filipino,

Literary: Panaginip

2/12/2019 08:12:00 PM Media Center 0 Comments




Lahat ng bagay ay kumikinang
Bawat detalye ay akin nang napapansin
Bawat sandali ay gumaganda
Na para bang ako'y nasa pelikula
Takbo ng oras ay bumibilis
Nang hindi ko man lang namamalayan
Tibok ng puso’y damang-dama
Dito sa aking dibdib ay nagwawala
Liwanag ang parati kong nakikita
Ganda ng mundo ang tangi kong naaaninag
Ikaw marahil ang dahilan ng gandang nasisilayan
Sana’y hindi ito magtapos
Sana’y hindi ka lumisan at baka
Ang gandang naaaninag ay mawawala
Didilim ang lahat
Anong madadatnan sa aking pagmulat?
Mundong walang kulay?
At ang oras ay babagal hanggang sa tuluyang huminto
Tibok ng puso’y mawawala
Titigil ang kabog na nadarama
At ang realidad ay maglalaho na lang
Panaginip na nais kong balik-balikan


You Might Also Like

0 comments: