Literary: Cupid's Memo






MEMO 1
To: You
From: Cupid
Date: February 1, 2018
Subject: New Friend
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
I noticed that I have struck you with my arrow before, yet here you are, still alone and moping around because you have no “love” of your life. I have already given you one, but we both know you’re just not doing anything about it.

That’s why I decided to guide and help you with love, just to make things go a little faster. So please bear with me and expect more memos and some bizarre situations to come up.











MEMO 2
To: You
From: Cupid
Date: February 5, 2018
Subject: Quick reminder
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
In case you forgot, I’m here to remind you that:

(1) I am personally here to help you;
(2) I don’t do this very often; and
(3) I need your cooperation for this to work.

So, it would be nice if you’d stop ignoring my messages and efforts for you to find love. It is very obvious that the strange things that are happening to you lately are not coincidences, but are actually ways for you two to be together. And all you have to do is follow me and your heart.
Now if you don’t mind, please start acting and living in favor of love.











MEMO 3
To: You
From: Cupid
Date: February 11, 2018
Subject: Update on your case
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
I appreciate that you are following my ways and pieces of advice. I am proud of what you have done these past few days and I am ecstatic to see that you two are now close. But still, WHAT ARE YOU DOING?

We both know how you feel, and we both know that all you need to do is say it. You’ve come this far, there is no use in hiding your affections.











MEMO 4
To: You
From: Cupid
Date: February 14, 2018
Subject: Perfect Opportunity
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
This is my big day, so I’ll keep this short.

Do it now for the love of Love.












MEMO 5
To: You
From: Cupid
Date: February 15, 2018
Subject: A reminder
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
I saw what happened, but I am unsure of what happened to you. If the reason why you didn’t confess is that you’re afraid, then I cannot argue with you. You have every right to be scared of love for it is notoriously known to hurt people. And I can’t say that you won’t get hurt with this love, but I can guarantee that it can bring you happiness.

If you want to take a break from all of this for now then I’m not stopping you. Just know that I won’t give up on you for you deserve to give and receive love.











REPLY TO MEMO
To: Cupid
From: Me
Date: February 16, 2018
Subject: Thank you
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

I did it.

Thank you for making me do this and not giving up on me even if I did. I have yet to know what the answer will be or what this will become.
But I am already more than happy that I have loved.




Literary: When Was It?





When was it exactly?
When was it that I knew?

Perhaps it started
When I first noticed
Your flawless face
Unrivaled by any star in the sky
Far more breathtaking
Than any sight I’ve ever seen

Maybe it began
When I would find
My mind wandering
Spending countless minutes
Staring at nothing
But thinking of you

Possibly it started
When we’d sit side by side
Solving equations
And completing theories
With you making sure
I did everything right

Perhaps it began
When I’d approach you
And you’d look at me
Then time would break its own limits
And everything would be in slow motion
Allowing me to relish your presence

But I think it was when
I saw your blemishes
And noticed your imperfections
But somehow, you still seemed flawless
Still seemed much more beautiful
Than anything in the world

It was when
I wouldn’t be distractedly filled
With thoughts of you
But rather, be inspired, motivated
To be a better version
To be a better person

It was when
All the tutoring was useless
Because you didn’t teach me
How to appreciate you
Instead you showed me
How to value myself

And it was when
Time would still disobey its own rules
It would flow unconventionally
And fast forward to the future
Containing nothing
But me and you

Then all the stars aligned
And all things made sense
All the lines rhymed
And all the wrongs seemed right

It was then,
It was then that I knew

Literary: Cupid's Express





"Para po sa kanya, Ma'am. May nagpapabigay po," sabay ngiti.

Pang-ilang delivery na 'to ng mga Peer sa classroom namin. Wala pa ring dumarating para sa akin. Joke! Ayos lang, taon-taon namang ganito tuwing panahon ng Valentines. May mga nagbibigay, may mga tumatanggap. Isa ka na rin doon sa mga nagbibigay.

Taon-taon ka nang nagde-deliver ng mga regalo mula sa club niyo, mula Grade 7 pa tayo. Palagi mong pinipiling sumali sa Peer Facilitator's Club simula noon. Gusto mong tumutulong sa ibang tao. Kaya naman, paboritong-paborito mo ang Cupid's Express. Sabi mo, natutuwa kang magbigay ng mga regalo kahit hindi naman talaga galing sa 'yo. Gustong-gusto mong nakikita ang mga ngiti, pati na ang reaksyon ng mga binibigyan.

Taon-taon din sa tuwing ganito ang okasyon, wala akong kasama sa klase. Wala akong kakuwentuhan. Walang kapartner kapag pairwork. Paano ba naman? Buong araw kayo excused sa lahat para lang mag-deliver ng mga regalo na hindi kayang maibigay dahil walang lakas ng loob. Kaya ‘ayun, wala rin tuloy akong kasamang kumain.

Kung isa sana ako sa mga binibigyan mo, kahit hindi talaga galing sa 'yo, basta ikaw ang nagbigay, e di masayang kumaing mag-isa!

Kaya naman pagdating ng lunch time, diretso na akong mag-isa sa canteen. Oo, kaya kong kumain nang mag-isa 'no, kahit wala ka. Isang araw lang naman. Okey na rin 'to, malayo ako sa 'yo kahit ngayon lang. Araw-araw naman na tayong nagkikita kaya naman kayang-kaya ko 'tong isang araw na hindi kita kasama. Ikakain ko na lang 'to.

"O," sabay abot ng isang rosas. "May nagpapabigay sa 'yo," sabi mo.

"Talaga? Para sa akin?" sagot ko. Hindi naman talaga kapani-paniwala na may magbibigay sa akin. Sa sungit kong 'to?!

"Oo nga. Ayaw mo ba? Akin na, ‘babalik ko na lang," sabi mo pa sabay bawi ng rosas.

"Hindi. Okey lang. Akin na, baka masira pa. Pero kanino raw ba 'to galing?" tanong ko sa 'yo. Nakapagtataka, nag-isip-isip ako kung kanino galing 'to. Wala rin naman akong masyadong kaibigan.

"Basta. Una na ako, ha? Dami ko pang ide-deliver," pag-iwas mo sa tanong ko.

"'Wag ka namang ganyan! Sabihin mo na!" pangungulit ko.

Biglang naging seryoso ang mukha mo.

"O, sige. Galing sa akin 'yan. Okey na?"

Tatawa na sana ako pero bakit parang totoo? Hinihintay kong tumawa ka, baka sakaling binibiro mo lang ako. Pero hindi man lang lumabas ang mga ngipin mo.

"Sa 'yo? Talaga? Para saan naman 'to?" tanong ko.

Natahimik ka nang tuluyan. Lumingon kung saan-saan, parang nag-iisip pa kung ano’ng sasabihin. Tumingin ka sa mga mata ko at ngumiti ka, at iyong sinabi:

“Wala lang. Hindi ba puwedeng dahil gusto kita?”

Literary: Tonight





I want to lay down by the fire with you

Eyes closed, content
With pure and utter delight
In complete yet comfortable silence
As we share the warmth of the night

Where souls are glowing, ever warmer too

Our souls have always been connected
But tonight, sparks fly from within
They fill the gap between us
As the music inside us sing

Your love surrounds me like a lullaby
Singing softly, you are mine oh mine

Never said
But felt and done every day
With each step we took together
You made me feel loved in every way

The moon has never glowed this color

As we linger in this moment
It shines differently for me and you
And while gazing upon the night sky
The stars are watching us, too

Hearts have never been this close

Each word, smile, and decision
Has led me closer to this
Now we stand, hearts beating
For our eternal bliss

I have never been more certain

I am never sure of anything
Not even of what I've known ever since
But you are an exception
To this lifetime of whims

I will love you till we're old

And now, I stand before you
Exactly one foot apart
Completely fallen and certain
That I love you with all my heart.



Inspired by Ben&Ben's Maybe the Night

Literary: Sa Iyo na Nagmamahal sa Akin





          Umaalingawngaw ang malutong na mura sa earphones mo na mula sa isang viral video sa Facebook. Bentang-benta talaga sa iyo ang video na iyon, halos mangiyak-ngiyak ka sa katatawa.


          Sumabay ang buong klase sa iyong pagtawa. Nakakahawa naman kasi talaga ang paghalakhak mo.


          Ang totoo, 'di ko alam kung bakit, pero napakabungangera mo. Ni katiting na hinhin ay hindi ko matanaw sa katawan mo. Tuwing lunch, nakikita kitang sumasayaw ng kung ano-ano sa gitna ng koridor, malakas na tumatawa na para bang wala nang bukas, o di naman kaya ay nakikipagkulitan nang wagas sa bestfriend mo na akala mo walang tao sa paligid. Sa totoo lang, ‘di ko alam kung bakit parang wala kang pakialam sa tingin o sasabihin ng iba tungkol sa iyo.


          Kaya nga talagang hanga ako sa iyo. Ang dali mong pakisamahan kahit na mukha kang mataray. Ang dali mong patawanin at bentang-benta ang lahat ng mga ginagawa mo sa lahat ng tao. Isa ka sa mga pinakamatalino, pinaka-creative, at pinakamasipag na estudyanteng kilala ko.


          ‘Di tulad ko, tamad at walang creativity sa katawan.


          Noong nalaman ng section na may crush ka, talagang suportado ka nilang lahat. Wala naman talaga akong pakialam pero nakisama na rin ako sa section natin na asarin ka sa crush mo.


          Kaso, ang laking gulat ko noong nalaman ko na ako ang taong gusto mo. Ako pala ang inspirasyon mo sa lahat ng akdang naisulat mo. 'Di ko mapigilang magtaka: bakit ako? Kung ikukumpara mo ako sa nakaraan mong crush ay napakalayo ng agwat namin sa isa't isa. Hindi ko talaga akalaing ako ang magugustuhan mo.


          Simula nang malaman ko na ako ang gusto mo, nagsimula nang mang-asar ang lahat ng tao sa paligid natin. Naiilang ako dahil ngayon lang ito nangyari sa akin. Nailang ako sa iyo dahil ikaw ang babaeng nagkagusto sa akin. 'Di ko alam kung bakit, pero iba ka kasi kumpara sa ibang babae. Kaya naman sinubukan kitang iwasan at 'di na tulad ng dati ang pakikitungo ko sa iyo.


          Pero nang maging kapansin-pansin ang pag-iwas ko sa iyo, madalang na kitang makitang nakatawa o nakangiti. May isang beses na nakita rin kitang umiiyak.


          Matapos ang isang taon ay ‘di na tayo magkaklase. Sa totoo lang, ang tahimik sa section namin ngayon. ‘Di ako sanay. Kaya araw-araw ay naaalala ko ang section na minahal ko talagang tunay. Ang pamilya ko na siyang nagbigay sa akin ng kasiyahan. Ang maingay na tawanan, ang jamming sessions tuwing lunch, at kahit ang simpleng kuwentuhan lamang kasama ang buong section, na-miss ko lahat. Kaya naman inaabangan ko ang lahat ng taong mula sa dati kong section upang kulitin at makakuwentuhan. Masaya ko silang sinasalubong at kinakausap. Maliban sa iyo.


          Pero pakiramdamam ko, may kulang.


          ‘Di ko na namamalayang tuwing lalabas ka mula sa klase mo ay inaabangan kita. Kahit pasimpleng sulyap lang. Binabagalan ko ang aking paglakad ‘pag alam kong nasa likuran lang kita. Napagtanto ko, niloloko ko lang pala ang sarili ko. Hindi talaga ang maingay at masayahing klase ang na-miss ko.


          Sa iyo pala ako nangungulila.


          Na-miss ko ang maingay mong bibig, ang walang habas mong pagkanta kasama ng iyong mga kaibigan, ang mga nakakahawa mong tawa na sinasabayan ng buong klase. ‘Yung paraan mo ng pagreport sa harap, ‘yung paraan mo ng pagdadala sa sarili mo kahit na wa-poise ka na. ‘Yung unti-unting pamumula ng mukha mo kasabay ng pagtaas ng dalawang dulo ng labi mo tuwing kinikillig ka. Na-miss ko ‘yun.


          Pero patawarin mo ako, hindi ko pa kayang harapin ang nararamdaman mo. Ang nararamdaman ko. Hindi pa ako handa sa mga ganitong bagay.


          Ang tanging bagay lang na masasabi ko sa ngayon ay nagpapasalamat ako sa iyo. Salamat na minahal mo ako sa kabila ng mga pangit na parte ng buhay ko, salamat dahil natutuwa ka na kahit sa mga simpleng bagay na ginagawa ko. Salamat at nandiyan ka pa rin kahit na ilang beses na kitang sinubukang itulak palayo, kahit ilang beses kitang ‘di pinansin, kahit na maraming beses ko nang binasag ang puso mo. Salamat at minahal mo ako.


          Alam kong makasarili, pero kaya mo bang maghintay? Kahit kaunting panahon lang. Sorry, pero ‘di ko kakayaning tuluyan kang umalis. Hindi ko kayang bumitaw sa isang bagay na ‘di ko pa naaabot.


          Kaya’t pakiusap, sana’y mahintay mo pa ako hanggang sa maging tama na ang panahon, kung kailan ako magkakaroon ng lakas ng loob na magbigay ng bulaklak sa Araw ng mga Puso, at tanungin ka kung puwedeng ako na lang ang kasama mo sa araw na ito.