gaudium,

Literary (Submission): Active 1 Hour Ago

4/23/2018 08:58:00 PM Media Center 0 Comments





ACTIVE 1 HOUR AGO 


9:08 PM




Psst.

May nagawa ka na bang reqs?

Ako kasi wala pa HAHAHAHA.

Gara, ang hirap kasi mag-isip ng topic para sa MCSagutan.

Actually nahihirapan ako gumawa ng kahit anong lit.

Hello?

Ay joke, baka tulog ka na.

Sige di na muna kita iistorbohin.




9:21 PM



WALA AKONG MAISIP NA TOPIC

Actually meron, pero kailangan makapal mukha ko para gawin ko talaga HAHA

Gising ka naaaaaa?

Kailangan mo pa gumawa ng reeqqqsss.




9:35 PM



May plano talaga ako para sa topic ko pero hindi ko alam kung papayag ka.

Actually medyo nakakahiya rin siya para sa yo haha.

So… sana gumising ka na ngayon para masabi ko…




9:53 PM



Uyyyyy.

Gising ka naaaaaaa.


10:49 PM

Okay, feeling ko hindi na aabot ‘yung topic na ito para sa lit, so mag-iiba na lang ako ng topic.

Pero kahit di ko na isa-submit, may gusto pa rin akong tanungin sa yo.

Halatang hindi ito promposal kasi naunahan mo na ako haha.

Nakakagulat nga eh, babae nag-ask sa lalaki.

Pero ang gusto kong tanungin mas personal… Mas importante sa prom.

Mmmm

Di ko alam kung paano ko sasabihin haha.

Sige, ito na.

Medyo matagal ko nang gusto tanungin sa yo pero nahihiya lang talaga ako.

Halos lahat ng mga panahon na naiisip ko yung tanong na to, naiisip ko na baka makasira pa ito sa pagkakaibigan natin.

Ayoko sana maging awkward sa ating dalawa, kaya di ko na tinanong yun.

Tapos bigla kang nag-prompose sa ’kin.

Nagulat talaga ako at sobrang nasiyahan.

Naisip ko na gumawa rin ng promposal para sa ’yo, pero naisip ko okay na rin yung ikaw yung nag-prompose.

Dahil dito, naisip ko na baka may chance pala ako sa ’yo.

Naisip ko rin na baka mas okay through chat kaysa through lit, kasi baka mapahiya lang ako sa klase kung through lit.

Pero kung puwede, gusto ko sana harapan tayo.

Kung puwede, gusto ko sana special yung moment na tanungin ko ito sa ’yo.

Hindi ko alam kung bakit dito at ngayon ko tatanungin, pero dahil nasimulan ko na, tatapusin ko siya.

Sige ito na.

Ito ay magiging kauna-unahang beses na sasabihin ko ito sa kahit sino.

At plano ko ring gawing huling beses.

Ehem ehem.

Will…

Will you be my girlfriend?




ACTIVE 1 HOUR AGO 

11:56 PM

Bakit?

Ay wait, ang bagal ng internet.
Gawin ko muna ‘yung frog stuff sa Science habang naghihintay na masend

Bye~


12:03 AM

mmm, late sendddd

Also, slr. Ang bagal kasi ng internet, also yeah

nakatulog ako

hahaha

Wait, ang dami mong sinend. Scroll up muna ako.


12:10 AM

Mmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm

WHAT

Jhkjcgjhejhvcjhbejhbcjhebjhcbjcckjenkj

Hoyyyy, gumising ka!!!

Ang daya moooo
Hoy!!!

Sirena missed a call from you


12:08 AM

Call Again

Hoooy, nasaan ka na???

mmmmmmmmmmmmmmmmmmmm

Wait lang. Mag-iisip ako...


2:34 AM

Hi

Wala lang
Hindi ako makatulog... At hindi ka pa online...
Iniisip pa rin kita at hindi na ako makahintay
Honestly, parang ang bilis ng lahat
I mean, sa lahat ng nangyari, takot pa rin talaga ako sa
mga bagay
hindi ko alam

Ang weird ng buhay
Mas gusto ko sana kung sa totoong buhay tayo nag-uusap.
Mas gusto ko sana kung pUwede lang tayo magkasama kahit
sa school

Pero alam mo naman kung bakit hindi.

Alam mo ‘yung takot natin sa ibang tao, alam mo ang
takot ko sa sarili ko, at alam mo rin kung gaano
tayo kabilis
Nagprompose nga ako sa 'yo, pero sino’ng may alam?
Special sa akin kung anong meron tayo. Importante
sa akin pagsasama natin, ang mga kuwentuhan, iyakan
tawanan, at lalong-lalo na…
Ikaw ay importante sa akin.
Ayokong isipin kung ano’ng mangyayari sa 'yo at
ang sasabihin ng iba
Siguro sa ibang panahon, sa ibang pagkakataon, walang
duda

Mag-ooo ako
Pero ngayon, may isa lang akong hiling...
...Hintayin mo ako
Sabi mo, ngayon ‘yung kauna-unahang beses na sasabihin
mo 'yun sa kahit sino at plano mo ring gawing huling
beses.

Pero kung puwede, 'wag sana ito ang huli mo
Kung puwede tanungin mo ulit ako 'pag handa na ako
Kung puwede, sana nandito ka sa tabi ko hanggang
dumating ang panahon na iyon
Kasi........

hahaha

Sabihin ko na lang sa totoong buhay.
May mga nagbabasa ng messages natin, eh.

You Might Also Like

0 comments: