catweng,

Feature: MC Pinaka

8/28/2017 08:45:00 PM Media Center 0 Comments




Sa pitong taon namin sa Media Center (MC) at sa anim na taon sa Ang Aninag Online, marami na kaming nakasalamuha, nagawa, nasaksihan, at naranasan. Pero ito ang aming anim na pinaka-:

1. PINAKA-NAKAKAHINAYANG: Madungisan ang sana’y perfect publishing record.

Isa sa mga unang binibilin sa MC ang ihanda nang maayos ang pub materials. Kaya kung banner news ang mawawala, aba! Iiyakan mo talaga dahil kahit isa lang ang kulang, hindi kayo papayagang mag-pub. MC1 2015 sana ang unang staff na makakakuha ng perfect  pub ever pero dahil sa nawalang Buwan ng Wika article, hindi na perfect ang record nila. Hanggang ngayon, misteryo pa rin kung bakit at paano nawala at kung saan o kanino napunta ang isinumpang article.




2. PINAKA-NAKAKALUNGKOT: Mag-away ang staff.
Sa isang work-heavy and high-pressure environment kagaya ng MC, normal namang magka-inisan o magkaroon ng hindi pagkakaintindihan. Hindi lang talaga namin malilimutan ang kaisa-isang (at sana’y una’t huli nang) pagkakataon na nagsagutan at nag-away ang staff sa harap namin. Dito namin na-realize na minsan talagang nakababawas ng bait ang trabaho sa MC.


3. PINAKA-NAKAKATAWA: Mag-MC class picture ng hindi kami kasama.
Sa totoo lang, pag naalala naman ito, hanggang ngayon sumasama pa rin ang loob namin tapos matatawa na lang kami. Minsan na namin itong binansagan na isa sa pitong kasalanang walang kapatawaran sa MC pero joke lang yun na half-meant, siyempre. Tinanggap na namin na of varying forms and degrees and kasabawan ng MC staff at isa lamang ito sa mga iyon.



4. PINAKA-ADIK: Matulugan, matakasan, o maiwanan ng EIC sa kasagsagan ng trabaho.
At one point or another, nagagawa naman ito ng bawat miyembro ng MC. Pero iba kasi ang kaguluhan pag ang EIC ang missing in action. Sa awa ni Great Lord Jaena, bihira naman itong mangyari. ‘Yun nga lang ang mga pinipili nilang panahon ng pagtulog, pagtakas, o pag-iwan ay ‘yung mga launch ng bagong projects o traditions or, worse, ang mga pinaka-busy na linggo sa publishing year.

5. PINAKAMASAYA: Magustuhan ng mga mambabasa ang posts.
Mahaba at metikuloso ang prosesong pinagdadaanan ng lahat ng post na lumalabas sa Ang Aninag Online. Responsibilidad namin sa inyo ang makapagbigay ng tama at makabuluhang impormasyon kaya seryoso kami sa trabaho. Lagi rin kaming nag-iisip ng mga bagong pakulo para hindi kami mawala sa uso.

Sobrang excited kami kapag may bago kaming maibibigay sa inyong mga masugid na tagasubaybay. Hindi rin namin kayang ilarawan kung gaano kami kasaya kapag nagugustuhan niyo ang mga naihanda namin. Sa isang simpleng like, retweet, o comment, bawing-bawi na lahat ng pagod namin. Natutuwa kaming mabasa ang inyong mga usapan at reaksyon sa mga balita at lits. Kaya hindi kami magsasawang magpasalamat sa inyo dahil kayo ang tunay na bumubuhay sa Ang Aninag Online.

6. PINAKA-FULFILLING: Maging pamilya ang turing sa isa’t isa.
Tuwing tatanungin kami kung bakit nasa MC pa rin kami kahit sobrang hirap at matrabaho, ito ang sagot namin. Iba ang saya at tibay ng samahang MC at ‘yan marahil ang pinaka-maipagmamalaki at pinaka-maipagpapasalamat namin bilang LCs. Mahal namin ang trabaho namin dahil sa mga nakakatrabaho namin.

At kahit pa gaano karaming stress ang maranasan namin, kahit pa ilang pub ang i-cram, ilang article ang ipaulit, ilang gabing mapuyat, ilang pagpapagalit ang mabigay at matanggap, at kahit ilang beses pa mawala sa sarili ang mga editor at writer namin, babalik at babalik kami sa pagiging pamilyang MC.


0 comments:

english,

Feature: The MC Promise

8/28/2017 08:37:00 PM Media Center 0 Comments




“The future is bright.”

Some people don’t like looking into the future. Planning things too far can lead to expectations and, eventually, overthinking things until disappointment says ‘hi’ to you in the end.
But for us, this is not the case.

“You and MC.”
We are looking forward to make you, our audience, more involved in Media Center projects. We would like to host basic creative and journalistic writing workshops for those who are interested in writing not just for MC but for themselves, as well.

This will be open to both high school and elementary students since we want to encourage aspiring young writers to keep the writing fire burning.

“You with MC.”
We would also want to hear your voice, read about your vision, and see your creativity more often. Allow us to share your work and give it the appreciation it deserves!

Aside from the usual article submissions, freedom walls where you can easily share your opinions and post your artworks and compositions will be put up. This way, you will have an audience both online and offline.

“The best is yet to come.”

We hope that like us, you are looking forward to another amazing publishing year. As we work hand-in-hand with you, we aim to explore even more new material to add to the slowly growing variety of content on Ang Aninag Online.

But more than this, we are looking forward to strengthening our relationship with you, our readers, who have tirelessly supported Ang Aninag Online through the years, by doing our job the best way we know how. That is the Media Center promise.

// MC 2019

0 comments:

feature,

Feature: The MC Starter Pack

8/28/2017 08:31:00 PM Media Center 0 Comments




Isang bagong taon na naman para sa Ang Aninag Online! Marami na ang pinagdaanan, pinagdadaanan at pagdadaananan pa ng bawat isa, pero kaakibat naman nito ang pagkatuto at saya na aming nakukuha mula sa trabaho. Paano nga ba nananatiling buhay na buhay ang MC2018 kahit pa ito na ang pangatlong taon namin bilang MC? Heto ang anim na bagay na kailangan mo para mag-survive sa MC!

1. KAPAL NG MUKHA


http://diysolarpanelsv.com/smiley-face-clipart-png.html

Dahil madalas kahit mukha kang isang linggo nang gising, kailangan mong harapin ang nakakatakot mong source para ka makapag-interview. Wala kang choice, dahil hindi uusad ang article mo-- news, features, sports, o opinion man yan-- nang wala kang credible o witty na source. Minsan nga, kailangan mo pang aura-han yung ka-school mong papi o mami para makahingi ng sagot nila sa ask.MC poll question niyo. Pero hindi ka naman yata lugi sa mga panahong 'yon. ~ News Team


2. TRIPLE SHOT EXTRA EXTRA BLACK COFFEE

https://www.polyvore.com/cgi/thing?id=100140597


Aaminin naming ‘di namin kakayanin ang buhay MC kung wala ang aming matalik na kaibigan na si kape. Kung sa simula ay hindi mo hilig ang lasa niya, matututunan at matututunan mo rin siyang mahalin. Asahan mong darating ang mga araw na kailangan mong mag "all-nighter" at wala kang kapiling kundi ang minamahal mong inumin. Siya yung kaibigang laging nandiyan para sa’yo. Natulugan ka na ng iba, pero siya bubulong-bulong pa ng "Onti na lang, keri mo yan! Para sa MC!" Maaaring naghihikahos ka na sa kalagitnaan ng trabaho mo at nagdarasal ka na matapos mo na lahat ito, ngunit walang tatalo sa saya at satisfaction na makita ang iyong sinulat na naka-publish sa Ang Aninag Online. ~ Feature Fam


3. EXTENSION CORD

https://meijielectric.ph/top-3-extension-cord/

Ang lahat sa mundo ay limitado, lalo na't tumataas ang demand, at bumababa ang supply. Isa itong katotohanan para sa mga manunulat ng MC-- mga manunulat na sinusubukang (at minsan hindi nagagawang) magpasa sa deadline at maghatid ng mga artikulo na isang talata na lang bago maging isang masterpiece. Ngunit sa kasawiang palad, ang laptop mo'y nasa bingit na ng kamatayan at ang iilang saksakan na maaaring gamitin ay ginagamit na o hindi abot sa iyong lugar. Dahil dito, sa MC may mga hulog ng langit na nagdadala at nagpapahiram ng extension cord upang ang mga bayaning nagsusulat ng mga artikulo at lits para sa UPIS ay mahatid ito sa oras at sa pinakamagandang kalidad. Shout out sa mga section na halos sa kisame na yung pinagsasaksakan. ~ Opinion League


4. PHOTOSHOP

http://thinkbiglearnsmart.com/adobe-photoshop-advanced-training-classes/


Photoshop ang best friend ng mga artist sa MC. Lahat ng teasers, banners, editorial cartoons, at layout dito ginagawa. Minsan kahit na isang buong araw ka na sa harap ng laptop mo, kailangan mo pa ring mag-edit kahit on-the-go. Kung kailangan na mag-stay ka sa school hanggang 6pm, o mag-edit sa sasakyan habang biyahe, para lang makagawa ng mga gif, dapat kayanin mo-- pati rin ng photoshop mo. Ipagdasal mo lang palagi na hindi magloloko ang photoshop o laptop mo kapag papalapit na ang pub dahil siguradong kahit crunch time na, may trabaho ka pa. ~ Artsies


5. UTAK-PUSO

http://x--x.us/?p=3758


Hindi maipagkakait na sa likod ng magagandang mga lits, articles, at hashtag ay mahabang oras ang ginugugol ng mga writers sa pagiisip nito. UTAK, kailangan yan para sa mga witty na mga pakulo at pasabog. Hindi pwedeng emotions lang, isip-isip din ang kailangan kasi sayang naman kung hindi magagamit. PUSO, kailangan yan para sa masasakit na hugot at mga nakakatawang kalokohan. Hindi pwedeng puro malawak na pagiisip lang kailangan rin ng dibdibang paggawa. ~ Sports Squad


6. ORAS

http://www.cpcstrategy.com/blog/wp-content/uploads/2011/06/


Sa lahat ng kakailanganin mo para maka-survive sa MC, oras talaga ang pinakaimportante. Dahil kung sa ibang tao ay sapat na ang 24 hours a day, sa'yo, siguradong kulang na kulang ito. Tatawad ka pa kay Lord para maging 36 hours ang isang araw para makapag-isip ng isusulat, magsulat, magpa-check at magsulat ulit dahil may ipapa-revise, and the cycle goes on and on... Ngunit sa kabila nito, dito sa MC ay matututunan mong kahit gaano kahirap at kabigat ang isang trabaho, bibigyan at bibigyan mo pa rin ito ng oras dahil kagustuhan ito ng iyong puso. Hahanap at hahanap ka pa rin ng paraan para lamang magawa ang sangkatutak na trabahong naghihintay sa'yo. Dahil dito sa MC, naniniwala kaming everyday is MC day! ~ No Fam

// MC 2018

0 comments:

filipino,

Video: The Story Behind the News

8/28/2017 08:17:00 PM Media Center 0 Comments






Ang Social Sciences and Humanities track ng UPIS ang naghahatid ng mga makabuluhan at nakalilibang na balita, napapanahong isyu sa loob at labas ng paaralan, at nakalilibang na features at literary articles sa mga estudyante, magulang, at guro ng UPIS. Ito ang Media Center.

Mahaba ang prosesong pinagdadaanan ng mga artikulo bago maiparating ang mga ito sa mga mambabasa ng Ang Aninag Online.

Bilang halimbawa, panoorin natin ang proseso ng pagsulat ng balita ng mga manunulat sa News Section ng MC.

Ang paghahanap ng maibabalita at pangangalap ng mga kaugnay na impormasyon ang unang proseso sa pagdebelop ng isang balita. Tiyak at mapagkakatiwalaang sources ang dapat na isaalang-alang dito sapagkat mawawalan ng kredibilidad ang tagapaglathala kung mali ang maiuulat nitong detalye.

Sa oras na matapos na ng mga manunulat ang artikulo, dadaan na ito sa Section Editor o SE ng News, kay Chesca Santiago. Matapos ang pag-eedit at ma-check ang mga info, ipapasa naman ito sa Associate Editor (AE) upang lalong mas mapabuti ang nilalaman at kalidad ng pagkasulat ng balita. Si Marianne Sasing ang AE sa wikang Filipino.

Sa Editor in Chief napupunta ang lahat ng mga naisulat ng writers ng MC. Tinitignan niya kung ito ba’y maaari nang ilathala sa araw ng Pub.

Ang mga Learning Coordinator naman ang nagdedesisyon sa mga inilalathala ng Media Center. Si Propesor Rowena Del Castillo-Naquita ang LC na namamahala sa mga artikulong nakasulat sa wikang Filipino at si Propesor Catherine Carag-Atordido naman para sa wikang Ingles.

Matapos ang pagsusulat at pagrerebisa ng lahat ng mga artikulo, ihahanda na ng isang miyembro ng MC ang mga ito sa Blogger upang mapadali ang paglalathala ng mga ito sa pub day sa pangangasiwa ng Managing Editor na si Danna Sumalabe.

Ang lahat ng paghihirap ng mga manunulat at mga editor sa pagbuo ng artikulo ay magbubunga sa araw ng paglalathala. Higit sa pagiging isang requirement, isa itong responsibilidad ng MC- ang maibahagi ang mga impormasyon tungkol sa mahahalagang kaganapan sa loob at labas ng paaralan.

Pagsusumikap, dedikasyon at panahon ang inilalaan ng bawat kasapi ng pampaaralang pamamahayag. Ito ang Media Center.

Authors: Cabrera, Creencia, de Ocampo, Fajutagana, Gacad, Jacobo, Sinchongco

0 comments:

ask.MC,

Ask.MC: Anong Wish Mo Para Kay MC?

8/28/2017 08:13:00 PM Media Center 0 Comments




Anong Wish Mo Para Kay MC?
Sa nagdaang anim na taon...
Iyong kaligayaha'y ipinagdiwang.
Mga hinaing mo'y pinakinggan.
Ngayon naman, para sa kanya'y ano ang iyong kahilingan?


0 comments:

MC2018,

We are #MC2018...

8/28/2017 08:04:00 PM Media Center 0 Comments





0 comments:

MCAnniversary,

Now we are 6!

8/25/2017 07:40:00 PM Media Center 0 Comments



0 comments:

MCAnniversary,

Someone's turning 6!

8/23/2017 08:01:00 PM Media Center 0 Comments



0 comments: