Literary (Submission): Alaala


Alaala, isang salitang makahulugan
Para sa ating pagkakaibigan
Alaala, mga panahong masarap balikan
Mga sandaling di malilimutan


Sa bawat pagkakataong nagkasama,
Lahat ng sandali'y naging mahalaga
Araw-araw tayo'y magkasama
Nagkukulitan saan man mapunta.


Dala mo ang gamit ko sa umaga
Palusot mo pa'y nagwoworkout ka!
Dala mo na yata ang iyong buong bahay
Kaya't di ko matiis na alalayan ka.


Ipagtatanggol mo ako sa mga kalaban,
At kahit mahirap, handa kang masaktan.
Ika'y iingatan sa abot ng makakaya,
Di baleng masaktan, basta't ika'y maprotektahan.


At alam kong napapagod ka rin
Pero lahat yata'y handa mong tiisin
Anumang hirap ay kakayanin,
Walang bagay na hindi kayang gawin.


Masuwerte akong kaibigan kita,
Gayong minsa'y di matiyak itong nadarama.
Lagi kang laman ng isip ko,
Kapag lumalapit ka’y bumibilis, tibok ng puso ko.


Nakuha pa tuloy ng ibang tuksuhin tayo
Sabi kasi nila gusto mo raw ako.
Panunukso nila'y tila nagkakatotoo
Ngunit tanggap kong hanggang magkaibigan lang tayo.


At hindi ito pwedeng paniwalaan,
Pagkat malayong-malayo sa katotohanan.
Ngunit kahit anong gawin ko ay di mapigilan,
Maging ang isip at puso'y naguguluhan.


At kung tunay nga, anong gagawin?
Tatahimik? Paghihintayin?
Pagkakatao'y papalagpasin na lang ba?
Ni hindi man lang susubuking masabi ang tunay na nadarama...


Kahit madalas magulo dahil parang totoo,
Sa mga alaala ko'y walang papalit sa'yo.
Basta't lagi mong tatandaan na nandito lang ako,
Na nakaabang lagi kung kailangan mo.


Mga alaalang tunay na kay sarap balik-balikan
Patunay ng ating pagkakaibigan,
Tuluyan nga lamang bang malilimutan?
At itatago magpakailanman?

Literary (Submission): Sabi Mo, Sabi Ko



Nang maupo ako sa likod mo, munti man ang
aking isipan, walang nagsabi pero minahal
kita. Sa payak na bati unang narinig ng puso
ang iyong pangalan, alam ko na.

Marami mang tao sa silid na iyon, sa aking
paglingon, ikaw ang naroon. Noon pa lamang
alam nadama ko, ikaw ang unang nagpatibok
ng puso ko.

Mula noon, nagdesisyon akong mahalin ka.
Nariyang sinundan kita ng tingin, umiiwas
naman ako kung magtatama ang ating mga
mata.  At ang aking ngiti’y ikukubli na lamang
sa sarili. Hindi destiny o fate ang maglalapit sa
atin, iyo'y ang ating pasya.

Sa tuwing nagkakasalubong
o nagkakasabay sa daan sa pagpasok man o
pag-uwi, alam kong itinakda iyon ng
pagkakataon. Kahit di ako lumapit, sa
pakiramdam ko, tadhana ang naglalapit sa
atin.

Ngunit pinili kong maghintay ngayong hindi pa
pwede. Hindi ba't sarili kong kapasyahan
naglagay sa akin dito, kuntentong nag-aabang
sa panahong sumagot ka ng oo?

May tamang panahon na inilaan para sa atin.
Ngunit hindi pa ngayon. Kailan? Tadhana ang
may alam. Ako rin ay nahihirapang maghintay
sa ating magiging kapalaran.

May kakayahang tayong magbago, di man ang
nakaraan kundi ang sarili at kapalaran. Wala
ba tayong kayang gawin? Hihintayin na lang
ba ang nakatakda sa atin?

Maaaring iyon nga ang nagdala sa atin sa isa't
isa. Pero sa patuloy na paghihintay natin,
maiiwan tayo ng panahon na walang napala.
Siguro nga'y tama ka.

Natatakot rin naman ako dahil baka lalo pang
lumala ang sitwasyon at tayo'y malayo sa isa't
isa. Minsan, sundin ang kagustuha’y di laging
maganda at Masaya ang resulta. Siguro nga'y
tama ka.
Tadhana man ang naglagay o desisyon ang
nagdala, masaya tayo sa isa't isa.
Ano man ang ating gawin, saan man pumunta,
babalik pa rin tayo sa silid kung saan lahat ay
nagsimula.

At sa akin, hihintayin ko ang pagkakataong
iyon.  Igagalang ko ang nais mo.  Subalit hindi
ko na hahayaang tadhana ang magpasimula. 
Kikilos ako pagkat nalalaman kong ikaw at
ako’y matagal nang itinakda ng tadhana para

sa isa’t isa.

Literary (Submission): Sillage



Whenever I smell
That vanilla-coated scent
I know it well,
That “here” is where you went

The scent always lingers around
As I stay in your atmosphere
Beside you is where I thought I’m bound
Because everything I need is here

But then the scent started to fade
As we both changed our pace
You ran, smiled, then waved
And I started to chase

But I couldn’t even grasp your scent
I started being the man behind.
To the man in front is where you went
I pushed you ‘til you’re by his side.

Whenever I smell
That vanilla-coated scent
I remember it well,
That “here” is where you left

Literary (Submission): Pagtanggap



Hindi ko alam kung paano ko sasabihin
Pero ang alam ko lang, ako’y nasaktan.
Di ko alintana ang mga sasabihin nila,
Ang alam ko lang ay talagang mahal kita.

Sabihin man nilang torpe ako,
Pero ang totoo ay takot lamang ako.
Takot na ako’y baka masaktang muli,
Dahil sa tingin ko ang pag-ibig na ito’y sadyang mali.

Pero hindi ko talaga mapigilan ang nararamdaman,
Para bang kahit ayoko na’y ang puso ko’y pinigilan.
Patuloy na tumitibok para sa’yo,
Minsan ipinagdarasal ko na sa magustuhan mo rin ako.

Pero ang pag-ibig na ito’y hindi ko na siguro ipaglalaban,
Dahil s tingin ko, wala namang patutunguhan.
Kaya wala na sa akin kung ako’y di mo maibigan,
Mahalin mo man ako o hindi, ako’y magiging mabuting kaibigan.

Literary (Submission): Muli



Mali bang ika’y mithiin?
Mali bang sayo’y magpaalipin?
Mali bang ako’y umasa,
Na ako’y iyong diringgin?

Mali bang suyuin ka?
Mali bang pilitin ka?
Malibang patunayan ko sa’yo,
Na ito’y totoo na?

Mali bang gustuhin ka?
Mali bang muli kong ipilit?
Mali bang isipin,
Na ito’y kaya pang muling buhayin?

Mali bang umibig?
Mali bang sumugal?
Mali bang ipagpatuloy ang nararamdaman,
Kung ito’y para sa’yo naman?