Literary (Submission) : Sayang



Matagal ko ng hinintay ang araw na iyon
Maraming iniisip, ganiyan at ganoon
Ngayong gusot na ang hinandang damit
Ako’y handa na sa desisyon di na magpapalit

Nang magsimula ang gabi ng sayawan
Ikaw lang ang laman ng aking isipan
Sinabi na sa sariling masasayaw kita
“Oo, kaya ko ‘to, puso lang.”

Iginala ang aking mata at ikaw lamang ang nais makita
Hinanap, ikaw na aking isang pangarap
At sa isang tabi, nakaupo, doon ika’y nakita
Ako’y natulala, hindi agad nakakilos

Nang ika’y mapag-isa, ako’y tumayo
Lumakad nang mahinahon patungo sa’yo
Ngunit hindi mo makita na ako’y nanginginig
Hindi mawari kung sa takot o sa kilig.

Napaisip sa sarili, “Dapat ko bang ituloy ito?”
Ayan na, ayan na, palapit na ako.
Hindi ko na kinaya dahil nadumog at nahiya
Ngayo’y nagsisisi, sayang talaga.


Literary (Submission): Chasing You




What might you be?
A dream? An idea? An object?
Or perhaps another soul wandering
In this ever-turning world
Abstract? Alive?

Whatever form you may assume,
You will always be the face of
My desires and hopes.

I know one thing for certain;
I can’t find you here
Not in this time and place

In this decade when? Where?
People want things done instantly;
Where life is too fast paced, leaving no room to breathe
A time where all I see are screens;
Screens which rob my time and limit my view

Maybe, just maybe you were always
There, but impossible to reach.

My wish is to turn time back a bit.
When Saturday morning TV still mattered to kids.
When radios and CDs held all of the music
When computers were fat and awfully slow
A time when it was easier to imagine
And harder to develop photographs.

Could I have found “you” there?
Would you have sent me a sweet gracious smile, or sewn me a message
Of little black pixels?

How did such thoughts seep into my brain causing my unrest?

Nostalgia? Love?

Not a glass of warm, bubbly milk or
The starless purple sky can cure me of my longing

If I can’t travel to yesterday, if I can’t find you today…
There is always tomorrow, there you might be.


Literary (Submission): Lamat

Lumipas na ang napakahabang panahon magmula nang mangyari ang lahat
Naghilom na ang malaking sugat na yumakap sa pagkatao ko nang pagkatagal-tagal
Ngunit ang naiwang marka sa aking katawan ay buong-buo pa ring natatanaw
Ang bakas ng kahapon ‘di kailanma’y papanaw.

Maaari ngang nasa ibang landas na akong muli
Tulad noong bago ko pa harapin ang mga pangyayari
Bago ko pa masilayan ang sari-saring mga pagkakamali
Dahilan para ang mga mata ko’y mapapikit buhat ng pagkamuhi

Ngunit, paminsa’y ang sugat na naglihom ay nanariwang muli
Sa tuwing pagkabigo ang ibinungad ng mga mas nakakataas
Nakapagtataka kung bakit sariwang dugo pa rin ang dumadaloy sa hilom na dapat na sugat
Sa mga alaala ng nakaraang matagal nang nagwakas

Ang pagtitiis ay iba sa nakasanayan
Ang pagtanggap ay iba sa nakalimot
Ang sakit gawa ng sugat ay hindi na kalianman maiiwasan
Idagdag pa ang aming mithiing hindi naipapaabot

Hindi hiniling ng kung sinuman ang karahasan
Na nagbubunga ng tinalang gasgas sa nagtataas-taasan
Hindi na ako magtataka kung ang mga ito’y patuloy paring mararanasan
Gawa rin ng bagsak na ang aking lipunang kinabibilangan


Literary: Takot at Lakas ng Loob


Marami ang nagtatanong sa akin kung ano ba talaga ‘tayo’?
Hindi ako makasagot dahil hindi ko rin talaga alam.
Hindi ko alam kung magkaibigan ba tayo.
Hindi ko nga alam kung gusto mo ako.
Pero, parang sa loob ng aking isip at puso ay ayoko ring malaman.
Natatakot ako na baka “Hindi” naman pala. Natatakot ako na baka “Oo”.

Marahil ay hindi ka sigurado sa iyong nararamdaman.
Marahil ay hindi mo maintindihan.
Ngunit sa aking isipin, ikaw ang tanging nananahan.
Ang puso ko’y ikaw ang tanging laman.
Hindi lamang bilang isang simpleng kaibigan, ngunit bilang isang kaibigan.

Ang hirap paniwalaan ng iyong mga sinasabi.
Hindi naman dahil sa wala akong tiwala sa’yo, pero talagang natatakot lamang ako na baka hindi totoo.
Natatakot ako na muling masaktan.
Natatakot lang ako na muling maiwan.

Kung sasabihin kong “Hindi ako ang tipikal na lalaki na papaasahin ka lang,” 
ay magmumuka akong “tipikal na lalaki”.
Hindi ko alam kung paano kita makukumbinsi ngunit ang tanging alam ko lang ay ang aking nararamdaman para sa’yo ay tunay at hindi gawa-gawa lang.

Huwag mo sanang isipin na walang saysay ang lahat ng ginagawa at paghihirap mo.
Bigyan mo lang ako ng kaunting panahon upang tuluyang makasiguro.
Sana lang h’wag kang sumuko at magbago.
Sa ngayon kasi, ikaw ang dahilan nitong mga pagngiti ko.

Hindi ako magbabago.
Patuloy akong magiging dahilan ng iyong mga ngiti.
Hindi ako susuko.
Handa akong maghintay ng ilang linggo, buwan, kahit taon.

Maghihintay ako dahil alam kong ang hinihintay ko ay,
ikaw.

Literary: Teleserye



Ang hirap pala ng walang lablayp
Umaasa na lang ako sa kilig kwento ng iba
Tipong sa group of friends mo, ikaw na lang ‘yung walang ka-holding hands
Kung may sweldo lang ang pagiging third wheel, saksakan na siguro ako ng yaman

Nagpa-bangs na ‘ko parang si Mikay,
Nagbakasakaling may Gino na mainlab
Humaba na ang buhok, wala pa ring kasintahan
Ganito ba ang pakiramdam ng desperadong magmahal

Kailangan ko rin bang matamaan ng ligaw na bala?
At magkaroon ng yayang aking kasing edad?
Parang Chichay at Joaquin na nagbanggaan sa perya
Baka pag may nakabangga, ako pa ang masama?

Basta’t kulot, salot, haka ng iba.
Pero naunahan pa ko ni Agnes na nagtatanim sa La Presa
Sumagi na rin isip na magpakulot at mamundok
Pati na rin ang manira ng relasyon at manulot.

Alam kong mali ang ganitong pag-iisip,
Desperada Queen na, sige na, oo na.
Gusto ko lang naman ng taong matatawag kong “labs”,
At masusubaybayan na ng iba ang aming istorya