filipino,

Literary: Guniguni

2/12/2019 08:18:00 PM Media Center 0 Comments




Pagsapit ng gabi ako’y humiga na,
ipinikit ang mga mata’t
nagsimulang pumasok sa ibang mundo
sa landas na pinalabo ang kahulugan ng totoo.

Ganap na nalimot ang realidad
nakakatakot ang bumungad
tinakbuhan ang mga umiikot sa isipan,
bigla na lang nalaglag sa tubigan,
nalulunod, humahablot ng huling hininga
at biglang bangon sa kama.

Ako’y naghilamos,
namamalikmata’t tila ako’y nauupos.
Salamin ay hinarap
Buntonghininga, halumigmig ang nagsilbing alapaap.

Heto ngayon at nakahiga muli,
iniisip na ang lahat ito’y mapapawi.
Natantong wala palang solusyon
dahil lahat lang pala’y ilusyon.

You Might Also Like

0 comments: