filipino,

Literary (Submission): Tanglaw ng Pagbabago

9/08/2017 09:51:00 PM Media Center 0 Comments



Tayong lahat sa mundong 'to'y
Nagdaan na sa mahamog na dagat
Kung saa'y waring dilim ang nakikita
At puros lamig ang humahaplos sa balat
"Ayos lang yaan, tayo'y dito na lamang"
Wika niya na nakokontento na lang
"Masaya tayo rito, wala na tayong hinaharap,"
Wika niyang takot nang mangarap
Ngunit hindi ikaw
Hindi ikaw na mayroong mapatutunayan
Hindi ikaw na nangangarap at 'di takot sa hinaharap
Hindi ikaw na mayroon pang ipaglalaban
At hindi ikaw na napakarami pang matututunan
Kaya kung sakaling dumating ang araw
Na may init na hahaplos sa iyong balat
At may biglang liwanag na tumusok sa hamog ng dagat
Habang sila'y natatakot, lilingon, at sisilong sa lungga
Ika'y mahihimasmasan, haharap, at ngingiti nang bahagya
Hindi ka matatakot, hindi mo agad tatanggihan
At nang wala kang pagsisisihan pagdating sa iyong himlayan
Sapagkat habang sila'y nagmamadaling magtago
Ikaw nama'y sasalubungin ang tanglaw ng pagbabago

You Might Also Like

0 comments: