filipino,

Literary: Kung

1/25/2018 07:42:00 PM Media Center 0 Comments




Ang layunin ko ay hindi ang magtagal sa mundo, kundi ang makapag-iwan ng marka. Kung mananatili man ako rito, ayaw ko nang gawin ang mga hindi ko gusto. Ayaw ko nang ikulong ang aking sarili. Ayaw ko nang piliin ang mga taong hindi naman ako ang pinili.

Kung mawawala man ako rito sa mundo, gusto ko munang malibot ito. Gusto ko munang makatikim ng iba’t ibang putahe. Gusto ko munang makalipad sa ere. Kung may iiwanan man ako rito sa mundo, nais kong mag-iwan ng pagmamahal.

Kung mawawala man ako rito sa mundo, sapat na sa akin ang makakilala ng mga tao. Sapat na sa akin ang may naibahagi at naipakita. Sapat na sa akin ang may naipahayag at naipadama. At kung may iiwanan man ako rito sa mundo, nais ko lamang na maalala ng mga tao, na ang buhay natin ay natatapos din at hindi natin alam kung kailan ito mangyayari.

Kaya’t kung mayroon ka mang sasabihin, kung mayroon ka mang aaminin, gawin mo na. Dahil hindi natin alam, baka hindi na muling magparamdam ang pagkakataon at mahuli na ang lahat.

You Might Also Like

0 comments: