Literary: Ang Inang Bayan Ko
Pag-ibig mo ang pumupuno sa aking puso at ang dumadaloy sa aking dugo.
Inang bayan, ikaw ang pinakamamahal, wag mong kalilimutan.
Lahat ay kayang gawin para sa’yo,
Ipaglalaban sa kahit na sino,
Poprotektahan hanggang dulo.
Iniingatang yaman ng bawat Pilipino ang iyong aruga.
Nasaan man sa mundo, di malilimutan dahil sa akin ikaw ang bumubuo.
Ang pagkakakilanlan ay nakaukit sa aking isipan,
Sa puso ng bawat Pilipino ay nakatatak ang nag-iisang Inang Bayan na kailan man ay di ito pakakawalan.
Literary: Ang Bantay ng Dagat
Parang umalingawngaw na kulog,
Na gumigising sa natutulog,
Ang tawag ng ating mga mangingisda,
Sino ang magtatanggol sa ating dagat na payapa?
Responsibilidad na mabigat,
Protektahan ang ating dagat!
Nandito na ang mga manloloob!
Pagtataboy, sino'ng maglalakas-loob?
Mahal na Inang Bayan, ‘wag kang kabahan,
Bantay ng Dagat, iyong maaasahan!
Naghahanda na ang Bantay ng Dagat,
Handang magbigay at tumanggap ng sugat.
Poprotektahan ang dagat, maging ang singil,
Pag-agos ng dugong walang tigil.
Dugo ng bayaning ‘di nababawasan,
Parang tubig ng dagat, walang katapusan!
Tuwing lilingon sa langit at mga alapaap,
Mga bayani ng nakaraan, muling sinusulyap.
Bantay ng Dagat, gaya ng bayani ng nakaraan,
Ang mga manlulupig ay handang harangan
Mahal na Inang Bayan, ‘wag kang kabahan,
Bantay ng Dagat, iyong maaasahan!
Naghahanda na ang Bantay ng Dagat,
Handang magbigay at tumanggap ng sugat.
Literary: Panunumpa Ko
“Ako ay Pilipino”
Ipinanganak at pinalaki sa Pilipinas, at kahit ako’y mapunta sa ibang bansa
o kahit saan man ako mapunta, ito’y nasa aking isip at puso.
“Buong katapatang nanunumpa sa watawat ng Pilipinas,
at sa bansang kaniyang sinasagisag”
Madalas nating sabihin, pero kadalasa’y hindi natin naisasabuhay at naisasapuso,
Maging ang ating pinuno mismo ay dayuhang bansa ang ipinaglalaban
Dayuhang bansa kung saan siya’y tapat, dayuhang bansa na sa atin ay maaring bumihag
“Na may dangal, katarungan at kalayaan”
Tatlong bagay na sa panahon ngayon ay naipagkakait at unti-unting nawawala
Nawa’y tayo ay kumilos, manindigan at patuloy na lumaban
“Na ipinapakilos ng sambayanang Maka-Diyos…”
Magkakaiba man ang ating paniniwala
Huwag mawalan ng pag-asa, tayo’y magkaisa at tanggalin ang mga gapos
“Makakalikasan, Makatao at Makabansa ”
Tatlong bagay na hindi na rin nabibigyang halaga sa kasalukuyan,
ating patuloy na isabuhay at ipaglaban
At higit sa lahat, huwag natin hayaan na tuluyang mawala
Literary: Isang Araw
Isang araw
Napakaganda mo, Pilipinas
Napaliligiran ka ng mga kabundukan,
Punong nagsisitaasan,
Malilinaw na tubig-dagat
Isang araw
Napakayaman mong bansa
Pero puno ng magnanakaw ng iyong kagandahan
Puno ng mga sakim at makasariling nilalang
Puno ng mga taong pumapatay sa kalikasan
Palihim na ginagawa’t nagtatago sila sa iyong ganda
Isang araw
Paunti-unting nawala ang iyong kariktan.
Nauubos na ang mga kabundukan,
mga puno’y putol na.
Malinaw na dagat, napuno ng basura
Isang araw
Mga mangingisda mo’y ‘di na makapaglayag sa sariing dagat
Sa halip, mga banyagang barko
na pilit kang inaagaw sa mga Pilipino.
Itinatago’t pinagtatakpan pa sila ng gobyerno
Baka isang araw
Hindi ka na para sa mga Pilipino
Subscribe to:
Posts (Atom)
Welcome
Welcome to Ang Aninag Online!
This is the official blogsite of the UPIS Media Center. Check in every now and then to be updated with the latest UPIS news.
Look into the literary compositions and go through the creative works of various students.
Enjoy and don't forget to leave a comment.
This is the official blogsite of the UPIS Media Center. Check in every now and then to be updated with the latest UPIS news.
Look into the literary compositions and go through the creative works of various students.
Enjoy and don't forget to leave a comment.







