angel dizon,

Sports: Friendship meet, idinaos sa Sta. Rosa

5/23/2019 08:38:00 PM Media Center 0 Comments



Manlalangoy ng UPIS na sumasabak sa Friendship meet. Photo Credit: Francis Halabaso

Nakilahok ang ilang manlalaro ng University of the Philippines Integrated School Varsity Swimming Team (UPISVST) sa isang Friendship meet. Taunang inoorganisa ito ng University of the Philippines Varsity Swimming Team (UPVST) noong pang 2014 bilang isang fund raising activity na naglalayong tulungan ang mga manlalaro ng UPVST sa mga susunod na kompetisyon.

Ginanap ang friendship meet noong Mayo 4-5 2019 sa Sta. Rosa Multipurpose Complex kung saan nakilahok ang mga manlalangoy sa elementary hanggang sa high school ng UPISVST. Nahati sa dalawang araw ang program. Ang unang araw ay para sa babae at ang pangalawa naman ay para sa lalaki. May mga individual events at relay events sa Friendship meet, kung saan ang mga nakilahok ay hinati sa dalawang grupo ayon sa edad: 16-19 taong gulang at 20 taon pataas.

Sina Franchesca Joves, Zerah Ballarta, Lara Tante, Aleah Halabaso, Julia Halabaso, Angelia Torrico, Zuleikarich Monares, Elizabeth Medina, at Achi Reblando ang kumatawan sa UPIS sa programang ito. Nakalaban nila ang iba’t ibang swimming team tulad ng Rising Atlantis Swim Club, LPU Pirates Swim Team, Puma Aquatics Swim Club at marami pang iba.

Sa isang interview na kasama si Franchesca Joves ay sinabi niya na dahil sa Friendship meet ay mas naging handa siya para sa darating na University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 83. Dagdag dito, dahil sa event na ito ay mas naging "mentally at physically prepared" siya para sa UAAP na kanilang pinaghahandaang kompetisyon bawat taon. //nina Angel Dizon at Roel Ramolete

You Might Also Like

0 comments: