crescencia,

Literary: Sa Huling Pagkakataon

11/29/2017 09:04:00 PM Media Center 0 Comments




Sa pagtatapos ng pana-panahon…

Ito na ang huling pagkakataon,
Na makikita
Mga salitang pinagtagpo ng panahon
Na mababasa
Mga tugmang pilit hinulma ng pagkakataon
Isang pagtatapos
Isang pagsisimula
At pagpapakawala sa kahapon

Ang pagkalas
Ang paglaya
Mula sa pagkakatali sa lubid na iba ang may likha

Wala nang hanggang ngayon at wala nang hanggang tingin…

Ang pag-iwan
Ang pagwawakas

Sa relasyong sila ang nagbigay depenisyon

Ito na ang huling pagkakataon,
Hindi kakalimutan
Ang mga natutunan
Sa mga gunita ng nakaraan

Iiwan ang bakas
Magsisimula ng bagong daan

Ngayon magkabila na ang mundo…

Tatahak na ng ibang landas

Sapagkat
Narito na ang dulo
Tapos na ang kwento

Ito na ang huling pahimakas.

You Might Also Like

0 comments: