Literary: Sinimulan at Tinapos


Aminin ko man o hindi,
Ikaw ang una kong kuwento.
Sa iyong mga unang tingin, sulyap at ngiti,
Nabuo ang banghay ng istorya ko.
At ikaw ang unang kabanata ng buhay ko.

Inaasahan ko man o hindi,
Ikaw ang imahe sa tulang isinusulat ko.
Sa bawat taludtod at saknong,
Mukha at kilos mo ang larawang-diwang nabuo ko.
At ikaw ang tulang binibigkas ng bibig ko.

Subalit sa kagustuhan man o hindi,
Ikaw ang unang trahedya ko.
Sa una mong pag-alis at muling pagbabalik,
At hanggang ngayo’y iniluluha ko ang huli mong paglayo.
At ikaw pinakamalaungkot na naganap sa buhay ko.

Pinilit ko namang ipagpatuloy ang pagkatha,
Ikaw ang nagpasyang tapusin na.
Ang bawat simula’y nauuwi sa pagtatapos.
Ang bawat kabanata’y nauuwi lamang sa trahedya.
At ang sulatin ko’y hindi na maitutuloy pa.

Literary: Ngayon



Pagkagising ko kaninang umaga,
Tingin agad sa cellphone.
Walang text.
Walang “Good morning! :)”
Walang, “Hala nakatulog ako, sooorry. :(”
Eh missed call kaya?
Wala rin.
Katamad bumangon.

Pagdaan ko sa sala,
Nakabukas ang radyo.
Teka.
Boses ba niya ‘yun?
Siyempre hindi.
Hindi naman siya D.J.
Ayoko nang makinig.

Pagpasok ko sa kusina,
Naamoy ko ang niluluto.
Siyempre ang paborito niya.
Ang suwerte nga naman.
Nawalan na ako ng gana.

Paglabas ko ng bahay,
Kinapa ko ang bag ko.
Naku!
Wala pala akong payong.
Hiniram nga pala niya.
Malamang ‘di na niya ibabalik pa.
Sakto!
Umulan pa.

Ngayong wala ka na,
Bawat araw’y kay hirap harapin.
Lahat ng simula’y tila mabilis natatapos din.
Naghihintay sa panahong,
Pagkakamali ko’y simulang ayusin.

Literary: Hanggang Ngayon



Hindi ko alam kung bakit,
Pero kung sa natatakot—oo,
At kung sa kinakabahan,
Kung sa naguguluhan—mas lalo.

Kaya habang maaga pa,
Pinipilit kong maghanda,
Kakayaning harapin,
Kahit pa ako’y subukin.

Di dapat pangunahan,
Ang pasya ng kapalaran.
Sa Diyos lamang mananalig,
Susundin ang kanyang ibig.

Dahil may tamang panahon ang simula
May tamang saan at kailan,
May tamang sino,
Tamang bakit at paano.

Maghahanda ako’t aasa,
Sa una’y mag-aalala pero di rin ng sobra,
Bilang simula’y magtitiwala,
Hahayaang kumilos ang tadhana.

Literary: Hanggang Tingin



Sa isang pangkaraniwang araw,
Nakita ko ang isang ikaw.
Tila tumigil ang aking mundo,
Nang magkatinginan tayo.

Mata’y nabighani
Nang makita ang iyong ngiti.
Di malaman ang madarama,
Iba talaga ang dulot mong saya.

Gustong-gusto kitang kilalanin
Di ko magawa dahil noon pa man ako’y nahihiya.
Aaminin kong tinamaan agad ako,
Di ko lang maamin nang harapan sa’yo.

Sa’yo unang nadama,
Ang “first love” ika nga nila.
Ano nga ba ang dapat gawin,
Ikaw na nga ba ang nararapat para sa akin?

Sana’y mapansin mo ako,
Iyon lang ay kuntento na ako.
Dahil ikaw ang una kong minamahal,
Wag naman sanang saktan ang puso ko.

Makakaasa kang nandito lang ako,
Kung kailangan mo ang tulad ko.
Hindi kita pipiliting ako’y gustuhin,
'Pagkat kuntento na ako sa hanggang tingin.

Literary: Restart



If only I could turn back time,
I would right all my mistakes.
I would tell you I love you
So that you won’t walk away.

I threw away a diamond
And exchanged it for a rock.
I regret making that decision
So please take me back.

How can I be so foolish
To hurt you and make you cry?
Let me fix everything
Before your feelings die.

Let me love you again,
I promise I won’t break your heart.
Will you give me another chance
To go back and restart?