cecilia,

Literary (Submission): Numero

11/29/2017 09:25:00 PM Media Center 0 Comments




Isa, Dalawa, Tatlo
Sa rock bench sa likod ng puno,
Dahan-dahan akong lumapit sa’yo.
Matagal ko nang itinatago,
Gusto kong malaman mong matagal na kitang gusto.

Apat, Lima, Anim
Ako’y namumutla na sa kaba.
Nanahimik ka’t ngumiti bigla.
At sinabi mo sa aking “Gusto rin kita.”
Ang hiling sa wakas ay natupad na.

Pito, Walo, Siyam
Naging tayo at umasa ako.
Kasi ang alam ko mahal kita, mahal mo rin ako.
Umasang ang tayo’y walang hangganan,
Ngunit ang walang hanggan ay nagkaroon ng katapusan.

Sampu
Anong nangyari sa ‘tayo’?
Akala ko ba mahal mo ako?
Ako ba ang may kasalanan?
Ako ba ang nagkulang?

Una, Pangalawa, Pangatlo
Sa rock bench sa likod ng puno,
Nilapitan mo ako.
Sabi mo’y gusto mo ako.

Pang-apat, Pan-lima, Pang-anim
Gusto mo ako’t gusto rin kita.
Sinagot kita.
Hindi para mahalin ka, ngunit para lumigaya.

Pampito, Pang-Walo, Pansiyam
Dumating sa punto na tinanong ko ang aking sarili.
Oo sigurado ka na mahal mo ako,
Ngunit sigurado nga ba akong gusto kong mahalin ang isang tulad mo?

Panghuli
Huli na ang lahat at iniwan kita.
Hindi para saktan ka, ngunit para itama ang mga mali na aking ginawa.
Patawarin mo ako’t huli na ito.

You Might Also Like

0 comments: