news,

Filipino Drama 2019, sinagot ang tawag ng teatro

5/22/2019 08:15:00 PM Media Center 0 Comments



Ngiting Tagumpay. Kita sa ngiti ng mga miyembro ng Fil Drama ang tagumpay ng kanilang pagtatanghal.

Nagtanghal ang Filipino Drama 2019 Batch 2 ng kanilang produksyon ng dulang “Ang Tawag” oong Mayo 17 at 18 sa UPIS Auditorium.

Ang dulang “Ang Tawag” ay itinanghal sa direksyon nina Storm Gatchalian at Samantha Salazar, sa panunulat ng grupo ni Dylan Cyñl Tecson mula sa Malikhaing Pagsulat 2020. Dalawang araw ipinalabas ang dula ng magkaibang set ng mga artista.

Ang kuwento ng dula ay tungkol sa kontrobersyang kinasangkuyan ng asawa ni Gng. Perla Cervantes, na isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa. Sinubukan ni Perla na solusyunan ang kaso ng kaniyang asawa sa tulong ni Mr. Ali at ng kaniyang mga anak na sina Stephen, Karen at Tina. Naging kapana-panabik sa manonood ang naging resolusyon ng dula.

Naririto ang listahan ng mga gumanap sa dulang “Ang Tawag.”: //ni Tracy Mondragón


You Might Also Like

0 comments: