filipino,

Literary: Sinta

5/04/2018 08:42:00 PM Media Center 0 Comments





Sa paglipas ng panahon akala ko mag-isa na lang ako
Lahat ng aking niligawan, lahat sila ako’y tinanggihan
Hindi pa raw sila handa para sa pangako na pang matagalan
Kahit sabi nila sa akin na ako ang bumihag sa puso nila

Nagtataka ako kung bakit ganoon ang nangyayari sa akin
Wari’y ako na lamang ba ang magtitiis sa ganitong pangyayari?
Wala na akong nagawa dahil iyon lagi ang aking naririnig
Umaasa na lang na darating ang panahon na tapos na ang aking hinagpis

Sa hindi inaasahang pangayari ikaw ay biglang nakilala
Sa simula ay pinakilala lang na kaibigan ng kaibigan
Hanggang sa tayo’y nagkakilala na
Sa isip ko na ikaw na talaga ang aking magiging sinta

Paglipas ng panahon tayo’y mas naging malapit sa isa’t isa
Tinanong kita kung nagkaroon ka na ba ng mahal na iba
Sabi mo na wala pa at ako’y umasa
Tinanong kita kung pwede ba na ikaw ang aking maging sinta

Sabi mo’y walang pangako na tayo’y magtatagal
Pero para sa akin ay papanindigan ko na lamang
Sa dami kong pinagdaanan ay handa na akong magtagal
Mabuti na lamang ikaw ang nagpakita sa akin ng daan

Sa simula ng ating panliligaw hindi ko alam kung anong gagawin
Ako ay nagpasalamat sa’yo dahil binigyan mo ako ng tiyansang mag mahal ulit
At sinabi ko na sana’y hindi tayo magkamali sa pagpili
Dahil ngayon ay tama ang iyong sinabi na tayo’y magtatagal kahit anong mangyari

Sa kasalukuyan tayo’y limang buwan nang mag-kasintahan
Marami na tayong napagdaanan sa oras na ating napagsamahan
Salamat sa lahat ng iyong naturong leksyon aking mapa
Sana sa dulo’y tayo parin ang magkasama, ‘o aking sinta

You Might Also Like

0 comments: