catweng,
Sa pitong taon namin sa Media Center (MC) at sa anim na taon sa Ang Aninag Online, marami na kaming nakasalamuha, nagawa, nasaksihan, at naranasan. Pero ito ang aming anim na pinaka-:
1. PINAKA-NAKAKAHINAYANG: Madungisan ang sana’y perfect publishing record.
Isa sa mga unang binibilin sa MC ang ihanda nang maayos ang pub materials. Kaya kung banner news ang mawawala, aba! Iiyakan mo talaga dahil kahit isa lang ang kulang, hindi kayo papayagang mag-pub. MC1 2015 sana ang unang staff na makakakuha ng perfect pub ever pero dahil sa nawalang Buwan ng Wika article, hindi na perfect ang record nila. Hanggang ngayon, misteryo pa rin kung bakit at paano nawala at kung saan o kanino napunta ang isinumpang article.
2. PINAKA-NAKAKALUNGKOT: Mag-away ang staff.
Sa isang work-heavy and high-pressure environment kagaya ng MC, normal namang magka-inisan o magkaroon ng hindi pagkakaintindihan. Hindi lang talaga namin malilimutan ang kaisa-isang (at sana’y una’t huli nang) pagkakataon na nagsagutan at nag-away ang staff sa harap namin. Dito namin na-realize na minsan talagang nakababawas ng bait ang trabaho sa MC.
3. PINAKA-NAKAKATAWA: Mag-MC class picture ng hindi kami kasama.
Sa totoo lang, pag naalala naman ito, hanggang ngayon sumasama pa rin ang loob namin tapos matatawa na lang kami. Minsan na namin itong binansagan na isa sa pitong kasalanang walang kapatawaran sa MC pero joke lang yun na half-meant, siyempre. Tinanggap na namin na of varying forms and degrees and kasabawan ng MC staff at isa lamang ito sa mga iyon.
4. PINAKA-ADIK: Matulugan, matakasan, o maiwanan ng EIC sa kasagsagan ng trabaho.
At one point or another, nagagawa naman ito ng bawat miyembro ng MC. Pero iba kasi ang kaguluhan pag ang EIC ang missing in action. Sa awa ni Great Lord Jaena, bihira naman itong mangyari. ‘Yun nga lang ang mga pinipili nilang panahon ng pagtulog, pagtakas, o pag-iwan ay ‘yung mga launch ng bagong projects o traditions or, worse, ang mga pinaka-busy na linggo sa publishing year.
5. PINAKAMASAYA: Magustuhan ng mga mambabasa ang posts.
Mahaba at metikuloso ang prosesong pinagdadaanan ng lahat ng post na lumalabas sa Ang Aninag Online. Responsibilidad namin sa inyo ang makapagbigay ng tama at makabuluhang impormasyon kaya seryoso kami sa trabaho. Lagi rin kaming nag-iisip ng mga bagong pakulo para hindi kami mawala sa uso.
Sobrang excited kami kapag may bago kaming maibibigay sa inyong mga masugid na tagasubaybay. Hindi rin namin kayang ilarawan kung gaano kami kasaya kapag nagugustuhan niyo ang mga naihanda namin. Sa isang simpleng like, retweet, o comment, bawing-bawi na lahat ng pagod namin. Natutuwa kaming mabasa ang inyong mga usapan at reaksyon sa mga balita at lits. Kaya hindi kami magsasawang magpasalamat sa inyo dahil kayo ang tunay na bumubuhay sa Ang Aninag Online.
6. PINAKA-FULFILLING: Maging pamilya ang turing sa isa’t isa.
Tuwing tatanungin kami kung bakit nasa MC pa rin kami kahit sobrang hirap at matrabaho, ito ang sagot namin. Iba ang saya at tibay ng samahang MC at ‘yan marahil ang pinaka-maipagmamalaki at pinaka-maipagpapasalamat namin bilang LCs. Mahal namin ang trabaho namin dahil sa mga nakakatrabaho namin.
At kahit pa gaano karaming stress ang maranasan namin, kahit pa ilang pub ang i-cram, ilang article ang ipaulit, ilang gabing mapuyat, ilang pagpapagalit ang mabigay at matanggap, at kahit ilang beses pa mawala sa sarili ang mga editor at writer namin, babalik at babalik kami sa pagiging pamilyang MC.
Feature: MC Pinaka

0 comments: