Literary: Patawad
PATAWAD
Hindi sapat ang "sorry" upang ako'y patawarin
Ngunit kahit ganun ay gagawin ko pa rin
Wala ring saysay ang pagbigay ko ng rason
Dahil nangyari na ang nangyari noon
Ang hiling ko lamang ay inyong pakinggan
Ang aking mensaheng may kabuluhan naman
Kung sa aking pag-alis ay kayo'y nainis
Pasensya na ngunit hindi ko iyon ninais
Hindi ko rin talaga alam kung bakit ko nagawa 'yun
Pero feeling ko lang na kinailangan kong tumakas dun
Paano ba naman kasi
Ang uwian ng alaga ko ay 4:30
Adrenaline rush o gut feel
Kung ano man yun, hindi ko napigil
Baka sinapian ako ng espirito
O sadyang bangag lang ako
Alam kong mali ang aking ginawa
Kahit saang anggulo mo tingnan
Ako ang may kasalanan
Kaya sana hindi ito mabalewala
At tatanggapin ko kung ayaw niyong maniwala
Pero ito ang sasabihin ko at ito ang totoo:
Mahal ko kayo, walang halong biro.
Feature: YOLO pa ba?
Palagi ka bang nangangamba kapag binabalik na sa’yo ang resulta ng iyong quiz sa Geom? Yung tipong di ka mapakali dahil malamang ay sabit ka lang. O ang mas malala, bagsak ka. Pero dahil karamihan naman sa klase niyo ay alanganin gaya mo, okay lang. YOLO naman e.Madalas marinig ang YOLO sa mga estudyante ng UPIS. Ilang halimbawa ay “Hindi ako nag-review sa Unit Test sa PA. YOLO!” at “Hindi ko pa napapasa Formal Theme ko sa English. Bahala na. YOLO.” Pero ano nga ba ang ibig sabihin ng YOLO?
You only live once. O kung mas sosyal ka at gusto mong maiba, maari itong maihalintulad sa Carpe diem o seize the day. Ang kasabihang ito ay madalas ginagamit ng tao bilang isang palatandaang dapat ang buhay mo’y araw-araw at oras-oras na ginagamit sa makabuluhang bagay. At kapag ika’y tumanda na at nagbalik-tanaw, magkakaroon ka ng fulfillment sa sarili mo dahil alam mong nasulit mo ang iyong buhay. Yan ang tunay na YOLO.
Ngunit bakit parang iba ang kahulugan nito, lalo na sa mga teenager. Marami ang naniniwala na ang YOLO ay isang lehitimong excuse upang gumawa ng kung ano-anong kalokohan. Madalas itong napapansin tuwing nagpaparty ang mga tao imbes na tinatapos ang kanilang projects. O di kaya ay pumupunta o gumagala sa ibang lugar upang malayo sa responsibilidad. O di kaya ay ang hindi pagseseryoso sa pag-aaral, gaya ng ginagawa ng ilan. Ginagamit nila ang YOLO para hindi sila ma-guilty sa ginagawa nila. Ngunit sulit ba talaga?
Kung gusto mo talagang masulit ang iyong buhay, simulan mo ngayon sa iyong pag-aaral. Seryosong pag-aaral. ‘Wag kang magpadala sa kung ano-anong distractions na makakahadlang sa iyong focus. Unti-unti mong dagdagan ang oras ng pag-aaral sa bahay. Patunayan mong karapat-dapat ka sa slot na nakuha mo at ipinagkaloob sa’yo. H’wag mo ring kalimutang lumabas sa iyong comfort zone paminsan-minsan. Mag-set ng goals at deadlines para sa mga ito. Paligiran ang iyong sarili ng mga taong minamahal ka at gumawa ng maraming memories kasama sila. At higit sa lahat, i-enjoy ang rollercoaster ride ng buhay na ito. Tandaan, you only get to live it once. / ni Wren Breva
Mga mag-aaral at guro nakiindak sa Zumba with the Swimmers
Ginananap ang fundraising event ng UPIS Swimming Team na “Zumba with the Swimmers” noong Hulyo 25, 2014 sa UP CSWCD.![]() |
| Photo credit: Juneau Villanueva |
Ito ang kauna-unahang pagkakataong naisagawa ang ganitong uri ng fundraising event. Nakilahok sa Zumba ang ilan sa mga guro at staff ng UPIS, mga estudyante, at maging ang UP College Swim Team. Nagkaroon din ng raffle kung saan maaaring Manalo ng neon shirt at iba pa.
Gagamitin ang perang nakuha upang makatulong sa gastusin sa darating na UAAP sa Trace College, Los Banos sa Setyembre 18-22.
Dahil sa pagkakaroon ng magandang feedback mula sa lahat ng sumali, nagpaplano muli ang Swimming Team na magkaroon ng Zumba Party na gaganapin naman sa huling linggo ng Agosto. / ni Juneau Villanueva
Japanese Teen Ambassadors, bumisita sa UPIS
| Ang mga Japanese Teen Ambassadors kasama ang mga piling mag-aaral at guro ng UPIS. (c) Christine Bailon |
Bilang bahagi ng Teenage Ambassador's Program, bumisita ang mga estudysnte mula Japan sa UPIS. Pumasok sila sa klase ng isang buong araw kasama ang kanilang counterpart na estudyante. Layunin ng gawaing ito na makilala ang kulturang Pilipino at makapag-obserba kaugnay ng edukasyon sa Pilipinas, partikular sa UPIS..
Ayon sa ilang mga estudyanteng Hapon. "... the class was lively and cheerful... students are very friendly..." Binanggit din nilang nasiyahan sila sa mga estudyante ng UPIS.
Kabilang sa mga Japanese Teenage Ambassadors na bumisita sa UPIS ay ang mga sumusunod: Kotaro Hanzawa, Kazuma Murata, Kazusa Sakurai, Yuro Seino, Yu Takakashi, Kenta Hiwatashi, Ryusei Saito, Ryogo Sato, Kaisyu Suzuki, Suzuhiro Yamamoto, Momoka Abe, Natsuki Ikushima, Yui Miyamoto, Motoko Tsuchiya, Nodoka Yamauchi, Yuna Abe, Miki Kudo, Rei Shikoda, Rio Tsuchiya, at Natsuki Yusa.
Ang mga nasabing estudyante ay galing sa Sendai Nika High School, isang sekundaryang paaralan sa Hilagang Japan.
Bukod sa UPIS, pumunta rin sila sa Intramuros, National Museum, Huspicio de San Jose, at sa De La Salle University.
Dumating sila sa Pilipinas mula Japan noong Hulyo 28 hanggang ika-4 ng Agosto.
Sa Setyembre 29 hanggang October 6, 2014, bibisita naman ang UPIS Teenage Ambassadors sa Sendai Nika High School sa Japan. / ni Christine Bailon
Subscribe to:
Posts (Atom)
Welcome
Welcome to Ang Aninag Online!
This is the official blogsite of the UPIS Media Center. Check in every now and then to be updated with the latest UPIS news.
Look into the literary compositions and go through the creative works of various students.
Enjoy and don't forget to leave a comment.
This is the official blogsite of the UPIS Media Center. Check in every now and then to be updated with the latest UPIS news.
Look into the literary compositions and go through the creative works of various students.
Enjoy and don't forget to leave a comment.


