feature,

Feature: The MC Starter Pack

8/28/2017 08:31:00 PM Media Center 0 Comments




Isang bagong taon na naman para sa Ang Aninag Online! Marami na ang pinagdaanan, pinagdadaanan at pagdadaananan pa ng bawat isa, pero kaakibat naman nito ang pagkatuto at saya na aming nakukuha mula sa trabaho. Paano nga ba nananatiling buhay na buhay ang MC2018 kahit pa ito na ang pangatlong taon namin bilang MC? Heto ang anim na bagay na kailangan mo para mag-survive sa MC!

1. KAPAL NG MUKHA


http://diysolarpanelsv.com/smiley-face-clipart-png.html

Dahil madalas kahit mukha kang isang linggo nang gising, kailangan mong harapin ang nakakatakot mong source para ka makapag-interview. Wala kang choice, dahil hindi uusad ang article mo-- news, features, sports, o opinion man yan-- nang wala kang credible o witty na source. Minsan nga, kailangan mo pang aura-han yung ka-school mong papi o mami para makahingi ng sagot nila sa ask.MC poll question niyo. Pero hindi ka naman yata lugi sa mga panahong 'yon. ~ News Team


2. TRIPLE SHOT EXTRA EXTRA BLACK COFFEE

https://www.polyvore.com/cgi/thing?id=100140597


Aaminin naming ‘di namin kakayanin ang buhay MC kung wala ang aming matalik na kaibigan na si kape. Kung sa simula ay hindi mo hilig ang lasa niya, matututunan at matututunan mo rin siyang mahalin. Asahan mong darating ang mga araw na kailangan mong mag "all-nighter" at wala kang kapiling kundi ang minamahal mong inumin. Siya yung kaibigang laging nandiyan para sa’yo. Natulugan ka na ng iba, pero siya bubulong-bulong pa ng "Onti na lang, keri mo yan! Para sa MC!" Maaaring naghihikahos ka na sa kalagitnaan ng trabaho mo at nagdarasal ka na matapos mo na lahat ito, ngunit walang tatalo sa saya at satisfaction na makita ang iyong sinulat na naka-publish sa Ang Aninag Online. ~ Feature Fam


3. EXTENSION CORD

https://meijielectric.ph/top-3-extension-cord/

Ang lahat sa mundo ay limitado, lalo na't tumataas ang demand, at bumababa ang supply. Isa itong katotohanan para sa mga manunulat ng MC-- mga manunulat na sinusubukang (at minsan hindi nagagawang) magpasa sa deadline at maghatid ng mga artikulo na isang talata na lang bago maging isang masterpiece. Ngunit sa kasawiang palad, ang laptop mo'y nasa bingit na ng kamatayan at ang iilang saksakan na maaaring gamitin ay ginagamit na o hindi abot sa iyong lugar. Dahil dito, sa MC may mga hulog ng langit na nagdadala at nagpapahiram ng extension cord upang ang mga bayaning nagsusulat ng mga artikulo at lits para sa UPIS ay mahatid ito sa oras at sa pinakamagandang kalidad. Shout out sa mga section na halos sa kisame na yung pinagsasaksakan. ~ Opinion League


4. PHOTOSHOP

http://thinkbiglearnsmart.com/adobe-photoshop-advanced-training-classes/


Photoshop ang best friend ng mga artist sa MC. Lahat ng teasers, banners, editorial cartoons, at layout dito ginagawa. Minsan kahit na isang buong araw ka na sa harap ng laptop mo, kailangan mo pa ring mag-edit kahit on-the-go. Kung kailangan na mag-stay ka sa school hanggang 6pm, o mag-edit sa sasakyan habang biyahe, para lang makagawa ng mga gif, dapat kayanin mo-- pati rin ng photoshop mo. Ipagdasal mo lang palagi na hindi magloloko ang photoshop o laptop mo kapag papalapit na ang pub dahil siguradong kahit crunch time na, may trabaho ka pa. ~ Artsies


5. UTAK-PUSO

http://x--x.us/?p=3758


Hindi maipagkakait na sa likod ng magagandang mga lits, articles, at hashtag ay mahabang oras ang ginugugol ng mga writers sa pagiisip nito. UTAK, kailangan yan para sa mga witty na mga pakulo at pasabog. Hindi pwedeng emotions lang, isip-isip din ang kailangan kasi sayang naman kung hindi magagamit. PUSO, kailangan yan para sa masasakit na hugot at mga nakakatawang kalokohan. Hindi pwedeng puro malawak na pagiisip lang kailangan rin ng dibdibang paggawa. ~ Sports Squad


6. ORAS

http://www.cpcstrategy.com/blog/wp-content/uploads/2011/06/


Sa lahat ng kakailanganin mo para maka-survive sa MC, oras talaga ang pinakaimportante. Dahil kung sa ibang tao ay sapat na ang 24 hours a day, sa'yo, siguradong kulang na kulang ito. Tatawad ka pa kay Lord para maging 36 hours ang isang araw para makapag-isip ng isusulat, magsulat, magpa-check at magsulat ulit dahil may ipapa-revise, and the cycle goes on and on... Ngunit sa kabila nito, dito sa MC ay matututunan mong kahit gaano kahirap at kabigat ang isang trabaho, bibigyan at bibigyan mo pa rin ito ng oras dahil kagustuhan ito ng iyong puso. Hahanap at hahanap ka pa rin ng paraan para lamang magawa ang sangkatutak na trabahong naghihintay sa'yo. Dahil dito sa MC, naniniwala kaming everyday is MC day! ~ No Fam

// MC 2018

You Might Also Like

0 comments: