filipino,

Literary: BFF's

11/29/2017 07:43:00 PM Media Center 0 Comments




“Best”
Magmula noong bata pa, tayo na ang magkasama,
Sabay tayong naglalaro sa’ting mundong gawa-gawa.

Isa lamang ang pangarap na ating nais makamtan,
Para sa’tin, walang mahirap basta tayo’y nakakapit sa isa’t isa.

Walang sikreto sa pagitan nating dalawa.
Walang lihim na itinatago sa bawat isa.

Nagsisilbing lakas sa tuwing nanghihina.
Nagbibigay ng yakap sa tuwing lumuluha.

Kung ako ang tatanungin,
Wala na akong hahanapin.

Sa isang kaibigang tulad mo,
Ako’y nagiging kumpleto.

“Friends”
Magmula bata pa, magkatabi na tayo.
Hawak kamay at nagsasayaw sa’ting sariling mundo.

Tayo’y laging magkasama’t ating isip ay naghahalo.
Tipong ang ating mga salita’y sa iisa na nagtatapos.

Bawat hirap, bawat galos ay ating pinagsamahan.
Bawat labang hinaharap, ika’y nandyan, maaasahan.

Ngiti mo’y sumasagip sa’kin sa mga mahirap na panahon.
At tuwing kailangan mo, ako’y naroon din para sa’yo.

Aking pinag-isipan ang tanong ng iba,
Kung ang magkaibigan ay hanggang doon na lang ba?


“Forever.”
Magmula bata pa, tayo na ang magkasama.
Hindi ko namalayan na gusto na pala kita,

Hindi ko napansing bumubukadkad ang damdamin.
Hindi ko aakalain na ikaw pala’y aking mamahalin.

‘Di ko malaman kung paano ko sasabihin,
Dahil baka hindi naman ito pag-ibig.

May kaba sa dibdib, bumibilis ang tibok ng puso,
Iniisip kung ang nadarama’y totoo.

Ako’y lumapit sa’yo at mahigpit kang niyakap.
“Patawad dahil ako’y hindi naging tapat”

Gulat at lungkot ang sa aki’y makikita
Umagos ang aking mga nararamdaman.

“Hindi ko na kayang maging magkaibigan tayo,
Kailangan ko munang humiwalay at lumayo”

Ako’y ngumiti at pinasalamatan siya.
Para sa mga panahong aming pinagsamahan.

At kami’y tumalikod sa isa’t isa,
‘Di batid ang bigat na aming dala.

Dahil ang isa’y nagsalita ng kaniyang tunay na damdamin
At ang isa’y nadala sa takot na haharapin.

You Might Also Like

0 comments: