Literary: Sa Di Malamang Dahilan





Tatlong taon na ang lumipas matapos mo akong sabihan na hindi mo na ako mahal.

Alam mo, hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit. Okey lang, tinanggap ko naman na at di na ako nangulit pa kasi alam kong naiinis ka kapag ginagawa ko iyon. Sa katunayan, sa lahat ng lalaking minahal ko, sa ’yo ako pinakanasaktan noong nawala ka. Ikaw kasi ang may pinakamalinis na intensyon sa akin at naramdaman ko na minahal talaga ako. Salamat.

Tatlong taon na tayong hindi nag-uusap.

Pero lahat ng iyon ay nagbago noong nabalitaan mong namatayan ako ng alagang aso. Minahal mo rin siya, si Chic. Tandang-tanda ko pa noon, kapag hinahatid mo ako pauwi, tumatawad ka pa sa ’kin na manatili pa saglit para lang laruin siya. Umaabot ang iyong ngiti sa iyong mga tainga kapag pinapayagan kitang makipaglaro kay Chic. Nagulat na lamang ako dahil isang araw, nilapitan mo ako. Biyernes nang hapon iyon, katatapos lang ng klase ko sa Computer Science, sa ikaapat na palapag, naabutan kitang naghihintay sa labas ng aming silid. May dala ka pang mga tsokolate. Noong nakita mo ako, agad mo akong niyakap. Di ka pa nagsasalita pero umiyak na ako.

“Narinig ko ‘yung tungkol kay Chic. Sorry, alam kong mahal na mahal mo siya. Ito, Kisses para di ka na malungkot,” sabi mo, sabay punas sa aking mga luha. “Halika, ilabas mo na lahat ‘yan para bukas, wala na.”

Iyon ang sandali kung kailan nagsimula tayong muli. Regular na tayong nag-uusap at magkaibigan na tayo ulit na parang wala tayong masakit na nakaraan. Pero bakit bigla ka na lang lumapit? Di ko alam at ayoko nang alamin. Nagpapasalamat na lamang ako na bumalik ka ulit sa buhay ko.

Anim na buwan na tayong nag-uusap.

Sa personal, sa text, at sa chat, di na naputol ang ating komunikasyon. Napapadalas na rin ang ating pag-aaral nang magkasama dahil mayroon tayong sariling forte sa mga sabjek, ikaw sa Araling Panlipunan at Science, samantalang ako naman sa English, Filipino, at Math. Natutunan nating turuan ang isa’t isa para makakuha tayo ng mas matataas na marka. Mayroon pa tayong usapan na kapag mas mataas ang GWA ng isa ay manlilibre ng lunch. Palagi namang nauuwi sa panonood ng sine at paglalaro sa Timezone ang usapan nating “manlilibre ng lunch.” Kadalasan, imbes na ang barkada mo ang iyong kasama, mas pinili mo pa ako. Ganoon na tayo naging magkalapit, pero bakit sa akin mo lang ginagawa? Bakit mo ako pinapasaya? Natural naman na yata kapag pinapasaya ka ng isang tao ay magkakagusto ka na sa kanya, kaya nagustuhan na kita, ulit.

Isang taon na tayong malapit na magkaibigan.

Patuloy ang study dates at mga di pinaplanong lakad nating dalawa. Patuloy nang nahuhulog ang puso ko sa isang lalaking dati ko nang minahal. Sa bawat saglit ng iyong pasimpleng pag-akbay, sa bawat saglit ng iyong pagtingin sa akin, hindi ko na napigilan ang aking damdamin.

Isang araw, nasa Timezone ulit tayo. Muli, isang di inaasahang lakwatsa. Inimbita mo akong kumanta ng karaoke.

“Tara! Habang walang nakasunod, pasok na tayo. Maririnig mo na rin ang boses kong basag pag kumanta!” sabi mo, sabay hinawakan ang aking kamay at hinila ito papunta sa karaoke machine.

Ako ang unang kumanta. Inilagay ko ang numero ng kantang paborito ko sa karaoke, ang Dahil Minahal Mo Ako, ni Sarah Geronimo.

“Sus, para kanino naman ‘yan?” biro mo sa akin, di pa tapos ang kanta.

“Magugulat ka ba kung para sa ’yo?” sagot ko.

“Loko! Kaibigan mo lang ako!” sabi mo nang may pag-aatubili.

“Kaibigan nga kita. Pero sa tingin mo ba, hindi ko nakikita kung gaano ka ka-sweet sa akin? Lahat ng ginagawa mong iyon, napapansin ko ‘no?” Naupo ako.

Binitawan mo ang hawak mong mikropono. Ilang segundong tumitig ka sa aking mga mata. Blangko ang iyong paningin at naging malabo ang mga bagay sa ating paligid. Di ko maipinta ang emosyon na nais mong iparating, hindi ka nakangiti, hindi ka nakasimangot, wala. Hindi kita maintindihan, hindi ko alam kung ano na ang tumatakbo sa iyong isipan. Inilagay mo ang iyong mga siko sa iyong mga hita at ang iyong mga kamay sa iyong magkabilang templo. Nagpakawala ka ng isang buntonghininga.

“Sorry. Di ko alam na masyado ka nang naa-attach ¬sa ‘kin at sa mga ginagawa ko. Di ko ine-expect na gusto mo pala ako, akala ko, malapit lang talaga tayong magkaibigan. Siguro, di ko talaga alam ang hangganan ng pagkakaibigan sa pagkakaíbigan,” sabi mo nang nakayuko ka pa rin.
Hindi kita kayang tingnan, tinitigan ko na lamang ang mikroponong nakalagay sa iyong tabi. Bakit kasi sa akin mo lang ginagawa? Sa akin ka lang malambing, sa akin ka lang nagkukuwento ng mga sikreto, sa akin ka lang nanlilibre, sa akin ka lang nanghihiram ng notes sa klase, sa akin ka lang nagsasabi ng mga corny na biro at sa akin ka lang lumalapit kapag may problema ka? Bakit? Bakit mo ako pinaasa tapos sasabihing hindi mo ako gusto? Pahingi ako ng dahilan para matahimik na rin ang puso ko.

Dalawang linggo na tayong walang komunikasyon.

Isang Martes nang hapon, nagkita ulit tayo. Inipon ko ang lakas ng aking loob at kinausap kita, tinanong ko ang lahat ng aking mga tanong. Bawat salitang lumabas mula sa aking bibig ay puno ng hinanakit at kawalan ng pag-asa. Bawat luhang pumatak mula sa aking mga mata ay puno ng kalituhan. Nanginginig, di ko alam kung anong aking gagawin.

Natulala ka, di mo alam kung saan ilalagay ang iyong mga kamay, kung sa akin ba o huwag na lang.

“Sorry. Di ko sinasadya ang mga nangyari,” sabi mo.

Lumakas ang agos ng aking mga luha, “Pero hindi mo kayang ibalik ang nararamdaman ko?”

“Hindi pa ako handa, noon ‘tsaka ngayon. Hindi ko pa kayang pumasok sa relasyon,” sabi mo nang paputol-putol. Iyon ang unang beses na nakita kong kumawala ang luha mula sa iyong mga mata. “Mahal kita, pero hindi pa ako handa.”

Sa ilang taon kong paghahanap ng sagot, ito na ‘yon, di ka pa handa.

“Maghihintay ako. Pero dapat bigyan mo ako ng dahilan kung bakit kailangan kitang hintayin,” sabi ko.

“Sa tingin ko, ikaw lang ang nakakaalam niyan,” sagot mo sa akin, sabay hinawakan mo ang aking kamay, pinunasan muli ang aking mga luha, at umalis.

Sampung minuto akong nakatitig sa kawalan.

Laging iingatan ang pag-ibig mo, dahil minahal mo ako.

At natapos ang kanta sa aking isipan.

Literary: Ang Dapat Ibahagi





Ilang buwan na ang nakararaan
Nang lumisan ka nang walang paalam
Sa gitna ng aking kalungkutan
Ang dapat kong gawin, aking natuklasan

Ang pag-ibig ay hindi pansarili
Ito ay isang susing dapat ibahagi
Kaysa magkulong, magmukmok nang mag-isa
Dapat lumabas at magpasaya ng iba pa

Daigdig nati’y sagana na sa kapighatian
Ito sana’y huwag mo nang dagdagan
Magpasalamat, magmahal, at magbigay
Madilim na mundo’y punuin ng mga kulay.

Inialay ko ang aking sarili
Sa malawakang pagsisilbi
Ang simangot ng natulungan ay napapawi
At pinapalitan ng kanilang mga ngiti

Dapat kitang pasalamatan
Kung ako’y hindi mo nasaktan
Hindi papasok sa aking isip
Na ang pag-ibig ay dapat ibahagi

Literary: 1pc





Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata
Ikaw ang tangi kong nakikita
Sa pagmulat ko naman ng mga ito
Nagkakaroon ng ngiti ang mga labi ko

Noong una kitang nasilayan
Ako’y agad nang nahumaling
Ikaw ang aking pinakainaasam
Kapag ika’y nakita, hindi na ibabaling ang tingin

Pag kaharap na kita
Di ko na mapigilan ang aking sarili
Kukurutin na lang kita sa gigil
Pasensya na’t ako’y natutuwa kasi

Kapag ika’y hawak ko na
Di na kita gustong bitawan pa
Dahil kapag tayo’y magkadikit na,
Pakiramdam ko na tayo’y iisa

Ibang-iba ka talaga,
Ikaw, para sa akin, ay nag-iisa
Walang maaaring manggaya sa iyo
Dahil ikaw lang ang chickenjoy ko!

Literary: Sandaang Liham





Ipinapangako ko,
Patuloy akong susulat,
Para sa ’yo.

Hindi ko iindahin ang ngalay,
Pipilitin kong hindi mapagod lalo na ang aking mga kamay.
Sisiguraduhing pareho pa rin ang bawat kumpas ng panulat.
Sisiguraduhing ang mga salita’y alay pa rin sa ‘yo lahat.

Di magsasawang isobre ang mga ito,
Itupi at selyuhan para pa rin sa ‘yo.
Lagdaan at pagkatapos ay ilagay ang iyong ngalan
Para di maligaw ang aking pinaghirapan.

Dahil ipinapangako ko,
Patuloy akong susulat,
Para sa ’yo.

Kahit ngayon na wala nang bumabalik sa akin
Di tulad ng dati na may sagot at lagda mo rin
Kahit na pang-isang daan at anim na ang liham na ito
Tinitiyak ko na hindi rito hihinto.

Dahil kahit na kahon na lamang ang aking sinusulatan,
Kahit minsa’y ramdam ko ang pagkamanhid dahil sa katandaan,
Kahit na minsa’y sulat ko ay di na pantay,
Ipagpapatuloy ko ito hanggang sa ako’y nabubuhay.

Dahil walang hanggan ang aking nadarama
Kahit na ikaw ay nasa langit na
Ipinapangako ko,
Patuloy akong susulat,
Para sa ’yo.

Literary: Seven Reasons





Seven different reasons from seven different voices as to why they chose to stay‬‬‬‬‬‬‬
1. “I loved him. Seven hours ago, he left for work. I stayed on my spot outside the train station to wait for him to get back, but he never did. I knew he'd never leave me and that he'd come back for me eventually, like he always did, so I stayed.”

2. “I saw her- kneeling on the floor, eyes closed, hands intertwined. She was exhausted and drained, her eyes grew dull, her hands turned rough, wrinkles and dark circles now highlighted her beautiful face. Seeing her lose hope in the middle of the day, yet regain much more of it at the end of each one, gives me enough motivation and reason to stay. Seeing her get weak- physically, emotionally, and mentally, yet still manage to get a mile farther every day, unconsciously makes me strive to be stronger, for her and for us. Seeing her praying and asking for guidance to live through challenges, not just for herself but for everyone she loves, gives me hope and assurance that the hardest things in life are the most worth it in the end.”

3. “She checks up on me to see if I'm okay, even when I fail to do the same for her most of the time. I realized I didn't deserve a friend like her, one who will always be there to listen and cope with me through everything. I wanted to give her a friend as caring and as selfless as her, so I stayed.”

4. “The day he said goodbye, I felt like everything I believed in was a lie. I remembered the promise I made to myself a year ago that whatever happens, I'll hold on, because he made me feel like he was sure of everything. Like he was sure of me. All the possibilities and plans I had for us crumbled. All the hopes of being beside him when he finally reaches his dreams vanished. All the places we swore we'd go to seemed like a hundred thousand miles away. The day he said goodbye, he took away a part of my heart. A part that he will always have- a part I wouldn't want to take back, and a part that didn't seem like it belonged to me anymore. He broke my heart, yet I still believe in him. I still believe in the person that he is, and the person that he is yet to become. I would still live to see him succeed, and so I'll stay, even if it means being at the back row of the audience.”

5. “He is my soulmate. Our mornings are for motivating, and our nights are for contemplating. We share this bond- one that weakens whenever we're apart, but never breaks and grows even stronger the moment we reunite. I feel empty for days, weeks, or even months when we don't speak, yet I stay. I stay, hoping that one day he'll come back, look at me with that reassuring smile and never leave again.”

6. “This corner feels like home, looks like home, and has now become my home. It's been almost five years since we met, and more than three months since I've taken my place right here in this very spot. I have no idea where she is, what she's thinking, or how she's doing, but I'm hoping that one day, she'll change her mind and she'll know right where to go. After so many years, I still haven't moved on, what more reason do I need to keep myself from waiting for her to come back?”

7. “It's like I'm a new person in his eyes every week. My mom and I pay him a visit every Saturday, with our blankets and a picnic basket filled with his favourite chicken sandwich. I tell him about my week in school, the seven-minute walk I'd have to endure to get to my first class every morning, the nuts I'd always buy in the cafeteria and how they taste just like the ones sold in buses, and all the new things I experience every week. Every week, I tell him different stories. Yet every week, he only shares one specific story with me: his happiest day with his favourite grandson. Excitement would fill his eyes whenever he realizes he’d get to share the closest memory he has to his heart with someone new. And even if he doesn't recognize me, or even remember that he has been telling the same person the same story every week for two years now, I would still come back every Saturday, because that story was my happiest day as well.”