bagoong,

Literary (Submission): Baong Alaala

5/28/2019 09:36:00 PM Media Center 0 Comments




Unti-unti nang nagsisimula ang pagpapaalam
Kinabukasan sa atin na ay ipinaalam
Nakikita na ang dulo na ating kahahantungan
Nalalapit na ang oras upang umalis ng tahanan

Mag-umpisa nang mag-isip ng magagandang pangwakas
Ihanda na mga kakailanganin para bukas
Tandaan mga mukha ng kaibigang katabi
Sabihan ang isa’t isang “Hindi pa ito ang huli.”

Bilang na ang mga araw ng ating pamamalagi
Lilisanin ang lugar sa paglaki’y nakibahagi
Ngunit ilang linggo pa bago ang ating pagtatapos
Kaya’t sulitin na ang panahong kapos na kapos

Habang kaya pa ay mag-ipon ng mga alaala
Gamitin na ang oras upang sila ay makasama
Hiwa-hiwalay man ang ating mga mapupuntahan
Ating baon nama’y mga alaala mula sa tahanan

You Might Also Like

0 comments: