CP3,

Literary: Ako Ba Talaga'y Para Sa'yo?

11/29/2017 08:40:00 PM Media Center 0 Comments




Noong una kitang makita…

Nilapitan mo ako sa ‘di malamang dahilan.
Matapos ang mga kwentuhan,
Mas nagkakilala tayo at naging magkaibigan.
Akala ko magiging tayo na,
Akala ko doon na papunta.
Ngunit sa isang iglap,
Bigla na lang tayong nag-iwasan.

Nagustuhan agad kita,
Ang ganda mo kasi,
Laging may ngiti sa iyong mga labi
Baka pwedeng maging tayo kung sakali
At ayun, noong magsimula akong umasa
Nalaman kong may nauna na pala



Makalipas ang ilang taon…

Tayo’y muling nagtagpo.
Masaya akong makita kang muli,
Kahit sa panahong iyon ako’y gulong-gulo.
Lagi kong tinatanong sa sarili,
“Ikaw na ba? Para ba tayo sa isa’t isa?”
Ngunit tila hindi mo ako gusto,
Kaya’t napilitan akong humanap ng iba.

Matagal din tayong ‘di nagkita
Natuwa ako nang malaman
Na break na pala kayo
Napuno ako ng pag-asa
Pero torpe nga pala ako
At ‘yun naubusan na ng oras
Mayroon ka na namang bago

Ngayon…

Sa panahong nagdaan,
Nakakatawang tingnan na ngayon
Ay nauwi pa rin akong mag-isa.
Takot akong maiwang mag-isa,
Kaya kahit ako’y pagod na,
Sinabi ko na lang sa sarili,
“Isang subok pa.”


Ngayon, muli ka na namang nag-iisa
Ang pag-asa ay muling nabuo
Ayoko na sanang palampasin
Ngunit parang malabo
Bumabalik na naman ang pagkatorpe ko
Ako ba talaga ay para sa’yo

You Might Also Like

0 comments: