filipino,

Sports: UPIS muling nakibahagi sa UP Pep Rally

9/07/2017 08:57:00 PM Media Center 0 Comments



Sa ikalawang pagkakataon, muling nakilahok ang varsity athletes ng University of the Philippines Integrated School (UPIS) sa taunang UP Pep Rally na ginanap sa UP College of Human Kinetics (CHK) Gym noong Agosto 29, 2017.

Ilan sa mga ipinagmamalaking atleta ng paaralan mula sa Table Tennis, Swimming, Basketball, Volleyball, at Pep Squad ang sama-samang nagtanghal ng kanilang routine upang katawanin ang UPIS. Umindak sila sa saliw ng Me Too ni Meghan Trainor at Sax ng Fleur East at itinanghal ang isang dance routine na itinuro ni G. Jess Pe Benito na siyang pansamantalang coach ng UPIS Pep Squad. Maliban sa routine ng UPIS, sumama rin ang Pep Squad ng paaralan sa pagtatanghal ng UP Varsity athletes.

Dumalo rin sa nasabing event sina UP CHK Dean Ronaldo U. Dizer, Chancellor Michael Tan, at si Senador Pia Cayetano bilang pagpapakita ng suporta sa mga atleta ng unibersidad.

Samantala, patuloy ang paghahanda at paghingi ng suporta ng mga iskolar-atleta sa kanilang susunod na laban sa paparating na UAAP Season 80. // ni Hanzvic Dellomas

You Might Also Like

0 comments: