidad ngunit nang ikaw ay mawala, para akong eroplanong naiwan sa himpapawid. Nawalan ako ng direksyon. Nawalan ako ng lakas upang makalipad patungo sa ating destinasyon. Ngunit gaya ng sabi mo, “Hindi tumitigil ang pag-ikot ng mundo.” Hindi ako maaaring manatili sa himpapawid, kailangan kong makarating sa destinasyong dati nating inaasam.

Sa kasalukuyan, ako ay namumuhay nang walang pinagsisisihan. Patuloy akong nagsisikap at nagtatrabaho upang makamit ang aking mga pangarap. Nakakatakot mang isipin kung ano ang inihanda ng hinaharap para sa akin, sasalubungin ko pa rin ito nang may ngiti.

Hindi ako mawawalan ng pag-asa dahil alam kong magkikita pa tayo. Sa tamang oras at panahon, muli tayong makalilipad patungo sa ating destinasyon. Patuloy mo lang akong gabayan at bantayan mula sa iyong kinaroroonan.

Tandaan mo na ikaw pa rin ang aking pipiliin sa susunod na habang buhay.

Hanggang sa muli,

Luna

Literary: Tapping to the Rhythm of Tomorrow




Content Warning: themes of depression and anxiety

My mind is blank as I balance my phone on my ninth-grade science books. We have three for some reason, which is a living nightmare for someone who is utterly clueless when it comes to scientific theories and processes. In short, me.

Like, make it make sense. The guidance counselors asked us what we wanted to be when we grew up in, like, seventh grade. I said I wanted to be in Music Production and Composition and I still do. So dammit, why do I have to go through three separate quarters of Biology, Chemistry, and Physics?

Never mind—my mind is never blank.

Once I’m sure my phone won’t fall from its perch, I open the camera app. I stare at my reflection and wince at my eyebags. I've been getting better at maintaining a healthy sleeping schedule, but school has been beating me into a pulp lately. As much as I want to sleep regularly, I can't really find it within myself to take my sleeping pills when I have a paper due the next day.

I squint at my phone even more—and oh God, why are my eyes still red? I thought I already washed my face a while ago.

I take a deep breath. There is no point in stalling. I need to make that PowerPoint presentation later today. Not now, though. We procrastinate by doing our assignments from our therapist and taking care of our mental health in this household.

That is an absolute lie, by the way, but I digress.

I press record. It takes me a few seconds to remember why.

“Before you ask, yes, I spent like twenty seconds staring into the camera without speaking whatsoever. I swear I’m getting better, though. If this had happened before I started talking to our therapist, that would’ve been a good minute and a half and you know that.” My words stumble out like those university students exiting the LRT. Same volume and everything. Oh God, I hate my voice so much.

“I mean, you would know 'cause you’re me... Well, me from the future, I guess.” I start to tap on the desk in front of me. Four fingers. Three Fingers. Four fingers. Three fingers. One, usually the index finger. Repeat.

It became a habit of mine whenever I was stuck in tense situations—and I guess that includes talking to myself. The beat calms me, somewhat. It gives my hands something to do besides shaking or laying awkwardly on the side.

Call it the leitmotif of my anxiety, except I haven’t really figured out the whole theme yet.

“Speaking of our therapist, that's kind of why I'm talking to you. Y'know, with the whole depression thing, Miss Cara thought it would be good if I made a video for my future self. Something about talking through my issues and setting achievable goals or some… stuff.”

I stare at the camera again. I don’t really know how to start. Hell, I don’t even know what to say.

I want to chalk it up to my antidepressants—how I always come up blank when it comes to important things like this. But, I can daydream just fine. I can dissect the scores of Pixar movies just fine. Why can’t I talk to myself just fine?

It’s like I’m fighting with myself. My brain refuses to function when it comes to situations that matter. But when it comes to intrusive thoughts at three in the morning, everything is just dandy.

“I’ve been having a hard time, bossman. Since therapy, I feel like I’ve just been more aware of what’s wrong with me. And I know everyone says there's nothing wrong with me. And they say that I’ve only been trying my best. And I have! But, I feel like my best is not enough, and I’m just making excuses for myself… What if I’m just lazy? What if I'm really just dumb and slow? What if Ma and Pa are disappointed in me? God knows our older sister is. I pity her sometimes, y’know? Because sometimes I agree with her. I mean, all my classmates are doing fine, yet here I am missing out on school because I started bawling my eyes out over brushing my teeth." Four fingers. Three Fingers. Four fingers. Three fingers. One. Repeat.

“I just couldn’t help it. I really couldn’t. Everything was so loud, and I was all alone because Ma and Pa wanted to visit Tanya. And everyone was staring at me in school the other day. And it felt like their eyes followed me all the way home. And… and it was just too much.” I try to blink away the tears threatening to make their special appearance in the video. As much as I appreciate the company, I already cried enough this morning.

It really isn’t fair. Sometimes, I really do think that I'm on the right track—during moments where I felt motivated because I didn't feel guilty laughing over a joke, or because I was able to initiate a conversation with a staff member at a restaurant. But there come times like today where everything comes crashing down and I don't freaking know how to start picking up the pieces again. I try so damn hard, yet I still get all pissy about people staring at me. Like, yeah, I get it! I was the kid who got a panic attack in Science class a few months back. Can we move on?

I look towards the ceiling since blinking the tears away did nothing. As my gaze shifts, I see a sticky note stuck to a notebook on the corner of my desk. It’s one of those silly motivational quotes. I reach for it.

“Whenever you find yourself doubting how far you can go, just remember how far you have come.”

It’s cheesy, but Miss Cara said that the quotes would help when things get overwhelming. Besides, it doesn't hurt to try, especially when you need it.

I remember my friends helping me find quotes while I wrote some on my own when Miss Cara first gave the assignment. Pretty sure one of them said, “What’s there to worry about when you have a huge dump truck?” Never asked why, never will.

I placed them all over my room so I could spot them easily. I also have a folder on my laptop full of recordings of my parents and friends talking about how they’re proud of me. And if I have a separate folder of just me talking about my progress during each week, only I would know.

“I know I shouldn't agree with Tanya. Because, besides Tanya being absolutely horrid, if I was truly doing this for attention, I wouldn't be talking to you, would I? The reason why I'm talking to you in the first place is that I want to do everything I can to feel content with myself again. There have been times where my doubts come in and pull me downward. So many times.” My voice comes out wobbly as I try to compose myself, but it just hurts my throat and I feel like I'm about to vomit. I give up on stopping myself from full-on sobbing and let my head drop.

My eyes land on the sticky note that's now in my hand. I feel my lips tug upwards a bit as I remember those lunch breaks filled with my friends' friendly arguments and light banter. They kept trying to read the quotes aloud to see if they sounded "inspirational." Long story short, the majority of my friends should not be motivational speakers, or else they will resort to complimenting the size of your toes. But at least their voices served as background noise while I wrote a more personalized set of sticky notes. I'm pretty sure I even doodled on some of them because my friends were taking too long debating on the spelling of "believe."

They are idiots. I love them.

“But I try, y’know?” I wave the sticky note in front of the camera and try my best to smile—the best a shaking, snotty mess could muster. “So I need you to try as well, because goddammit, I don’t want all these things I did and cherished to go to waste. Because I can sit at family dinners now—well, except when Tanya is there. Tanya can go to the underworld and stay there for all I care. But Tanya going to hell doesn’t matter right now—what matters is I can sit at family dinners now! And last night I finished my entire bowl and it felt so good. Ma and Pa were smiling at me like I won a goddamn medal. It felt like I was 10 again. It felt like I owned my body again…” A laugh escapes my throat, and I start smiling while my tears continue pouring out like our leaky faucet downstairs. I think this is what they mean by saying that crying is good.

It's like I could scream for hours without losing my voice. It's like I could run a whole marathon at three in the morning with those “protagonist” playlists from YouTube blaring down my eardrums. Well, not at full volume. My ears are sensitive, but goddammit, somebody play Ricky Montgomery!

Despite feeling like there’s a whole damn train car lodged in my throat, my voice comes out steadier than I expected—probably because this is the only time I’ve been sure of what I’m going to say in weeks. “I trust you. Surprising, I know. But I need to trust you if we want to keep this up… I want to trust you, so don't fail me, okay? Well, I’ll understand if you experience some hurdles here and there. But don't give up, got it? I'll be doing my part so you have an easier time. But the future is all up to you, bossman. Have fun with it. If we don't become world-renowned composers at the age of twenty-one, I'm calling BS!” Four fingers. Two Fingers. Three fingers. Two fingers. One. Repeat.

The room falls into a comfortable silence as my fingers tap to the new rhythm. I use my other hand to affix the sticky note back on my notebook. I should probably also get tissue.

I glance at the camera and snort. Yeah, I should get some tissue. My face looks like it’s covered in tape because of the dried tears. I would say that I'm glowing with the shininess of my face and everything. But I look redder than anything. It's a miracle, though, that my snot stayed in my nose. Maybe God is real, after all.

“We’ll get through this together. Y’know, because you’re me! I'll definitely do this again. Maybe in a year or so." I say as I wipe my face dry. I squint at my phone, and yup, definitely red. Still, I can’t help but smile. I feel too damn good to even be embarrassed.

“I guess until then, see you soon, Emily. Or should I say ‘Good luck, Emily’?” I crouch down in front of the phone so I can be seen in the shot. I debate whether I should do the “Disney Channel Wand ID” thing, but I opt for a two-finger salute instead.

Before turning the recording off, I do one more of my taps. One finger. Four fingers. Three fingers.

“I love you. Take care, okay?”