Rampang Pinoy muling inilunsad
Joakim Cadapan at Jomil GutierrezIdinaos ang Rampang Pinoy sa Multi-Purpose Hall noong Huwebes, Setyembre 1. Nilahukan ito ng mga lakan at lakambini ng bawat seksyon sa bawat grado.
Samu’t saring kasuotan ang ipinakita ng mga kinatawan ng bawat seksyon na sumasalamin sa temang Wika at Kasaysayang Pilipino, Landas sa Pagsulong ng Karapatang Pantao.
Ang mga nagwagi sa nabanggit na paligasahan ay sina Jessica Cañeta at Jean Paul Mabaquiao ng 7-Jupiter, Faye de Castro at Sano Amante ng 8-Firefly, Rya Celine Ducusin at Benjomer Hernandez ng 9-Gold, at Cara Mae Bilangel at Ramon Timothy Banta ng 10-Lauan.
![]() |
| Ang mga nagwagi sa Rampang Pinoy. L-R: Jepoy at Jessica (Grado 7), Sano at Faye (Grado 8), Benjo at Rya (Grado 9), Monty at Cara (Grado 10) |
Sa taong ito, ang mga tema na dapat irampa ay ang mga sumusunod: Panahon ng Kastila (Grado 7), Panahon ng Propaganda at Himagsikan (Grado 8), Panahon ng Amerikano at Hapones (Grado 9), 1946 hanggang kasalukuyan (Grado 10).
![]() |
| Ang mga kalahok sa Rampang Pinoy mula sa Grado 7-10. |




