charlize,

Literary (Submission): Nasaan?

9/29/2017 09:20:00 PM Media Center 0 Comments





Ha? Saan?
. . .



Puro kayo sambit
Ng mga salitang gasgas na’t gamit na gamit.
Mga pangakong napapako lang
Mga nasirang tiwala ng taumbayan.



Puro kayo kamatayan
Ang sinasabing sagot sa karamdaman bayan.
Hindi malinis na paraan
Bagkus ay kasakiman.
Ngunit hindi ba… kayo rin naman?



Puro kayo palitan
Ng mga konstitusyong nakasanayan
Ng mas walang kalatuy-latoy na paraan
Para maturuan ng leksyon ang mga sakim ng bayan



Puro kayo pagpapaskil ng larawan
Ng mga bagay na pawang positibo.
Ngunit sa likod ng magagandang kuha
Ay maiitim na budhi’t nagtatagong mga luha.




Puro kayo kalayaan,
Ngunit pilit niyong inuulit ang kasamaan.
Na nangyari na noong nakaraan
Na para bang wala kayong natutuhan.



Kailan niyo balak baguhin ang inyong mga sarili?
Bago kayo tuluyang kumilos para sa ikauunlad ng bayan?
Bilang isa ring Pilipinong gutom sa kasagutan,
Ang katarungan, hustisya, kapayapaan, nasaan?

You Might Also Like

0 comments: