Literary: Ang Kabibe




Sa loob ng kabibe, ika’y nagtatago
Bulag sa iyong kagandahan at halaga
Nagtataka kung kailan ang pagbabago
Kung kailan makararanas ng aruga

Hinihintay makita ang sikat ng araw
Pagbukas ng kabibe ang inaasahan
Hangarin ang kumalas sa bigat ng bughaw
Kinabukasan ang iyong pinagmamasdan

Iniwasan ang kabibeng nakasusuklam
Ang hinahanap ay likas yaman na litaw
Iniiwan ang kabibe, walang paalam
At ikaw ay nangangarap na may dadalaw

Tahimik na naghihintay sa pagbukas
Hinahanap, pagmamahal na kailangan
Hangarin ang may tumulong sa’yong kumalas
Naghihintay, ang perlas ng ating silangan

Padayon!




UPIS Kamag-Aral Statement on the Military Presence in Schools



The UPIS is one with the UP Community on its stand on the proposed military presence in schools. Read the statement below.




Signing in...




TRESE: Disyembre (Episode 4)